"SHAUN?!"
Laking gulat ko na makita ko si Shaun na naka handusay sa sahig. Lumapit ako sa kanya at ginising siya ng ginising.
"Shaun gumising ka! Gumising ka Shaun!"
Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat para gisingin siya pero ayaw niya talaga.
"Shaun!"
Tumingin-tingin ako sa paligid at saka ko nalang nalaman na nasa kwarto pala kami. Kanino namang kwarto 'to? Sa kanya kaya?
Dahan-dahan ko siyang binuhat at hiniga sa kama. Inayos ko ang higa niya at hinawakan ang kanyang noo. Nataranta nalang ako ng malaman ko na may lagnat pala talaga siya. Bakit kanina parang wala naman siyang sakit tapos ngayon... Hindi ko siya maintindihan.
Lumabas ako nang kwarto para kumuha ng basang panyo.
Pagbalik ko sa kwarto, lumapit agad ako sa kanya at inilagay ko sa noo niya ang panyo. Hinga siya ng hinga ng malalim kaya mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Shit! Shit! Shit! Paano na 'to? Saan ba dito naka lagay yung mga gamot? May medicine ba siya dito? Saan ko naman hahanapin ang lahat ng 'yon eh ang lawak-lawak ng bahay niya. Ang dami pang lusutan at pintuan dito. Anong gagawin ko?
"Dito ka lang Shaun ha, bibili lang ako ng gamot mo.." sabi ko at sabay siyang iniwan. Lumabas ako ng bahay para bumili ng gamot. Hindi ko ginagastos ang pera ko pero hindi naman pwedeng hayaan ko si Shaun, 'diba? At saka ayokong mahirapan pang mag-hanap ng gamot sa bahay niya..
Napalayo-layo pa ako sa bahay nila dahil sa kahahanap na pwedeng pagbilhan ng gamot. Wala akong makitang botika dito kaya nagdesisyon na akong pumunta sa Mercury drug. Pagtapos kong bumili ng gamot, pumunta agad ako sa bahay ni Shaun at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Shaun at inilapag ko na muna ang mga binili kong gamot sa lamesa. Ginising ko ng ginising si Shaun. At nang magising na siya, pinainom ko na agad siya ng gamot pero agad naman siyang natulog. Nakakaawa naman si Shaun.. Paano kaya kung wala ako dito? Sino mag-aalaga sa kanya?
"Sabi mo kanina wala kang sakit, sinungaling ka!" Inis kong sabi sa kanya.
"Magpahinga ka ng mabuti, Shaun"
〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜Ilang oras akong nag-bantay sa kanya dito hanggang sa magising na siya.
"Shaun?"
"S-Sara? A-Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari?"
"Nakita nalang kitang walang malay dito. Hindi ko malalaman na nandito ka kundi sa aso mo.." oo nga pala.. Na saan na pala yung aso niya?
"Sinungaling ka! Akala ko ba wala kang sakit!" inis kong sabi sa kanya. Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko sa kanya. Naka tingin lang siya sa mga pinamili kong mga gamot.
"Ikaw ang nag-alaga sa 'kin?"
"Huh? A-Ah oo, ako nga.."
"Ilang oras ka nang nandito? Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo?"
"Siguro mga tatlong oras.. Hindi naman magagalit sa 'kin si mama.. Teka nga lang, wala ka na bang nararamdaman?",
Hahawakan ko palang sana ang noo niya nang hawakan niya ang kamay ko at ibinaba 'to.
"Umuwi ka na.." sabi niya at sabay na bumangon sa kama. Lumabas siya ng kwarto na walang paalam.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...