Bukas na gaganapin ang hinihintay ng lahat ng Grade 10 students. Pinahiram muna ako ni Allison at Amelia ng extra nilang uniform para may magamit ako. Excited na excited na silang lahat sa darating na araw bukas. Ang iba naman ay naghahanap na ng ka-partner nila. Ako? Wala pa akong nahahanap at isa lang naman ang gusto kong maka-partner sa prom. Walang iba kundi si Kairos. Pero paano ko ba sasabihin sa kanya? Paano ko siya makaka-usap pag-tapos nung mangyari sa amin sa school ni Lulu? Paano kaya kung galit siya sa 'kin? Paano kung hindi pa niya nakakalimutan ang nangyari?
"Ayoko guys, hindi ko 'to kaya.."
"Bruh, alam namin 'yon eh! Alam namin ang nangyari pero no choice ka naman. Kung siya ang gusto mong maka-partner dapat mong sabihin 'yon sa kanya." Pagpapaliwanag sa 'kin ni Allison.
Uwian na namin ngayon at nandito kami ngayon malapit sa section ni Kairos. Hinihintay namin siya na lumabas. Tinutulungan nila ako ngayon na kausapin si Kairos na maging partner ko sa prom.
"O.M.G! Sahara palabas na si Kairos, humanda ka na." Sabi ni Amelia sa amin na kanina pa silip ng silip sa classroom ni Kairos. Tama nga siya. Lumabas na nga si Kairos sa classroom niya at sakto dahil wala siyang kasama.
"Ayan na, pagkakataon mo na. Kaya mo 'yan, goodluck!" Sabi ni Allison at sabay akong tinulak. Kinindatan nila akong dalawa bago sila tuluyan na umalis.
Tiningnan ko si Kairos at malapit na siya sa 'kin.
"Kaya ko 'to.."
Huminga na muna ako ng malalim bago ako humarap sa kanya.
"Sara?"
"Kairos.. Uhm.."
"Bakit? May gusto ka bang sabihin?"
Napakagat nalang ako ng labi ko sa sobrang kaba.
"Kairos, sorry sa nangyari nung isang araw. Sorry kung iniwan kita ng biglaan no'n, mapatawad mo sana ako."
"Iyon lang ba? Huwag mo nang isipin 'yon. Tapos na 'yon at ang importante ay nalaman na ni Luther na may nangyayari sa'yong hindi maganda." Mahinahon niyang sabi na ikinagaan naman ng loob ko. Mabuti nalang at hindi galit sa 'kin si Kairos.
Pero.. Masasabi ko na ba talaga sa kanya?
"Uhm.. Kairos.. Gusto sana kitang yayain na maging.. Uhm.. P-Partner ko sa prom?" Kabado kong sabi. Hindi naman siya agad naka-sagot at parang nagdadalawang isip siya kung papayag ba siya o hindi.
"Kairos!" Tawag ng isang babae sa pangalan niya. Lumingon ako sa likod niya at nakita ko ang babae na tumawag sa pangalan niya. Si Kayleigh, ang pinaka-magandang babae sa buong school namin. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa tanyag niyang kagandahan. Perfect girl ang tawag ng karamihan sa kanya. Matalino, mayaman, maganda, sexy, model, at mabait. Karamihan sa lalaki dito ay obsess sa kanya dahil sa kanyang magandang mukha at hugis ng katawan.
Lumapit si Kayleigh kay Kairos at inakbayan niya 'to.
"Hey Leigh!" Bati sa kanya ni Kairos.
"Sara, meet Kayleigh. Actually, siya ang magiging partner ko sa prom."
Natulala ako sa sinabi niya sa 'kin. Hindi ako makapaniwala na si Kayleigh pala ang magiging partner niya sa prom. Para akong tinamaan ng kidlat sa sobrang hiya. Ano ba naman kasi panlaban ko sa kanya? Mukha niya palang ay talong-talo na ako. Bagay naman sila na maging partner eh. Parehas sila na hinahangaan ng maraming tao.
"Wow.. Well congrats."
"Congrats?" Pagtatakang tanong sa 'kin ni Kayleigh.
"I mean congrats kay Kairos dahil sa dinami-dami na gusto kang maka-partner sa prom, si Kairos ang napili mo."
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...