Chapter 29 "My Birthday"

253 13 4
                                    

Pag-gising ko, wala na sa tabi ko si Lulu at may nakita akong letter sa kama.

Hey Antena,

                        Good morning! Sorry kung hindi na ako nakapag-paalam pa sa'yo. Ayaw kasi kitang ma-istorbo sa pag-tulog. But you know, sobrang cute mo pala matulog. Sorry kung kinuhaan kita ng litrato na walang paalam sa'yo. Sorry rin kung tinakot kita kagabi. By the way, alam kong gutom ka na kaya pinaghanda na kita ng breakfast sa kusina.

-GwapoMongKaibigan


Sweet talaga ng kaibigan kong 'to. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni Lulu. Hays, pero mahangin nga lang..

Bumangon na ako sa kama at pumunta sa CR para maghilamos ng mukha. Pumunta na ako sa kusina at laking gulat ko na may nakita akong pizza, dalawang balot na biscuit, isang balot naman na cookies, at isang baso na may lamang gatas. Hindi ako makapaniwala sa hinanda ni Lulu para sa 'kin.

Umupo na ako sa upuan para kumain. May nakita pa akong papel sa lamesa na may nakasulat na "HAVE A NICE DAY". Ang sweet! Gusto ko sana siyang tawagan sa cellphone kaso naalala ko wala pala akong load. Ang saklap naman oh!

Nag-dasal na muna ako bago ako kumain. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng kaibigan na lalaki tulad ni Lulu. Sobrang bait niya! Nakakainis.. Sana lahat ng lalaki katulad niya..

Nilagay ko sa ref ang mga natira kong pagkain. Hindi ko 'to mauubos dahil hindi naman ako gaano matakaw kumain. Pumunta ako sa kwarto ni mom para tingnan kung naka-uwi na siya.

Pagbukas ko ng pinto, binuksan ko agad ang ilaw.

"Mom?"

Wala dito si mom pero may napansin akong envelope sa kama niya. Kinuha ko 'to at tiningnan kung ano ang laman. May naka-lagay na 1000 pesos at may nakita pa akong dalawang papel. Kinuha ko ang mahabang papel at binasa.

Anak, pasensya na kung hindi na kita nakakasama pa ng matagal araw-araw. Marami kasing pinagawa sa amin ang boss ko kaya pasensya ka na anak. Babawi nalang ako kapag naka-uwi na ako. Ok? Nakita ko rin na wala ng laman na pagkain sa refrigerator natin kaya yung 1000 pesos na nakalagay sa envelope, ipambili mo 'yon ng mga pagkain. Nasa maliit na papel ang mga listahan ng pagkain na bibilhin mo. May matitira diyan na 200 at sa'yo nalang 'yon. Mag-ingat ka Sahara at mahal na mahal kita anak.

So naka-uwi na pala si mom dito ng hindi ko alam.. Kailan pa kaya siya naka-uwi dito? Hays miss na miss ko na siya. Simula nung pag-uwi ko sa bahay galing sa probinsya ng adviser namin, wala na siya dito sa bahay no'n. Siguro nung oras na nasa bahay pa ako non ni Shaun ay naka-uwi na siya dito.

Pinasok ko sa loob ng envelope ang mahabang papel at kinuha naman ang pera at ang maliit na papel. Tinabi ko ang envelope sa cabinet niya at sabay na pumunta sa kwarto para mag-ayos na ng sarili. Pag-tapos ay lumabas na ako sa bahay para bilhin ang lahat ng pagkain na nakasulat sa maliit na papel. Pumunta ako sa grocery at sinimulan na ang paghahanap ng mga pagkain na nasa listahan. Wala kaming pasok ng dalawang araw dahil sa NCAE ng Grade 9. Swerte namin noh?

Habang naghahanap ako, laking gulat ko na makita ko sina Carla, Zenith, at Charlotte. Nagtago ako agad para hindi nila ako makita. Pagtapos kong makuha lahat ang mga pagkain na nasa listahan, pumunta agad ako sa cashier para mag-bayad. Lumabas agad ako at dali-daling naglakad.

May biglang babaeng humarang sa harapan ko at laking gulat ko na malaman kong si Carla 'yon.

"Hep hep! Sa'n ka pupunta?" pahayag ni Carla.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon