Nagkwentuhan lang kami about sa life and love at hanggang sa matapos na kaming kumain. Nauna ng umuwi si Lulu dahil may emergency daw, samantala sina Allison at Amelia ay hinatid ako sa bahay. Binigay rin ni Lulu ang dalawang hawak niyang plastic bag at ang paper bag kanina kina Amelia at Allison. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang laman ng mga 'yon.
"Salamat ha, buti nalang nandito kayo para sa 'kin. Sobra talaga akong nagpapasalamat sa inyo. Hindi ko alam kung pa'no ko ba kayo pasasalamatan pero kahit anong sabihin niyo ay gagawin ko. Iyon nalang ang naisip kong paraan upang pasalamatan kayo", pahayag ko.
"Sige ba.. Sabi mo ha.."
"Oo naman!"
Inabot sa 'kin ni Allison ang dalawang plastic bag at ang paper bag at naguguluhan ako kung bakit nila 'to binigay sa 'kin.
"May binili si Lulu na dress para sa susuotin mo mamayang gabi.."
"H-Huh? Bakit? A-Anong mayroon mamayang gabi?" pagtataka kong tanong.
"Basta! Pumunta ka ah, at saka 'to nalang ang gawin mo upang pasalamatan kami. Okie?"
"O' sige.."
"Itetext ko nalang sa'yo mamaya kung sa'n tayo magkikitang apat.. O' siya sige, uwi na kami at maghahanda pa kami para sa gaganapin mamayang gabi. Kailangan maganda tayo ah, I mean mas lalo pa tayong gumanda."
Curious talaga ako sa mangyayari mamayang gabi. Ano kayang mayroon?
"Sige uwi na kami, bye Sahara. See you later!"
"Sige bye, ingat kayo!"
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa CR at nilagay sa labahan ang suot kong damit kanina. Pumunta na ako sa kwarto at nilapag ko ang dalawang plastic bag at ang isang paper bag sa kama ko. Umupo ako sa kama at tiningnan kung ano ang laman ng paper bag. Isang magandang dress na kulay pula at may isang malaking rosas sa gilid na kulay pula rin. May maliit na bag at tiningnan ko kung ano ang laman.
"M-Make up?"
Hindi halatang bago ang mga make-up at halatang gamit na. Hindi na ako nagdalawang isip pa kung kanino ang mga 'to. Kilala ko kung sino ang mahilig mag-make-up, walang iba kundi si Allison lang.
"Bakit naman nandito yung mga make-up niya?"
Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'to sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Allison?"
Tiningnan ko muna saglit yung mga make-up bago ko sagutin ang tawag niya.
"Hey bruh!"
"Allison? Bakit nandito yung mga make-up mo?"
"Seriously? Hays sasabihin ko pa nga lang sana eh pero alam mo na pala. Galing mo talaga kahit kailan", pahayag niya. Sabi ko na nga ba at sa kanya ang mga make-up na 'to.
"Bakit mo naman nilagay yung mga make-up mo do'n?"
"Fine! Sinadya ko talaga 'yan ilagay diyan dahil gusto kong gamitin mo 'yan para sa gaganapin mamayang gabi.. Like I said earlier, kailangan mas lalo pa tayong gumanda. Okie?"
"Pero hindi naman ako marunong!"
"Duh, edi manood ka ng mga make-up tutorial. At saka fast learner ka naman di'ba? Kaya mo 'yan. By the way, maliligo na ako. Bye Sahara!"
"No, wait!"
Tatanungin ko palang sana siya kung ano ang mayroon mamayang gabi pero binabaan niya na agad ako.
"Ano kayang mayroon mamaya..."
Tinabi ko na ang phone ko sa kama ko at tiningnan naman ang dalawang plastic bag. Laking gulat ko na may makita akong mga iba't ibang klase ng pagkain. May naka-lagay din na sulat at binasa ko 'to.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...