Hindi pa rin ako umaalis at nakatulala lang ako. Ilang oras na akong nandito at hinihintay na may maka-kita sa 'kin na tao dito.
Mayamaya, biglang tumunog ang phone ko. Pinunasan ko ang kamay ko bago ko kinuha ang phone ko sa bulsa.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
"L-Lulu?"
Sinagot ko ang tawag niya at hinintay na mag-salita siya.
"Antena? Na sa'n ka? Bakit wala ka dito sa bahay niyo?"
"Lulu.."
"Antena? Bakit ganyan ka mag-salita? May nangyari ba?" pagtataka niyang tanong.
"Lulu.. Tulungan mo ako.."
"Ano?! Na sa'n ka ba?"
"Nandito ako sa likod ng grocery, yung malapit lang sa amin.."
"Oh sige, pupunta na ako ka agad! Diyan ka lang!"
Agad niyang binaba ang phone niya. Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang phone ko at hinihintay na dumating si Lulu.
Ilang minuto akong naghintay sa kanya.
"Antena?" Banggit ni Lulu sa pangalan ko ng makita niya na ako. Hindi pa siya sure kung ako ba talaga 'to. Hindi niya siguro ako nakilala dahil sa itsura ko ngayon.
"A-Antena? A-Anong nangyari sa'yo?!" pagtataka niyang tanong at agad na lumapit sa 'kin. Nakita niya ang mga pagkain na naka-kalat lang sa kung saan-saan. Pinagtataka niya rin kung ano ba talaga ang nangyari sa 'kin at kung bakit gan'to ang itsura ko.. Tutulungan niya palang sana ako pero pinigilan ko siya.
"Huwag kang lalapit, baka madungisan kita.."
"Wala akong paki alam", seryoso niyang sabi na ikinagulat ko naman. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at tinulungan akong tumayo. Hindi siya nababahuan sa 'kin kundi naaawa siya.
"Dito ka lang.." pahayag niya at sabay na tumakbo paalis. Hindi naman siya nag-tagal. Bumalik siya agad na may dala-dala ng paper bag.
"Tara!" Seryoso niyang sabi at sabay na hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Dinala niya ako sa isang bahay at kumatok siya sa pinto. May lumabas na matandang babae at parang nagtataka kung bakit gan'to ang itsura ko.
"Magandang hapon po, baka pwedeng pong gumamit ng CR ninyo para sa kaibigan ko. Nakiki-usap po ako sa inyo.." pahayag ni Lulu na ikinagulat ko naman.
"A-Ah sige, walang problema.."
"Salamat po.."
Pinapasok kami ng matandang babae sa bahay nila at sinamahan kami papunta sa CR nila.
Pinapasok ako ni Lulu sa CR at binigay sa 'kin ang dala-dala niyang paper bag.
"A-Ano 'to?"
"May shampoo, sabon at may damit na diyan.. Sige na maligo ka na at may importante tayong pag-uusapan.." seryoso niyang sabi. Nahiya ako sa kanya dahil sa mga ginastos niya para sa 'kin.
"S-Salamat.." sabi ko.
Sinara ko na ang pinto at naligo na. Nagtagal ako ng ilang minuto dahil medyo naaamoy ko pa ang suka at toyo. Pagtapos kong maligo, kinuha ko na ang damit sa paper bag. Pantalon na kulay white at long-sleeve na black na may naka-lagay sa gitna na rainbow. Hindi ko alam kung pa'no ko papasalamatan si Lulu dahil dito. Ang dami niya ng naitulong sa 'kin. Hindi sapat ang salitang SALAMAT sa kanya. Kailangan kong mag-isip ng maganda kung paano ko pasasalamatan si Lulu.
Nagbihis na ako pero bago ako lumabas sa CR, nilagay ko na muna ang damit ko sa paper bag. Hinanap ko si Lulu at nakita ko siya sa sala kasama ang matandang babae. May hawak naman si Lulu na plastic bag. Tiningnan ako ni Lulu ng seryoso at parang may gusto siyang sabihin sa 'kin. Oo nga pala, may importante pala kaming pag-uusapan. Ano naman kaya 'yon? Kinakabahan ako..
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...