"Sahara!"
I saw Kairos coming towards me and he removed the handkerchief from my mouth. I can now finally catch my breath.
"Kairos?! A-Anong ginagawa mo dito?"
"Long story..." Sabi niya habang tinutulungan akong maka-alis sa upuan.
"Kailangan na natin maka-alis bago pa tayo mahuli ng security guard.. Sorry hindi kasi ako nakapag-paalam at wala rin akong dalang letter. Alam mo naman ata kapag nahuli tayong dalawa 'diba?" Ang ibig niyang sabihin ay kapag nahuli kami ng security guard dito sa school ng gan'tong oras, pwedeng mapatawag ang magulang namin sa Principal office. Pero kung may letter ka naman na may pirma ng parents, adviser at ng Principal, pwede kang makapasok.
"Tara na!" hinila niya ang kamay ko palabas ng classroom. Ni-lock niya ang pinto bago kami pumunta sa gate ng school. Habang hila-hila niya ang kamay ko, tulala lang akong sumusunod sa kanya at gulong-gulo kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Fuck!" Bigla siyang nag-mura nang malaman niyang naka-lock na ang gate ng school. Malamang naka-uwi na ang security guard. Paano 'yan? Paano kami makakauwi? Paano kami makakalabas?
"May alam ka pa bang ibang daanan?"
"Sa tingin ko wala na.." sabi ko. Alam kong public ang school na 'to pero kung titingnan mo, parang private school na rin.
"Paano na 'yan?"
"Dala mo cellphone mo?"
"Sandali.."
Dinukot niya sa bulsa niya ang cellphone niya. "Malas! Walang signal! Eh ikaw, yung cellphone mo?"
OMG!
"Nako patay! Yung bag ko! Nasa classroom!" Argh! Nakakaasar! Ni-lock pa naman ni Kairos yung pintuan ng classroom. Hindi 'to pwede! Paano ko makukuha 'yon? Hindi naman pwedeng bukas eh! Kainis!
"Sorry about that.."
Napasalampak nalang ako sa sahig at nag-iisip kung ano ang pwedeng gawin. Tumabi naman sa 'kin si Kairos at tingin ng tingin sa paligid.
"Paano mo pala nalaman na nandito pa rin ako?"
"Iyon ba, sinabi sa 'kin ng kapatid ko. Walang iba kundi si Yasmin.."
ANO?! KAPATID NIYA SI YASMIN?!
SERIOUSLY?!
"S-Seryoso ka? Bakit hindi kayo magkamukha? At iba ang gamit niyong apelyido sa isa't isa?"
"Anak siya ng tatay ko sa labas, stepsister ko siya.." may ibang kinakasamang babae ang papa niya? Kaya pala ganon kaganda si Yasmin, pero nerd nga lang.
"Bakit wala kaming kaalam-alam tungkol sa inyong dalawa?"
"Ayaw ni Yasmin na maging famous ng dahil lang sa 'kin. Kaya ayon, ginawa niyang nerd ang sarili niya at ginamit niya ang apelyido ng mama niya o stepmother ko kung tawagin."
Ibang-iba si Yasmin kumpara sa ibang babae na may kapatid lang na sikat, nagiging mayabang na. Pero si Yasmin, mas pinili niya ang maging normal. Hindi ko akalain na stepbrother pala ni Yasmin ang matagal ko ng crush na si Kairos.
"So alam pala ni Yasmin na nando'n ako sa classroom.."
"Yeah and I'm sorry if I'm late, ngayon ko lang kasi nabasa message niya.."
"No it's ok, basta ang importante nandito ka na.."
"Bakit ka pumapayag na ganunin nila? Bakit ayaw mong mag-sumbong?" Shit! Huwag niyang sabihin na sinabi rin sa kanya ni Yasmin na pinapahirapan ako nila Kaesha? Bahala na..
"Ayoko ng maging isyu pa 'yon. At mas lalong ayoko pang lumaki ang gulo.." sabi ko habang naka yuko. Hindi ko kayang tumingin sa kanya.
"Ang kilala kong Ange ay matapang.." What did he say? Ange?! Did he say my old name?
"A-Ange? Bakit mo alam yung dati kong ginagamit na pangalan?"
"Matagal na kitang kilala Sara. Nakita kita sa municipal no'n, naglalaro ka ng volleyball. Player ka no'n dati 'diba? Nanonood ako no'n sa inyo. Napahanga mo ako sa paglalaro mo no'n. Para kang matured kung maglaro, napabilib mo ako do'n. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari sa'yo nung 2nd game na ninyo, umalis ka kasi no'n." Nando'n siya sa municipal at pinapanood akong maglaro? Bakit hindi ko alam 'yon? Kung alam niya lang sana ang dahilan kung bakit ako umalis no'n sa 2nd game.. Hindi niya 'to ipapaalala sa 'kin. Nalulungkot ako at parang sumisikip ang dibdib ko tuwing naalala ko 'yon.
"Alam kong isang beses ka palang naglaro ng volleyball, pero.. Gusto ko lang malaman mo na iniidolo pa rin kita hanggang ngayon," Totoo ba 'to? Ang matagal ko ng hinahangaan ay iniidolo ako?
"Kuya!"
Napa-lingon kami sa gate ng marinig namin ang boses ni Yasmin. Nakita namin siya na may kasamang security guard. Akala ko naman naka uwi na ang security guard dito sa school, 'yon naman pala hindi.
"Yasmin?"
"Sara!"
Bigla akong niyakap ni Yasmin at ganon din ako. Kahit na hindi kami masyadong close, para kaming matagal ng magkaibigan kung magkayakap sa isa't isa. "I'm glad you're ok!"
"Salamat Yasmin.. Bakit pala si Kairos ang naisipan mong pagsabihan na nandito pa rin ako hanggang ngayon? Alam mo bang kilala niya ako?"
"Actually, hindi eh! At saka wala na rin akong maisip na pwedeng pagsabihan kaya si kuya nalang ang na-isip ko. Hindi ko nga akalain na magkakilala pala kayo sa isa't isa."
"Nako mga bata, sa susunod sabihin niyo nalang sa 'kin ang totoo. Ayos ba?"
"Sorry Sara, sinabi ko sa kanya na nasa loob ka pa rin ng classroom at naka kulong.." Nako! Baka sabihin ng security guard sa Principal ang tungkol dito!
"Ah kuya pasensya na po, pero nakikiusap po sana ako sa inyo. Baka naman po walang pwedeng maka alam ang tungkol dito.." sabi ni Kairos.
"Sige pero sa ngayon pwede na ba kayong umuwi? Baka may makakita pa sa inyo at mapagalitan pa ako"
"Salamat po.."
Bago kami umuwi, syempre nagpatulong na muna ako sa manong guard na buksan ang pintuan ng classroom namin para kunin ang bag ko. Hinatid na muna namin ni Kairos si Yasmin sa bahay nila. Hinatid rin ako ni Kairos sa bahay at dahil do'n, hindi ko mapigilan na kiligin pero hindi ako pwedeng magpahalata.
"Salamat, Kairos.."
"You're always welcome Sahara.."
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pumunta na ako sa kwarto para magpahinga. Wala na naman si mama dito at alam kong nasa work na naman 'yon.
Ang daming nangyari ngayong araw na 'to. Sobrang dami ko rin nalaman.
Hindi ko talaga akalain na stepsister pala ni Kairos si Yasmin. Nakapagtataka talaga.. Bakit parang pare-parehas kami ng buhay nila Shaun, ako at ni Kairos? Parehas kaming iniwan ng mga tatay namin. Bakit kaya?
Ang akala ko hindi ko na makikita pa ulit si Kairos kasi ilang araw na siyang absent. Hindi ko akalain na ang taong magliligtas pala sa 'kin kanina ay si Kairos.
"Kaya gusto ko lang malaman mo na iniidolo pa rin kita hanggang ngayon"
"Aaahhh!!"
Dahil sa sobrang kilig at tuwa ko ay hindi ko mapipigilan magwala sa kama. Napagod rin naman ako kaya tumigil ako at napabuntong-hininga nalang.
"Kairos.. Salamat.."
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...