"Mom? Where are you?" sigaw ko pagkarating ko sa bahay. Hinintay ko siyang sumagot pero wala talaga. Buti nalang hindi pa siya umuuwi.
Dumiretso ako sa kwarto ko at tumingin sa salamin. Tumingin ako sa paa ko at saka ko nalang napagtanto na ang baduy pala tingnan ang black shoes ko sa damit ko. Hindi pala bagay.. Sana hindi napansin ng mga taong nadaanan ko ang suot kong sapatos. Nakakahiya!
"Hays.."
Umupo ako sa kama at hinubad ang sapatos ko. Nagpahinga ako saglit at saka ko nalang naalala ang payong ko kagabi.
"Hala yung payong ko! Argh kainis!"
〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜Monday na naman ulit kaya in-ayos ko na ang sarili ko para pumasok na sa school. Dala-dala ko ang damit na binili sa 'kin ni Shaun nung Sabado at balak kong ibalik 'to sa kanya. Sobrang ganda ng damit at nahihiya ako kay Shaun sa ginastos niya.
Hindi ko nakita si Shaun pag-pasok ko ng classroom. Umupo na ako sa upuan ko at iniisip kung bakit absent siya ngayon. Bakit naman kaya hindi siya pumasok? May problema na naman ba siya? Tinatamad ba siya? O wala pa rin siya sa mood na pumasok? Bahala na nga siya!
Lumingon-lingon ako sa paligid at laking gulat ko na malaman kong hindi rin pumasok sina Kaesha, Carla, Charlotte, at Zenith. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit sila absent ngayong araw na 'to?
Mabilis din naman natapos ang klase kaya umalis na ako sa school para umuwi.
"Sahara!"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko sina Allison at Amelia.
"Allison, Amelia, hindi ba dapat umuwi na kayo? May kailangan ba kayo?"
"Mamaya na kami uuwi at saka kailangan ka namin" pahayag ni Allison.
"Kailangan niyo ako? Sa'n naman?"
"Edi ano pa ba, kailangan mo kaming samahan mag-hanap ng susuotin namin na gown sa Prom. At saka ikaw rin, kailangan mo na rin maghanap. At saka bruh, malapit na kaya yung Prom. Napag-praktisan mo na ba yung pinili natin na kakantahin mo?"
Crap! Oo nga pala! Nakalimutan ko ang tungkol sa Prom. Pa'no 'yan? Ilang linggo nalang at Prom Night na. Hindi ko pa nga alam yung kakantahin ko na When I look at you. Tapos...
"Nagdadalawang isip ako..."
"Huh? Bakit naman?"
"Guys, alam niyo naman na walang pera si mom pambili o mag-arkila ng gown. Hindi naman kami mayaman tulad niyo. At saka pwede pa naman akong tumanggi kapag kinausap ko yung Principal, kaso nga lang natatakot ako.."
Nagtinginan silang dalawa at parang naawa sila sa kondisyon ko.
"Sorry..."
"Nako hindi niyo kailangan mag-sorry.. Pero sige papayag akong samahan kayong mag-hanap ng susuotin niyo sa Prom"
"Weh?! Talaga?! Oh my gosh! Makakasama na ulit natin si Sara! Arat na?"
Nagtawanan na muna kami bago kami pumunta sa Mall kung sa'n maraming magagandang gown. Habang naghahanap sila, hindi ko maalis sa isipan ko kung bakit ko talaga sila naging kaibigan. Ibang-iba ako kumpara sa kanila. Mayayaman at magaganda sila, samantala ako...
"Bagay ba 'to sa 'kin.."
"Ngek! Eww! Ang baduy mo naman pumili! Maghanap ka ng iba, yung babagay sa'yo hindi yung magmumukha kang eng-eng sa Prom! Duh!"
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...