Chapter 38 "The fight between Luther and Kairos"

227 13 1
                                    

"Kairos, long time no see"

"Luther, do'n tayo sa court mag-usap. Kasama si Sara." Sabi niya at sabay na naman hinila ang braso ko.

Pumunta kami sa court kasama si Lulu. Walang ibang tao dito kundi kami lang tatlo.

Nasa likod ako ni Kairos at parang walang balak na palapitin ako kay Lulu.

"Sara... A-Anong nangyari sa'yo?"

"Nagawa mo pa talagang magtanong samantala 'kaw naman talaga ang dahilan kung bakit nangyari 'to sa kanya." Matapang na sagot ni Kairos sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Mahinahong tanong ni Lulu kay Kairos.

"Hindi pa pala sinabi sa'yo ni Sara ang nangyari sa kanya kahapon."

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

"Napagtripan lang naman siya ng mga fans mo kahapon. Aksidente kasi na nabangga ni Sara yung fan mo at natapon yung ini-inom niyang buko shake. Naki-usap siya kay Sara na bilhan ulit siya ng bago. Binigyan niya si Sara ng pekeng pera at hindi 'to alam ni Sara. Nabayad niya 'to sa restaurant at nalaman nila na peke pala ang binayad ni Sara sa kanila. Muntik ng mapunta si Sara sa police station kung wala lang ako do'n. At kita mo naman ngayon, pinagtripan na naman ulit siya ng mga fans mo. Dahil sa'yo napapahamak si Sara. Hindi ka pa rin talaga nagbabago hanggang ngayon, Luther." Seryoso niyang sabi kay Luther. Gulong-gulo ang isipan ni Lulu. Hindi rin niya magawa akong tingnan sa mata.

"Kairos, tama na.."

"Kairos, kung ano man ang nagawa ko sa'yo dati.. kalimutan mo na 'yon."

"Oo Luther, nakalimutan ko na ang lahat ng 'yon. Pero ang nangyayari kay Sara ngayon, hinding-hindi ko 'to palalagpasin." Seryosong sabi ni Kairos habang naka-tingin siya ng diretso kay Lulu.

"Kairos..."

Tulala lang akong naka-tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung pa'no ko sila mapipigilang dalawa. Hindi ako papayag na mag-away sila nang dahil lang sa 'kin. 

"Sahara mag-usap tayo." Lalapit palang sana sa 'kin si Lulu pero inilayo ako sa kanya ni Kairos.

"Huwag mong tangkaing lumapit sa kanya."

"Pwede ba Kairos, usapang mag-kaibigan 'to. Hindi ka naman namin kaibigan, 'di ba?"

Biglang binitawan ni Kairos ang bag ko.

"Tarantado ka pala eh!" Asik ni Kairos at bigla niyang hinawakan ang kwelyo ni Lulu at sabay na binigyan ng malakas na suntok sa panga. Napabaling naman sa ibang direksyon ang mukha ni Lulu.

"Tama na Kairos!" Pag-awat ko kay Kairos at hinawakan ko ang kanyang braso para ilayo siya kay Lulu.

"Wag kang makialam!" Inis na sabi ni Lulu at biglang sumugod kay Kairos para bumawi ng suntok. Napa-urong naman kaming dalawa ni Kairos.

"G*go ka pala eh!"

"Kairos!"

Nabitawan ko ang braso ni Kairos at sumugod na naman 'to kay Lulu. Sinuntok niya na naman si Lulu sa panga na may kasabay na tadyak sa tyan dahilan para mapa-upo si Lulu sa sahig.

"Kairos please stop it! Nasasaktan mo na si Luther!"

"Dapat lang sa kanya 'yan!"

Sobra akong nag-alala kay Lulu at lalapitan ko palang sana siya pero hinawakan ni Kairos ang braso ko at kinaladkad ako palayo kay Lulu. Kinuha ni Kairos ang bag ko at ibinigay niya 'to sa 'kin.

"Hayaan mo na siya, tara na!"

"T-Teka si Lulu!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Diretso lang siya sa paglalakad habang kinakaladkad ako papalabas ng court.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon