"Wow!"
Sobra akong napa-bilib at napa-hanga sa ganda ng Lynne Place.
Ang mga naka-patay naman na ilaw sa gilid ay nagsibukas na at naglalabas ito ng mga iba't ibang klase ng kulay. Ang mga puno at bulaklak naman ay naging makulay dahil sa mga Christmas lights na nakapalibot do'n. Sa stage naman ay may mga sumasayaw ng ballet dancing at may mga spotlight na naka-tapat sa kanila. Sa water falls naman ay mas lalong gumanda 'to ng bumukas ang mga ilaw sa gilid non ng iba't ibang klase ng kulay. Mas lalo pa akong namangha sa ganda ng Lynne place dahil sa amazing lighted fountains with various colors. Lalo pang gumanda ang itsura ng Lynne Place ng may mga fireworks na samabay sa ganda ng lugar.
Sobrang ganda at hindi ako makapaniwala na may mas bobongga pa pala sa surpresa sa 'kin ni Lulu kanina.
"Ang ganda..." pahayag ko at 'di ko mapigilan na mapanga-nga dahil sa sobrang ganda ng Lynne Place. Sobra talaga akong natuwa at napahanga.
"Sara!"
Bigla akong napa-tingin sa likod ng fountain at nakita ko do'n si Shaun.
"Shaun! Sobrang ganda dito!" Sigaw ko sa kanya.
Mayamaya, laking gulat ko na makita ko siyang ngumiti sa 'kin at...
"---------"
Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng tunog ng mga fireworks.
Totoo ba 'to o namalik-mata lang ako? Ngumiti ba talaga siya? At anong sinabi niya sa 'kin? Buwiset kasi na fireworks na 'yon, hindi ko tuloy narinig ang sinabi ni Shaun sa 'kin.
Tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko naubusan na tayo ng ice cream"
"Ay, ganon ba. Ayos lang Shaun at least nabusog na ako sa view ng Lynne Place", pahayag ko sa kanya.
"Tara na, ihatid na kita sa inyo"
"Ha? Agad-agad?"
"Ayaw mo pa ba umuwi?"
Sasagot palang sana ako sa tanong niya ng bigla siyang naglakad paalis. Hindi man lang niya hinintay yung sagot ko. Ayaw ko pa naman sana umalis dahil gusto ko pang mag-libot sa Lynne Place pero bahala na. Inaantok na rin naman ako.
"Bahala na nga.."
Hinabol ko si Shaun dahil sobrang layo na ng narating niya. Habang naglalakad kami ay walang balak na mag-salita sa aming dalawa. Sobrang awkward talaga.. Nasa likuran niya lang ako at tinititigan lang siya.
"A-Aray!" bigla akong napa-aray ng biglang sumakit ang paa ko dahil sa suot na sandals ko. Tiningnan ko ang paa ko at may paltos na pala ako. Sinubukan kong hawakan 'to. Sa sobrang hapdi, napa-sigaw nalang ako at napa-pikit nalang ako bigla.
"Anong nangyari sa'yo?" pagtatakang tanong sa 'kin ni Shaun. Bago siya maka-lapit sa 'kin ay sinuot ko agad ng patago ang sandals ko kahit sobrang sakit.
"A-Ah wala naman.. Tara na lakad na tayo.." pahayag ko at sabay na lumakad kahit na iika-ika ako.
"Sandali!"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Shaun. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa harapan ko ng naka-talikod. "A-Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Sumampa ka na sa likod ko bago pa mag-bago isip ko.."
"Bakit naman ako sasampa sa likod mo?"
"Sasampa ka o titiisin mo 'yang paltos mo sa paa?" Nabigla ako sa sinabi niya. Alam niya na pala ang dahilan kung bakit ako iika-ika lumakad. Hindi na ako nag-dalawang isip pa kaya sumampa na ako sa likod niya ng dahan-dahan. Nang maka-sampa na ako sa likod niya ay dahan-dahan siyang tumayo at lumakad. Habang naka-sampa ako sa likod niya ay hindi ko mapigilan na amoyin ang kanyang buhok dahil sa sobrang bango.
Habang naglalakad kami pauwi sa bahay ay hindi ko namalayan na naka-tulog pala ako habang naka-sampa ako sa likod ni Shaun.
Shaun Hayden Zacharias POV
Wala na akong choice kundi i-sakay ko si Sahara sa likod ko kahit na medyo nabibigatan ako sa kanya. Ayoko naman na maglakad siya ng may paltos sa paa. Nakonsensiya ako at saka hindi ko siya kayang tiisin.
Kaonteng lakad nalang ay malapit na kami sa bahay niya.
"Sahara, nandito na tayo", mahinahon kong sabi sa kanya pero hindi siya sumagot. "Sahara?" Tawag ko sa pangalan niya.
Lumingon ako sa likod ko at hindi ko namalayan na naka-tulog pala siya. Ang ulo niya ay naka-sandal sa balikat ko at naka-harap sa 'kin. Nakita ko ang kanyang mukha na halatang pagod na pagod na.
"Ibang klase talaga.." sabi ko.
Nasa harapan na kami ng bahay niya at dahan-dahan kong ibinaba si Sahara sa tapat ng gate nila. Tiningnan ko ang gate nila kung naka-bukas ba pero hindi. Mayroon 'tong padlock pero hindi ko naman alam kung sa'n ko makikita ang susi ng padlock na 'to. Nakita ko ang shoulder bag ni Sahara kaya naisip kong buksan 'to. Hindi ako nagkamaling tingnan ang kanyang bag dahil dito ko nakita ang susi ng gate nila. Binuksan ko ang padlock at binuhat si Sara papasok sa bahay nila. Dahan-dahan ko rin naman binuksan ang pintuan nila dahil baka magising ko si Sahara. Pag-pasok ko sa bahay nila ay agad akong nakakita ng sofa at do'n ko inihiga si Sahara.
"Sarap naman ng tulog ng babaeng 'to.." sabi ko sa sarili ko.
Napansin ko ang lamesa nila dito na may isang maliit na cake na may naka-sulat na "Happy Birthday Baby". Sa tabi naman ng cake ay may letter na naka-lagay. Kinuha ko 'to at binasa.
Dear Sahara,
Anak, pasensya ka na kung hindi kita ngayon masasamahan sa bahay lalo na't Birthday mo pa. Anak alam kong sobrang dami ang pagkukulang ko sa'yo pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Patawad anak ha, dahil sa sobrang busy ko sa work ay nawawalan na ako ng oras sa'yo. Babawi ako sa susunod. Happy Birthday sweetheart, I love you.
From : Mom
Galing pala sa mama niya ang cake na 'to. Nakakalungkot naman kung hindi sila nakapag-bonding ngayong araw na 'to.
Tiningnan ko si Sahara at umupo ako sa harapan niya habang tinititigan siya ng mabuti.
"Happy Birthday Sahara.." pahayag ko at sabay akong tumayo. Aalis palang sana ako ng biglang marinig kong nag-salita si Sahara.
"Huwag! Huwag mo akong iwan.. Ayokong maiwang mag-isa ulit. Ayokong iwan mo ako ulit.. Ayoko.. I'm feeling so lonely.. Nosh.." Mahinahon niyang sabi kahit na tulog pa rin siya.
Huminga muna ako ng malalim at muling pumunta sa tabi niya. Nakakita ako ng kumot at nilagay ko 'to sa katawan niya.
"I'm sorry..." pahayag ko bago ako tuluyan na lumisan. Sinigurado ko na naka-lock ng mabuti ang gate at ang pinto nila para masigurado ko na safe siya bago ako umalis.
"Kung alam mo lang sana Sahara.." sabi ko sa sarili ko at sabay na lumakad palayo.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...