ft. What you mean to me by Christopher Wilde
"Sara, help"
Bigla akong kinabahan nang sabihin 'yon sa 'kin ni Yasmin.
"B-Bakit anong nangyayari?"
"Yung mga lalaki kasi kanina pa ako sinusundan... Hindi nila ako nilulubayan. Kahit anong sungit at sigaw ko sa kanila hindi sila umaalis. Anong gagawin ko?"
"Na sa'n ka ba?" pagtatakang tanong ko. Napansin ko na curious sila Lulu sa usapan naming dalawa ni Yasmin.
"Nasa loob ako ng court... Sara please, huwag mong sabihin 'to sa iba. Puntahan mo nalang ako dito now na.. Natatakot na ako.." Nasa loob siya ng court? Pero sabi sa amin ng mga teacher ay walang pupunta sa loob ng court dahil isasara daw 'yon ngayong araw. Bawal pumasok na kahit sino do'n dahil gagamitin daw ang court sa gaganapin na okasyon daw sa next week.
"Sige, pupuntahan kita diyan. Huwag kang aalis.." sabi ko at sabay na binaba ang cellphone.
"Na sa'n daw siya?" pag-aalalang tanong ni Kairos sa 'kin. Hindi niya puwedeng malaman ang tungkol dito.
"Nasa CR daw siya.. Dito nalang kayo, hintayin niyo nalang kami na bumalik"
"Ingat ka..." sabi sa 'kin ni Lulu na mas lalong nagpakaba sa 'kin. Nagpaalam muna ako sa kanila bago ako umalis.
Habang naglalakad ako papunta sa court, lingon ako ng lingon sa paligid kung may mga tao na sumusunod sa 'kin. Sa tingin ko may nangyayari ng hindi maganda. Nang nasa harap na ako ng court, nakita ko ang pinto na medyo naka-bukas. Agad akong pumasok at sumilip. Madilim sa loob pero buti nalang may mga bintana sa taas kaya do'n pumapasok ang liwanag ng araw. Sa gitna malapit sa stage, may nakita akong isang pares ng sapatos. Agad ko 'tong nilapitan at kinuha ito.
"Kay Yasmin kaya 'to?"
Inalala ko kung ano ang itsura ng sapatos niya kanina.
"K-Kay Yasmin nga... H-Hindi ako puwede magkamali." Dahil sa nakita ko, nakaramdam ako ng takot at pangamba. Hindi ako makapag-isip kung sa'n ko siya mahahanap dito. Ano na kaya nangyari sa kanya? Maayos lang kaya siya? Nag-aalala na ako sa kanya.
Mayamaya, biglang nagbukas ang dalawang spotlight na kulay puti at naka-harap ito sa stage. Tumapat 'to sa malaking projector screen. Nagulat nalang ako nang biglang mag-play ang projector na may nakalagay na "I LOVE YOU". Nawala ang takot at kaba ko. Imbes na hanapin ko si Yasmin, naka-focus ako sa stage.
Biglang may tumunog na gitara at may kumakanta habang nagpe-play ang projector. Lalaki ang kumakanta at malalim din ang boses. Hindi kaya... Si Shaun 'yon? Pero imposible.. Sabi sa 'kin ni Lulu hindi siya papasok. Kaya hindi siya 'yon...
Can't blame you, for thinking
That you never really knew me at all
I tried to, deny you
But nothing ever made me feel so wrongHindi ko maalis ang tingin ko sa projector screen. Nakalagay do'n ang mga pictures ko simula noong bata ako.
Ano ba ang nangyayari? Bakit may mga paganto dito sa court? At saka para sa 'kin ba 'to?
I thought I was protecting you
From everything that I go through
But I know that we got lost along the wayHere I am, with all my heart
I hope you understand
I know I let you down
But I'm never gonna make
That mistake again
You brought me closer
To who I really am
Come take my hand
I want the world to see
What you mean to me
What you mean to me
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Ficção AdolescenteAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...