------***------
"Ano ang inyong pinunta dito Rosella? May problema ba sa bukirin?" tanong ng gobernador heneral na si Cristobal sa dalagang kakapasok palang sa kanyang opisina. Kasama nito si Marco, walang nagawa ang binata kundi ang sundin si Rosella napag-usapan na nila ito at pumayag na si Marco.
"May nais kaming sabihin sa inyo heneral" ani ni Rosella na dahilan upang mapatigil si ginoong Cristobal sa kanyang ginagawa. Napatingin pa si Rosella kay Marco at napasinghap "Nasa panganib ang mga mamamayan ng bundok Pilatos"
Kumunot ang noo ni Cristobal "Ang mga tao doon ay sapilitang pinag-tratrabaho ng isang mayaman na kamakailan ay napunta nadin dito sa Salida"
"Ano klaseng sapilitang pag-tratrabaho Rosella?" tanong ng ginoo sa kanya.
"Ang pag-mimina sa mga bundok, ang pilitin silang mag-mina para makahanap ng diyamante. Kapag wala na silang halaga ay pinapatay sila, ang mga babae ay nawawalan ng dignidad dahil sila ay ginahasa ang mga batang nawalan ng mga magulang, heneral matagal na naming gustong sabihin sa inyo ang lahat ngunit natatakot kami" paliwanag ni Rosella, tumayo si ginoong Cristobal sa kanyang kinauupuan at nilapitan ang dalaga.
"Ano ang dahilan Rosella? Kung sinabi niyo ito ng maaga ito ay masusolusyunan kaagad" sabi ng ginoo sa kanya. Napahawak si Rosella sa kanyang noo "Heneral, sa tingin namin ay may koneksyon ang taong iyon sa gobyerno na dahilan upang magawa niya ang gusto niya"
"Naitakas namin ang dalawang taga-bundok Pilatos, sila ay mga kaibigan ni Marco tinulungan namin sila heneral ngunit hindi sapat ang aming kakayahan upang itakas ang mga natitirang tao doon" sabi ni Rosella na may pag-aalala. Kailangan niyang ipag-laban kung ano ang pinag-lalaban ni Marco, dahil sumama siya, handa siyang tumulong kahit ano pa ito.
"Rosella, alam niyong mapahamak ang inyong ginagawa alam ba ito ng iyong mga magulang?" tanong ng heneral, agad na umiling ang dalawa bilang sagot. Napahilamos sa mukha si ginoong Cristobal at napapikit.
"Kailangan itong malaman ng guwardiya sibil at ng gobyerno" sabi ng heneral, napatingin naman si Marco kay Rosellla, hindi nila maaring malaman ang lahat baka sila ay mapahamak.
"Heneral, hindi niyo puwedeng gawin iyon, malakas ang kinakalaban natin maaaring mapahamak ang Salida sa kaguluhan sa bundok Pilatos"
"Pakiusap heneral, kailangan nating isikreto ito sa lahat, kakausapin namin ang mga guwardiya sibil upang alam nila ang kanilang gagawin--"
"Hindi Rosella, ako ang kakausap sa kanila sasamahan ako ni Marco maiwan ka sa iyong mansyon" ani nito na dahilan upang mapakunot ang kanyang noo. Hindi maaari, may maitutulong siya sa kanila kailangan niyang pumunta sa bundok Pilatos.
"Gobernador, matagal na naming pinag-usapan ito ni Marco, palihim kong ginagawa ang aking tungkulin sa aking mga magulang handa akong tumulong sa mga taga-bundok Pilatos. Hayaan niyo ako sa aking desisyon--"
"Rosella, kayo na ang nag-sabi na mapanganib at walang kaawa-awa ang taong ito, sinabi mo na ilan rin ang napapatay niya sa isang araw at hindi makatarungan iyon. Nangako ako sa iyong magulang Rosella na isa ako sa mga gagabay sa iyo, hindi ko hahayaan na madamay ka sa gulong ito"
"Matagal na akong nadamay gobernador, nakaharap ko na ang taong sinasabi namin at nakita ko ang pagiging inosente ng kanyang mukha ngunit nakita ko rin ang pagiging demonyo ng kanyang mga mata" sabi ni Rosella na dahilan upang mag-taka ang heneral sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Historical FictionSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...