Kabanata 31

47 4 0
                                    

------***------

"Bakit si padre Gamad pa?" tanong ni Matias na ngayon ay hindi mapakali sa kanyang upuan, nasa opisina sila ngayon ng gobernador-heneral at hinihintay ang pag-babalik nito.

"Marco, hindi mo ba alam na kamag-anak ni Clara si Arnaldo?" tanong ni Matias kay Marco, ngunit pag-iling lang ang nasagot nito sa kanya. Napahawak si Rosella sa kanyang ulo at malalim na napahinga.

"Hindi siya nag-babahagi sa akin tungkol dito ngunit ang dapat nating alamin ay kung may alam siya sa ginagawa ni Arnaldo" ani ni Marco na ngayon ay nag-tatama ang kilay dahil sa pagiging seryoso nito.

"Panigurado akong may alam iyon sapagka't parehas sila ng ugali ni Arnaldo" ani ni Crizalda, napatingin naman ang lahat sa kanya "Sabi ng ilang mga tao ay dumalaw na nakapulang bestida at sa tingin ko ay siya iyon" ani ni Crizalda.

"Ano ang ating hakbang ngayon? Alam na ni Arnaldo na pamahalaan ang kanyang kalaban, paano kung idamay niya ang seguridad ng Salida?" tanong ni Matias at tumayo sa kanyang kinauupuan.

"Ngunit hindi niya alam na tayo ay pupunta sa Pilatos sa Sabado, kailangan nating mag-handa sa kanya dahil panigurado akong nag-hahanda na ang kanyang mga tauhan" sabi ni Marco.

"Maraming mamamatay sa pag-kakataong ito, pinag-dadasal ko nalang na makaligtas tayong lahat" ani ni Apollo na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Biglang bumukas ang pinto na dahilan upang mapatingin ang lahat, pumasok ang gobernador-heneral dala-dala ang mga papeles. Dumiretso ito sa kanyang lamesa at ito ay nilapag.

"Hindi ko inaasahan ang nangyare kanina, hindi ko alam na may anak si padre Gamad" usal ni gobernador-heneral Cristobal, napatango naman ang lahat dahil dito.

"Kailangan na nating mag-ingat sa ating mga galaw, hindi natin alam kung may alam si padre Gamad sa ginagawang kasamaan ni Arnaldo" sumang-ayon naman ang lahat dahil sa sinabi nito.

Tila walang kaalam-alam si padre Gamad sa nangyayare ngunit kailangan nilang mag-ingat dahil nakasalalay dito ang mga buhay ng tao.

"Ngunit nandito ako para ipaalam ang nangyareng trahedya sa munisipyo"

Kumunot naman ang noo ni Rosella at napatayo, ang pag-kasunog ng mga tao ang tinutukoy ng heneral "May napansin ang mga guwardiya-sibil sa na may isang lalaking nag-mamasid sa lugar"

Napasinghap si Rosella at sinusubukang iguhit sa kanyang isipan ang sinasabi ng heneral "At sa tingin ko ay siya ang gumawa ng sunog sa munisipyo, Rosella" nag-tama ang tingin ni Rosella at ng heneral.

Tila bumalik ang kulay itim na usok na nanggaling sa munisipyo, napayuko nalang si Rosella dahil unti-unti niya ng nalalaman ang nangyareng trahedya sa munisipyo.

"Kayo ay lumisan na bagama't aasikasuhin ko ang problema sa Pilatos, kakausapin ko ang heneral tungkol dito" ani ng gobernador-heneral na ikinatango naman ng lahat.

Lumabas silang lahat ng opisina, sa kanilang pag-labas ay bumungad ang isang itim na karuwahe na huminto sa kanilang harapan "Mga kaibigan!" sigaw ng lalaking lumabas.

"Arnaldo" matikas na sabi ni Matias habang nakangiti, kumunot naman ang noo ni Rosella dahil halatang halata ang peke nitong ngiti.

"Kagagaling niyo lang sa gobernador-heneral?" tanong ni Arnaldo, tumango naman si Matias bilang sagot dito.

"Mukhang malalim ang inyong pinag-usapan" ani ni Arnaldo habang nakangiti, napunta naman ang tingin nito kay Apollo at Crizalda.

Nanlaki ang mga mata ni Rosella, kilala niya si Crizalda ano ang kanilang gagawin? Ngumiti si Arnaldo na dahilan upang mapa-atras si Crizalda at mahawakan ang kamay ni Apollo.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon