Kabanata 48

31 4 0
                                    

"Hindi ko inaakala na magagawa mo iyon sa iyong sarili Rosella! Nababaliw ka na ba?!"

Ang mga binigkas ni Matias ang mga salitang nasa panaginip ni Rosella, bakit nangyayare ito ngayon? Kung ano ba ang nasa panaginip niya ay yun din ang mangyayare ngayon?

"Nag-iisip ka ba Rosella?! Hindi hawak ni Marco ang buhay mo, bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo?!" hindi magawang makasagot ni Rosella dahil pilit niyang binabalikan ang kanyang panaginip.

Galit si Matias at ganon din ito sa kanyang panaginip "Matias dahan-dahan lang hindi pa magaling si Rosella" sabi ni Apollo at pilit pinapakalma si Matias.

"Kagagawan niya ito Apollo, kulang nalang ay isama niya ang kanyang katawan sa burol ni Marco" tila isang pana ang tumusok sa puso ni Rosella kahit narinig niya na ito sa panaginip bakit tila masakit parin sa kanya ang mga binabatong salita ni Matias?

"Ano naman sayo Matias? A-Ano naman sayo kung sumama ako kay Marco?" nanginginig ang boses ni Rosella at unti-unting pinunta ang kanyang tingin kay Matias. Nilalakasan niya ang loob niya pero ang puso niya ay durog na durog na.

Tila nagulat pa si Matias dahil sa sinabi ni Rosella, nilapitan ng binata si Rosella at kita niya ang mga luha nitong tumutulo "H-Hindi mo ako naiintindihan Matias, iyon nalang kasi ang tanging paraan para maalis tong sakit sa puso ko. Ang mamatay nalang ang solusyon para hindi ko na maramdaman ang sakit---Ugh!"

Sa isang iglap ay isang kamay ang napunta sa pisngi ni Rosella na dahilan upang siya ay mapatulala, naramdaman niya ang pamamanhid nito. Hinawakan niya ito at nakakagulat na tinignan si Matias.

"Matias! Bakit mo pinag-buhatan ng kamay si Rosella?!" tanong ni Apollo at tinulak palayo si Matias kay Rosella. Lumapit naman si Laurel upang alalayan naman si Rosella.

"Matias mali ang ginawa mo, hindi mo dapat ginawa iyon--"

"Tama lang ang ginawa ko Laurel, napapasama na si Rosella dahil kay Marco! Ginawa ko iyon para magising na siya sa reyalidad na wala na siyang babalikan, na wala na si Marco, na hindi niya na makakasama si Marco"

"Tumigil ka Matias" mariing sabi ni Rosella at pilit na kinakalaban ng kanyang malalamig na mga mata ang tensyon mayroon si Matias. Hindi niya inaakala na mangyayare ito, na sasaktan parin siya ni Matias.

Napasinghap si Rosella at kitang-kita ang dismayadong mukha nito "Talaga bang kailangan mo akong saktan para magising sa katotohanan?" nanginginig ang boses ni Rosella at hindi niya maiwasang maisara ang kanyang kamay.

Ayaw niyang sigawan si Matias dahil mas lalong lalaki ang gulo, mahinhin ngunit malamig na boses ang tumambad sa lahat. Kaibigan laban sa kaibigan, masakit isipin na napunta sa ganito ang storya ngunit kailangan tatagan ni Rosella ang kanyang sarili.

"Dapat bang bitawan mo ang mga salitang magiging dahilan para mas lalo akong masaktan Matias?" puno ng katanungan ang mga sinasabi ni Rosella at kahit sa reyalidad ay nakikita niyang hindi nag-sisisi si Matias sa pag-sampal sa kanya nito.

"Kaibigan kita Matias pero bakit hindi mo ako maintindihan? B-Bakit sa inyong lahat walang nakakaintindi?" sunod-sunod ang pag-tulo ng likido sa mukha ni Rosella, kahit noon ay walang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman.

"Tatanungin kita Matias, kaibigan pa ba kita?" tila lumambot ang ekspresyon ni Matias dahil sa tanong na iyon, ang tila tigre nitong mukha ay napalitan ng kaawa-awang kuting. Nakikita niya ng umiiyak si Rosella ng dahil sa kanya, nasasaktan si Rosella dahil sa ginawa niya.

"Kaibigan pa ba kita o kalaban na ang turingan natin sa isa't isa?" hindi na napigilan ni Rosella ang kanyang sarili para sabihin iyon. Kalaban niya ang matagal niya ng kaibigan, una si Analia ngayon naman si Matias. Tinataboy niya ang mga taong hindi nakakaintindi sa sitwasyon niya.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon