Kabanata 7"Kailangan mo pa ba talaga akong ihatid, Matias?" tanong ni Rosella sa binatang si Matias habang patuloy parin siya nitong inaalalayan. Sapagkat ang haba talaga ng buhok ni Rosella na dahilan upang mainggit ang manunulat, ganda kasi e.
"Rosella, bakit hindi mo naman sinabi na ikaw ay hindi marunong mag-patakbo ng kabayo?" tanong ni Matias sa kanya, saan ba pwedeng makakuha ng isang Matias?
"Mabilis kasi ang mga pangyayare Matias malay ko ba na may pagka-isip bata si Ignacio" usal ni Rosella na dahilan upang mapangisi si Matias, Tila isang komersyal ng pepsodent.
Biglang huminto ang karuwahe na nag-huhudyat na nakarating na sila sa mansyon ni Rosella. Bilang isang ginoo na si Matias ay inalalayan niya sa pag-baba si Rosella sa karuwahe, lakas talaga ni Matias.
"Maraming salamat Matias at niligtas mo ako kanina" nakangiting sabi ni Rosella na dahilan upang mapangiti si Matias at ang dahilan upang lumitaw ang biloy nito (dimple).
"Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin Rosella diba" usal ni Matias at napaiwas ng tingin sa dalaga na tila ito ay nahihiya. Pilit namang napangiti si Rosella ngunit sa isip isip niya habang patagal ng patagal ay mas lalo niyang nasasaktan si Matias.
"Ako'y papasok na, paalam Matias" usal ni Rosella, agad itong lumayo sa binata at dumiretso sa loob ng mansyon.
Bakit ba kasi hindi masabi ni Rosella na kaibigan lang talaga ang turing niya kay Matias, sabi nga nila hangga't maaga pa ay sabihin na upang hindi na maging malala. Ngunit iba ang panahon ngayon, bumalik si Rosella at sa panahong binalikan niya ay masasaktan niya muli si Matias.
Naku! Kung hindi niya ito gusto ay aangkinin nalang ito ng manunulat, biro lamang huwag seryosohin. Ngunit kung ikaw ang nasa posisyon ni Rosella ay mahihirapan ka rin sa kalagayan niya na ang pag-durog sa puso ni Matias.
Bumungad naman ang ina ni Rosella "Oh hija, ikaw ay nakauwi na" usal ni Rosalinda sa kanyang anak. "Ina, kilala mo ba si Ignacio?" tanong ni Rosella na ikinakunot ng noo ni Rosalinda.
"Aba'y oo naman, makulit at masayahin ang batang iyon" usal ni Rosalinda na ikinakunot naman ng noo ni Rosella, sa panahong noon ay wala siyang natatandaang may nakilala siyang Ignacio.
"Halika at kakain na tayo ng hapunan" usal ni Rosalinda.
"Wala pa ho ba si Ama?" tanong ni Rosella sa kanyang ina. "Mamaya pa uuwi ang iyong ama dahil may ginagawa pa siya" usal nito.
Mabilis na natapos ang hapunan, agad na dumiretso si Rosella sa kanyang kwarto. Nakatingin siya sa salamin habang sinusuklayan ang kanyang buhok.
Bigla namang may pumasok sa isipan ni Rosella "Kailan kaya ako makakabalik?" tanong nito. Napasinghap naman siya, nilapag niya ang suklay at tumungo sa kanyang bukas na bintana.
Tinignan niya ang buwan na nag-sisilbing ilaw sa kalangitan "Sigurado akong nag-aalala na sila sa akin sa center"
Agad namang dumiretso si Rosella sa kanyang higaan, inayos niya ang kanyang kumot. Marahan siyang napasinghap dahil sa kakaisip kung kailan ba siya makakabalik sa kasalukuyan.
Unti-unti niyang pinikit ang kanyang mga mata at ilang saglit lang ay nakatulog na ito ng mahimbing.
~~~
"Analia, maagang maaga ay ikaw ay nandito sa hardin" usal ni Rosella habang papalapit kay Analia. Napakunot naman ang noo ni Rosella ng bumungad sa kanya ang malaking ngiti ni Analia.
"Anong mayroon sa iyong ngiti Analia at tila abot ito sa iyong tenga?" naguguluhang tanong ni Rosella habang nakangiti.
"Rosella, nakilala ko na ata ang nag-patibok ng aking puso" usal nito na tila kinikilig pa. Napangiti naman si Rosella dahil tila isang dalaga si Analia na may gusto sa isang binata.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...