Kabanata 40

37 4 0
                                    

Hindi nag-tagal ay bumalik na si Rosella sa kanyang mansyon, tumambad sa kanya ang makalat niyang hardin. Nag-kalat ang mga dahon na kulay lupa sa lupa, ang ibang mga bulaklak ay nanunuyo na dahil sa hindi ito naaalagaan.

Napasinghap si Rosella at unti-unti lumapit, sinumalan niyang linisan ang kanyang hardin. Matagal siyang nag-kulong sa kwarto at matagal niya ring hindi naalagaan ang mga bulaklak niya.

Malungkot at lanta ang mga ilang bulaklak, kumuha si Rosella ng isang balde at nag-simulang diligan ito. Puno ng katahimikan ang lahat, tanging ang tunog ng tubig na napupunta sa kanyang halaman ang gumagawa ng ingay dito.

Sumasalamin ang kilos ngayon ni Rosella sa mga bulaklak niya, kapag hindi naalagaan ng maayos ay untu-unting lumalanta. Ang puso niya na hindi naalagaan na unti-unti naring kinakain ng lungkot at galit.

Ang puso niya na tila ang tanging pag-asa lang mabuhay ay si Marco, muling sisilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi kapag nakita niya si Marco "Hindi ako susuko, nangako ka sa akin at mag-hihintay ako.."

Dumating ang malakas na hangin na dahilan upang sumayaw ang mga damo at ang mga puno "Kahit sa panaginip lang, Marco" sabi ni Rosella habang kinukuha ang mga nakakalat na bulaklak.

Ngayon na siya ay lumabas sa publiko ay kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil ngayon siya ang tatapos ng lahat, siya ang mag-papadapa kay Arnaldo "Rosella.."

Nanlamig ang mga kamay ni Rosella at unti-unting binatawan ang mga bulaklak na hawak hawak niya. Sa boses palang ng nag-salita at kilala niya na ito, humarap siya at nakita niya si Analia at Matias.

"Hindi pa ba tapos ang usapan niyo sa aking mansyon?" pangunguna ni Rosella sa dalawa, nakita niya ang pag-titinginan ng dalawa. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag silang maltratuhin ng ganito ngunit tila may humihila sa kanya upang gawin iyon.

"Rosella hindi mo naman kailangang maging ganito, bumalik ka nga ngunit hindi ikaw ang Rosellang aasahan namin" ani ni Analia na dahilan na tila mang-hina ang mga tuhod ni Rosella. Takot siyang makita ang mga mata ni Analia dahil tila nakikita niya ang kanyang pag-kakamali ngunit kung ito ang kanyang gusto ay gagawin niya.

"Anong sinasabi mo?" sa isip-isipan ni Rosella ay pinipilit niyang tumingin at maging malamig, tila may isang pader ang nasa gitna nila at dapat iyon lang ang kanyang limitasyon.

"Rosella, hindi ganito ang gusto kong mangyare, tinulungan kit upang makalimutan si Marco--"

"Hindi nakakalimot ang puso Analia, matuto kang mag-basa ng mga mata ko at hindi ang mga salita ko" seryosong sabi ni Rosella, ramdam niya ang malamig na pakikitungo niya. Ang awra niyang dumadaloy sa kanyang katawan.

Nag-tama ang tingin nilang dalawa ni Matias at nakita ni Rosella ang pag-tatama ng mga kilay nito "Rosella kung hindi mo kakalimutan si Marco ay mas lalo kang masasaktan"

"Ikaw ang nag-pahirap sa akin Analia, kinuha mo ang katangi-tanging bagay na binigay sa akin ni Marco. Tatayo naman ako sa sarii kong mga paa kung di mo ako sinagad"

Tila sa mga salitang iyon ay puno iyon ng mga pana na dumidirekta sa puso ni Rosella, siya ang nasasaktan sa kanyang mga binibitawang mga salita "Ganito ba ang gusto mong mangyare Rosella?! Kaibigan mo ako na nag-mamalasakit sa iyo--"

"Kung intensyon mo ang maging tunay kong kaibigan ay hindi mo hahayaang kunin ang isang bagay na binigay sa akin ng mahal ko Analia" nag-bigay ng tindig si Rosella sa pangalan ng kanyang kaibigan. Ngayon niya lang pinag-sasalitaan si Analia ng ganito at sa katunayan siya ay nasasaktan.

"Hindi ka mag-kakaganito kung hindi mo inununa ang nararamdaman mo Rosella!" nagulat siya at napa-atras dahil sa sinabi ni Analia, nakita ni Rosella ang galit sa mga mata ni Analia at ngayon niya lang ito nakikita.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon