Kabanata 49

41 4 0
                                    

"Bakit hindi mo nagawang bumalik?" tanong ni Rosella na dahilan upang mapatingin si Marco. Sila ngayon ay nasa bahay ni Crizalda, dito tumuloy si Marco pag-katapos ng laban sa mansyon ni Arnaldo.

"Rosella, masyado pang mapahamak kung babalik ako" sagot ni Marco sa tanong ni Rosella. Kung babalik siya ay baka gumulo lalo na't nakatakas ang ilang mga tauhan ni Arnaldo.

"Alam mo bang nakulong na si Arnaldo?" tumango naman si Marco bilang sagot "Kinausap ni Matias si Arnaldo ngunit pinag-bawal ako dahil baka may gawin sa akin si Arnaldo"

Narinig naman ni Rosella ang pag-singhap ni Marco "Kahit nakakulong siya ay baka may gawin parin siyang masama, may mga nakatakas na tauhan noong natapos ang digmaan. Kahit sila ay may mga tama na ay nagawa parin nilang makatakas" sabi ni Marco, nag-taka naman si Rosell nakita niya ba ang pag-takas ng mga ito?

"Nakita mo ba ang pag-takas nila?" tanong ni Rosella, hindi niya alam kung anong nangyare sa bundok Pilatos noong araw na iyon ang bumungad lang sa kanya ay patay na si Marco.

"Oo, sinubukan kung hindi muna gumalaw dahil baka makita nila ako nang sila ay makaalis ay unti-unti akong tumayo. Hindi ko maiiwan ang mga guwardiya-sibil, nakita ko ang ilan na nakakaya parin kahit may balang nasa katawan na nila dahil doon ay tinulungan ko sila"

Napasinghap naman si Rosella dahil ang laking pag-sasakripisyo ang inalay ni Marco para sa kanyang kapwa, nagawa niya parin itong tulungan kahit sugatan din siya "Lima, lima lang ang aking nailigtas dahil biglang nag-karoon ng sunog"

"Ang limang niligtas mo ang nawawalang guwardiya sibil?" tumango naman si Marco bilang sagot.

"Ngunit lima lang ang aking naligtas, bumalik ako kahit may sunog na pero hindi ko nagawa dahil masyado na itong malaki. Hindi ko naligtas ang ilang mga guwardiya-sibil na umiinda sa sunog" ani ni Marco habang tulala, nakaukit ito sa kanyang isipan, umiinda sa sakit ang ilang mga guwardiya sibil na kinakaya pa ang sugat sa katawan pero nadagdagan ito ng nag-karoon ng sunog.

Napatingin naman si Rosella sa kamay ni Marco at hindi niya maiwasang malungkot, ang kamay niya ay nasunog. Kinuha ito ni Rosella na dahilan upang magulat si Marco, pinipilit pang kunin ito ng binata ngunit nginitian lang siya ng dalaga.

Hinaplos ni Rosella ang kamay nito atsaka ngumiti "Ang laking sakripisyo ang binigay mo Marco para maligtas ang bundok Pilatos, hindi ka naging makasarili. Tinulungan mo silang lahat" sabi ni Rosella na hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi

"Masaya sila Crizalda ng malamang nakulong na si Arnaldo, patuloy na nilang ibabaon sa lupa ang naranasan nila dito" labis ang tuwa na nararamdaman ni Rosella na ngayon ay napapakinggan na ni Marco ang kanyang mga kuwento.

Ngunit sa kabila ng pag-ngiti ni Rosella ay biglang lumitaw ang kwintas ni Marco na kapareho ng kanya, nawala ang ngiti sa labi ni Rosella na dahilan upang kumunot ang noo ni Marco.

"Suot-suot mo parin ito, mag-katulad tayong dalawa" sabi ni Rosella habang pinag-mamasdan ang kwintas ni Marco, wala sa kanya ang kwintas niya dahil ito ay nasa kamay ni Analia.

"Patawad Marco ngunit kinuha ni Analia ang kwintas ko dahil iyon lang daw ang paraan para makalimutan kita pero hindi ko magawa" ani ni Rosella na ikinasinghap naman ni Marco. Hindi niya makakalimutan si Marco bagama't sa ang unang minahal niya.

"At dahil doon ay nasira ang pag-kakaibigan namin ni Analia at ngayon ay kay Matias" nalungkot si Rosella ng maalala ang mga ginawa ng kanyang kaibigan para kalimutan si Marco. Parang sila din ang nananakit kay Rosella.

"Rosella, hindi mo kailangang bitawan ang pag-kakaibigan niyo para sa akin" sabi ni Marco at hinawakan ang pisngi ni Rosella. Hindi niya kailangang isakripisyo ang pag-kakaibigan nila para kay Marco.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon