Kabanata 3"Rosella, anong bang ginagawa mo at nakahiga ka sa damuhan?" tanong ni Analia kay Rosella na nananatili paring nakahiga sa damuhan. Napahawak nalang si Rosella sa kanyang ulo at bumangon, minamasahe ni Rosella ang kanyang ulo, wala naman siyang matandaan kung anong nangyare.
"Rosella, ayos ka lang ba?" tanong ni Analia na dahilan upang mapatingin ito sa kanya. Napakunot lang ang noo ni Rosella dahil sa mukha ni Analia hindi ganito ang mukha na araw-araw niyang nakikita sa center.
"B-Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Rosella na ikinakunot naman ng noo ni Analia na tila naguguluhan siya sa mga sinasabi ng dalaga.
"Hindi kita maintindihan Rosella, anong mayroon sa mukha ko?" tanong ni Analia na naguguluhan na sa mga salitang binubuka ng bibig ni Rosella, napakamot nalang si Rosella sa kanyang sentido at tumingin ang dalaga.
"Ang mukha mo ay hindi ganyan, anong nangyare sa iyo?' tanong ni Rosella na hindi narin alam kung ano bang nangyayare sa kanyang paligid.
"Aba'y hindi kita maintindihan, namimitas lang ako ng mga bulaklak sa kabilang parte ng hardin ng makita kitang nakahiga sa damuhan" naitakip naman ni Rosella ang kanyang mga kamay sa mata nito ngunit napatigil ito ng makita ang kanyag mga kamay na walang halong kulubot.
Napakunot siya dahil doon at tinignan ang kanyang balat, nanlaki ang mata niya ng makita niyang walang kulubot ng kanyang balat. Tila naguguluhan si Rosella pati rin si Analia ay tila nalilito na sa pinapakitang ugali ni Rosella.
"Bakit ganito ang aking balat?" tila hindi ito isang matandang dalaga. Ang makutis niyang balat ay bumalik, napakunot siya ng noo ng makitang nakasuot siya ng baro't sayang hanggang sa damuhan ang abot nito na may kasamang panuelo. Nakapusod rin ang kanyang buhok na mas ikinagulo niya.
"Nasa panaginip ata ako" usal ng dalaga
"Ano bang pinag-sasabi mo Rosella, gising na gising ka at kasama mo ako" nanlaki ang mata ni Rosella dahil doon, kitang kita niya ang maganda at makutis na balat ni Analia. Umaaliwalas ang ganda nito dahil sa suot niyang baro't saya.
"Ngunit nasa center dapat ako--"
"Paunmanhin Rosella, ngunit kailan ka pa nakapag-salita ng Ingles?" mas lalong kumunot ang noo ni Rosella, naguguluhan na siya kung anong nangyayare sa kanyang paligid kung bakit ganito ang itsura niya, kung bakit iba ang mukha ni Analia.
"Nasaan ba ako?" usal ng dalaga sa kanyang sarili.
"Nasa Salida Ce Corazon tayo ngayon" nanlaki ang mata ni Rosella ng marinig ang lugar kung nasaan siya. "Anong sabi mo?" tanong ni Rosella.
"Nasa hardin ngayon tayo ng Hacienda mo, ano bang mayroon sayo Rosella at tila naguguluhan ka, maayos ba ang pakiramdam mo?" Tila nag-proroseso lahat ng sinasabi ni Analia sa kanya, hindi siya makapaniwala na bakit nasa Salida Ce Corazon na tawag na Maynila ngayon.
"Anong taon ngayon?" tanong ni Rosella.
"Ngayong taon ay Isang libo't walong daan siyamnapu't lima at ngayon ay ika-apat na araw ng Marso" usal ni Analia, mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil doon. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat pero nag-tataka siya kung paano siya nakabalik dito, tila isang panaginip o imposibleng mangyare ito.
"Analia, ilang taon ka na?" muling tanong ni Rosella dito.
"Ako ay bente anyos na" usal ni Analia na halatang naguguluhan sa bawat tanong ni Rosella, kanina lang ay nag-hahanap si Analia ng mga magagandang bulaklak na maiuuwi niya sa kanyang bahay ng madatnan niyang nakapapikit ang mga mata ni Rosella habang nakahiga sa damuhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/161853406-288-k105743.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Tarihi KurguSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...