Kabanata 5Hawak hawak ni Rosella ang isang sinulid at isang katsa habang ito ay nag-buburda ng imahe ng isang rosas. Nasa tapat ng malaking bintana ang dalaga ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
Napatingin si Rosella at nakita niya si Juana "Magandang umaga ho, senorita" usal nito habang nakangiti, tumango naman bilang sagot si Rosella.
"Andito ho si Senorito Matias" napakunot naman ang noo ni Rosella dahil doon at binaba ang kanyang tinatahi. Dali-dali itong bumaba ng hadgan at nakita niya si Matias na nasa hardin na tinitignan ang kawalan.
Napasinghap naman si Rosella dahil doon, naaalala niya pa noon kung gaano ang pag-bigay ni Matias ng pag-sisikap nito para lang mapasagot ang dalaga ngunit may kulang talaga sa binata na hindi malaman laman ni Rosella.
"Matias.." usal ni Rosella na dahilan upang mapaharap ang binata, nakasuot ito ng isang mala-prinsipeng damit na may kulay asul at pula.
"Ano ang iyong pinunta dito?" tanong ni Rosella sa binata.
"Nais ko sanang ikaw isama sa Plaza e' Larita balita ko ay ngayon mag-sisimula ang palaro doon" baritong usal ni Matias sa kanya. Napaiwas naman ng tingin si Rosella kung tatanggi ba siya sa alok ng binata.
Napasinghap muna si Rosella bago ito sumagot sa binata "Sige, bagama't kailangan ko ring mamasyal" usal ni Rosella na dahilan upang lumitaw ang ngiti at kasabay ang biloy (dimple) nito. Pilit namang napangiti si Rosella dahil sa binata.
Nang sila'y nasa labas ay napakunot ang noo ni Rosella ng makita ang kabayo ni Matias, agad itong napatingin sa binata "Matias, alam mo namang takot ako sa pag-sakay ng kabayo" usal ni Rosella, akala niya ay kalesa ang dala ng binata.
"Sa tingin mo ba Rosella ipapahamak ko ang babaeng mahal ko?" tanong ng binata sa baritonong boses, napaiwas naman si Rosella ng tingin dahil doon. Siya ang tinutukoy ni Matias at wala ng iba.
Nagulat nalang si Rosella ng makita niya ang kamay ni Matias na tila aalalayan siya nito" Huwag kang mag-alala Rosella, andito naman ako para saluhin ka kung mahulog ka" usal ng binata.
Napalunok naman si Rosella dahil doon, hindi siya sanay sa mga binibigkas ng binata. Masuwerte ang dalagang mapapangasawa nito dahil papakiligin talaga siya ni Matias ngunit sa hinaharap ay hindi si Rosella ang babaeng makakasama nito pang-habang buhay.
Inilagay niya naman ang kanyang kamay sa binata. Nagulat si Rosella ng buhatin siya ni Matias upang mapunta sa itaas ng kabayo, sumunod naman si Matias na sumakay.
"Maaari mo bang ipulupot sa akin ang iyong mga braso nang sa gayon ay hindi ka mahulog?" tanong ng binata sa dalagang si Rosella. Wala ng nagawa si Rosella, mas pipiliin niyang ipilupot kay Matias ang braso nito kaysa sa mahulog siya.
"Hiya!" sigaw ng binata na dahilan upang mapakapit ng husto si Rosella. Jusko! Ito ata ang pinaka-nakakatakot na pangyayare ng kanyang pag-babalik panahon.
Mabilis na umarangkada ang kabayo na dahilan upang pag-tinginan ito ng mga tao. Bawat madaanan nila ay ngumingiti at kumakaway, ang iba naman ay natutuwa marahil mag-kasama ang dalawa. Halos alam lahat ng tao kung sino ang nag-papatibok ng puso ni Matias at walang iba kung di si Rosella.
Napaisip naman bigla si Rosella, napaisip siya kung ano ang kinahitnan ni Matias sa kasalukuyan. Ni hindi nakita ni Rosella si Matias sa kasalukuyan, ni wala siyang balita tungkol sa binata.
"Rosella.." napatingin naman si Rosella dahil sa biglaang pag-sasalita ng binata.
"Sa tingin mo mag-kakasama tayo sa kasalukuyan?" speaking of kasalukuyan, nalungkot naman si Rosella dahil doon marahil hindi naman sila nagkita ng binata sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Fiction HistoriqueSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...