Kabanata 57

34 4 0
                                    

"Matias, nabalitaan mo na ba ang nangyare sa bilibid?" tanong ni Apollo na dahilan upang kumunot ang noo ni Matias. Anong nangyare sa bilibid ma dahilan upang pumunta si Apollo sa opisina ni Matias.

"Anong nangyare sa bilibid?" tanong ni Matias na napatayo sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Apollo.

"Matias, nawawala si Arnaldo maging si Marco ay kahapon pa nawawala" nag-aalalang sabi ni Apollo. Kumunot naman ang noo ni Matias at napa-iwas ng tingin, paano nakatakas si Arnaldo sa bilibid e' bantay sarado ito? At paano nawala si Marco?

"M-May nakakita ba sa nangyare?" tanong ni Matias at nag-dadasal na sana ay may nakakita ngunit umiling si Apollo bilang sagot dito "Wala Matias, noong araw na bumisita si Marco sa bilibid ay bigla nalang ito nawala" paliwanag ni Apollo na dahilan upang mabahala si Matias.

"Si Rosella ang dinalaw ni Marco" sabi ni Matias "Hindi Matias, si Arnaldo ang kina-usap nito at baka iyon ang  dahilan kung bakit nawala si Marco baka may nangyare nang masama sa kanya" puno ng pag-aalalang sabk ni Apollo.

Tila nabahala si Matias, tama nga ang hinala niya, para kay Arnaldo hindi pa tapos ang laban. Iniisip ni Matias ay may mga kasabwat ito pero paano nila mahahanap si Marco? Walang naka-saksi ng pangayare na dahilan para sila ay mahirapan.

"Matias, nag-aalala na ang mga magulang ni Marco, kailangan natin siyang mahanap kaagad" napasinghap naman si Matias at tumango bilang sagot. Sila ay muling sasabak sa isang digmaan, ang kalaban nila ay kasamaan. Kahit kailan ay hindi mananalo ang kasamaan laban sa kabutihan.

"Ihanda niyo ang mga guwardiya-sibil, kailangan nating mahanap si Marco" utos ni Matias sa isang guwardiya-sibil, sumunod naman ito sa kanya at dali-daling lumabas ng opisina "Kailangan itong malaman ni ama" dugtong pa ni Matias at tumingin kay Apollo.

Agad na tumungo si Matias at Apollo sa opisina ng ama upang sila ay matulungan. Nawawala nanaman si Marco ng dahil kay Arnaldo pero biglang sumagi sa isipan ni Matias si Rosella na dahilan upang siya ay mapa-hinto.

Agad nag-taka si Apollo at nilapitan si Matias "Matias, bakit? May problema ba?" sunod-sunod na tanong ni Apollo kay Matias na ngayon ay napa-iling nalang na sana mali ang kanyang iniisip.

"Apollo,ikaw na ang kumausap kay ama. Kailangan ko ngayong puntahan si Rosella" kahit naguguluhan ay tumango nalang si Apollo bilang sagot. Nag-kukumahog na tumakbo si Matias at sunod na sumakay sa kanyang kabayo, agad niya itong pina-takbo ng mabilis dala-dala ang pangamba sa kanyang isipan para kay Rosella.

"Mali sana ang aking kutob" bulong ni Matias sa kanyang sarili. Hindi niya hahayaan na makuha ni Arnaldo si Rosella dahil paniguradong sasaktan niya ito dahil sa pag-kawala ni padre Gamad.

Dahil sa iniisip ni Matias ay mas lalo niya pang pinabilis ang takbo ng kanyang kabayo, sa isip-isip niya ay hindi maaaring masaktan si Rosella dahil mananagot si Arnaldo. Kahit pasa lang ang natamo nito ay pag-babayaran ni Arnaldo.

***

Samantala si Helena ay nag-lilinis ng lamesa, tahimik ang mansyon dahil sa pag-alis ni Rosella. Sinasanay niya na ang kanyang sarili na habang buhay silang maninirahan dito.

Isa na siyang ganap na tao dahil habang patagal ng patagal ay nawawala na ang pagiging diwata niya, masakit sa kanya ang nangyare pero para sa ikakasaya ni Rosella. Pero ito ba ang kapalit sa pag-tupad niya ng hiling ni Rosella?

Labis na pag-papahirap ang pahamak ang binigay nito sa kanya, kung may kapangyarihan pa siya ngayon kahit masakit na ibalik si Rosella sa kasalukuyan ay gagawin niya. Hindi ito ang hiniling ni Rosella, ang makakita ng mga dugo o ano pa man. Ang tanging hiling lang nito ay makasama niya ang kanyang mga magulang pero ito ang naging bunga.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon