Kabanata 10
"Kayo ay mga bulagsak, kayong mga hampas lupa kayo hindi niyo ba alam kung gaano kahalaga ang mga diyamanteng iyon?!" galit na galit si Arnaldo habang nakatingin sa kanyang mga alipin na nakaluhod sa kanyang harapan.
"Ang halaga ng diyamanteng iyon ay hindi matutumbasan ng mga buhay niyo!" halos pumutok na ang ugat nito dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang mga alipin. Nawala nito ang pinaka-mahalagang diyamante na tinago ng mga Europa at nakuha uto dahil sa pag-mimina ngunit hindi niya inaasahan ang pagiging pabaya ng nga alipin nito.
"Kayo ay mga walang kuwenta! Kayo ay dapat mamatay dahil sa pagiging pabaya ninyo" nag-pantig ang mga tenga ng mga naka-luhod dahil sa narinig.
"Don Arnaldo, kami ay iyong patawarin sa aming kapabayaan pangako aming hahanapin ang diyamante sa minahan" paki-usap ng lalaki sa kanya. Nananatiling matulis ang tingin ni Arnaldo sa malayong lugar, wala siyang pakielam sa mga sinasabi nito dahil isa lang itong hampas lupa na gusto ng pera.
"Pakiusap Don Arnaldo, kami ay may mga pamilya sila ay patuloy na mag-hihirap kapag---"
"Wala akong pakielam, hindi ko na kayo mapakikinabangan dahil kayo ay pabaya" sunod sunod na nag-tutok ng mga espada ang mga alagad ni Arnaldo sa mga nakaluhod na mga lalaki.
"Parang awa niyo na---urgh!"
Dumaloy ang dugo sa sahig at sunod sunod na pinatay ang apat na lalaki. Malayo ang tingin ni Arnaldo na tila balewala sa kanya ang nangyare "Itapon niyo sila, ayokong dumadaloy ang madungis nilang dugo sa aking pamamahay" utos ni Arnaldo, agad namang sumunod ang mga alagad at hinila palabas ng mansyon ang mga duguan at wala ng buhay na mga lalaki.
Nag-salin si Arnaldo ng isang alak at ininom ito. Ang katangiang hindi mo gugustuhing makilala, siya si Arnaldo Talera ang pinakamasamang tao sa lahat. Siya ay pumapatay at wala siyang pakielam sa mga taong masaaaktan niya, siya'y mayaman ngunit mali ang pamamaraan ng pag-iipon ng kayamanan at huli siya si kamatayan.
Pagmimina, oo iyon ang kabuhayan niya ang pag-hahanap ng ginto na tinago ng mga banyaga ang mga alipin niya ay sapilitang pinag-tratrabaho ng walang pag-papahinga. Siya ay malupit pa sa iyong inaashan, maging ang mga guwardiya sibil ay takot sa kanya.
"Don Arnaldo, kailan mo balak pumunta sa Salida sa palagay ko ay may mga nag-hihintay sayo doon" ani ng kanyang kanang kamay na si Inco. Napangisi naman si Arnaldo dahil sa tanong nito.
"Sila ay hinahayaan ko muna, gusto kong pag-handaan ang pag-bisita ko sa Salida sapagkat andoon si ama at sabay naming kukunin ang mga kayamanan" ani nito habang nakangisi, walang tao ang hindi matatakot sa kanya dahil sa isang kagaya niya na demonyo walang makakapag-pabagsak.
"Inco, kayo ay muling mag-hanap ng mga alipin kailangang mahanap kaagad ang mga ginto at diyamante bago ako umalis" usal ni Arnaldo, tumango naman bilang sagot si Inco at umalis ng opisina nito.
Bigla namang dumating ang isang babae, nakasuot ito ng pulang bestida na halatang ito ay dugong bughaw. Tsokolateng mga mata, mapulang labi at itim na buhok ang sumalubong kay Arnaldo "Hindi ko inaasahan ang iyong pag-bisita Enita" usal ni Arnaldo habang nakangisi, hahalikan niya sana sa pisngi ang dalaga ngunit ito ay umiwas.
"Nag-punta ako dito upang ikaw ay bisitahin, halata at kitang kita ko na may galit ang iyong mga mata Arnaldo" napangisi naman si Arnaldo at pinulupot ang kanyang braso sa baywang nito na dahilan upang mapalapit ang dalaga sa binata.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...