Kabanata 20

66 5 0
                                    

------***------

"Rosella hindi ko inaasahan na mawawala ang takot mo sa pag-papatakbo ng kabayo" napatingin si Rosella dahil sa sinabi ni Selerio, maski siya ay hindi niya inasahan na haharapin niya ang takot na iyon pero mas mabuti na iyon para sa kanya.

"Hindi ko rin inaasahan ang pag-sakay ko sa kabayong iyon Selerio, bigla nalang nawala ang kaba ko" ani ni Rosella habang nakangiti. Bigla naman niyang narinig ang mga yapak galing sa hagdan.

"Rosella..." nakita niya ang kanyang ama na suot suot ang traje nito.

"Mamaya tayo ay may pupuntahan, maaari kang sumama Selerio" ani ng kanyang ama na dahilan upang mapakunot ang noo ni Rosella dahil sa biglaang imbitasyon na nanggaling sa kanyang ama.

"Ano pong mayroon ama?" tanong ni Rosella dito.

"May selebrasyon na mangyayare sa munisipyo at isa tayo sa inaasahan nilang pumunta" ani nito unti-unti namang tumango bilang sagot si Rosella, kung tungkol ito sa pamahalaan ay hindi mawawala si Matias at Marco at ang mga ka-alyado ng gobyerno.

Umalis na si ginoong Lucas "Sigurado akong maraming pupunta sa inyong munisipyo Rosella" ani ni Selerio na ikinatango naman ni Rosella.

"Nga pala hindi ko natanong kung sino ang dilag na bumisita sayo isang araw" ani ni Selerio na ikinahinto ni Rosella sa pag-punta ng kusina. Biglang naalala ni Rosella ang mga sinabi ni Serenita sa kanya na dahilan upang mapasinghap siya ng malalim.

"Siya si Serenita, ang iniibig noon ni Matias" ani ni Rosella na ikinatango ni Selerio na tila hindi ito nagulat sa sinabi ng dalaga. Humarap si Rosella dito "Anong ginawa ng dating iniirog ni Matias dito? Ano ang pinag-usapan niyo?" tanong ni Selerio na mas lalong ikinalungkot ni Rosella.

"Ang maaari ko lang sabihin sayo Selerio ay mahal parin ni Matias si Serenita" ani ni Rosella na dahilan upang mapakunot ang noo ni Selerio. Alam ng dalaga na maikli lang ang pinaliwanag niya ngunit iyon lang ang maaari niyang sabihin dahil maski sarili niya ay hindi niya masabi ito ng maayos.

Napasinghap si Rosella at ngumiti kay Selerio "Gusto mo bang samahan ako sa el prado?" tanong ni Rosella na ikinatango ni Selerio, ito lang ang paraan para maalis ni Selerio ang iniisip nito at ayaw ni Rosella na malaman pa niya ito.

Hindi nag-tagal ay dumiretso na sila sa el prado at nakita nila ang mga maraming nag-eensayo "Sa tingin ko ay magiging masaya ito" ani ni Selerio habang nakangiti, ngumisi naman si Rosella dahil sa nakitang ngiti kay Selerio.

Kumuha sila ng kanilang mga kabayo "Balak mo ba akong talunin?" kumunot ang noo ni Rosella dahil sa tanong ni Selerio, agad naman itong umiling "Wala naman akong sinabi na tayo ay mag-lalaban" ani ni Rosella, nagulat nalang ito ng biglang patakbuhin ni Selerio ang kanyang kabayo.

Napa-iling si Rosella habang may ngisi sa kanyang labi at hindi nag-tagal ay pinatakbo na rin ang kanyang kabayo.

Nang sila ay nag-papatakbo ay nakita ni Rosella sa malayo ang isang babae na nakatayo sa gitna, kumunot ang noo nito dahil hindi ito gumigilid. Nang makita niya ng malapitan ang mukha nito ay nakita niyang si Clara pala ito, nangingibabaw ang kilay nitong nakataas katapat ng sinag ng araw.

Pinahinto ni Rosella ang kanyang kabayo at bumaba dito "Clara, anong ginagawa mo sa gitna hindi mo ba alam na maaari kang ma-aksidente sa dami ng kabayong tumatakbo?" ani ni Rosella ngunit narinig niya ang pag-singhap nito.

"Rosella, ano ang iyong ginagawa dito?" tanong ni Clara na ikinakunot ng noo ni Rosella, iba ang tonong naririnig niya sa boses ni Clara at hindi niya nagugustuhan ito. Habang patagal ng patagal ay nakikita niya na kung anong ugali mayroon si Clara.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon