------***------
"Maraming salamat dito Rosella ah, hindi mo naman kailangang mag-abala sapagkat puwede naman akong kumain kung ano ang nakahanda sa hapag-kainan" nahihiyang usal ni Selerio sa kanyang pinsang si Rosella na ngayo'y umiinom ng tsaa. Nilapag naman nito ang kanyang tsaa at napatingin sa malayo.
"Hindi ka nakakaabala Selerio, ngayon nalang kita nakita kaya walang problema para sa akin iyon" sabi ni Rosella habang nakangiti.
"Hindi bo sinabi sa akin na malapit pala kayo ni Marco sa isa't isa" sabi ni Selerio na dahilan upang kumunot ang noo ni Rosella, tama ba ang narinig niya? Isa na bang katibayan ang pinag-usapan nila kahapon ni Marco na dahilan upang maging malapit sila sa isa't isa?
"Selerio kung ano man ang iyong iniisip ay isa lamang balintataw" pangunguna ni Rosella, kilala niya ang kanyang pinsan mabilis itong mag-duda at mabilis itong mag-kwento pag-dating sa mga ganitong bagay.
"Rosella wala pa akong sinasabi ano bang iniisip mo?" nakangisi si Selerio na dahilan upang mapahawak si Rosella sa kanyang leeg. Kung iyon ang iniisip ni Selerio ay malayo ito sa katotohanan, ni kailanman ay walang naramdaman si Rosella na pag-tingin kay Marco minsan ay napapaisip rin ang dalaga kung manhid ba siya o ayaw niya sa mga lalaki?
"Kukunin ko lang ang ating inumin" sabi ni Rosella at tuluyang tumayo sa pag-kakaupo. Pinasok niya ang sala at muntikan na itong matumba ng makita niya si Marco na nakaupo sa stipa. Napahawak si Rosella sa kanyang dibdib at nilapitan ang binata.
"Ikaw ang hilig mong pumunta sa aking mansyon ng walang paalam, mabuti nalang ay kilala ka ng mga guwardiya-sibil" ani ni Rosella, hindi niya talaga maiintindihan si Marco ang adhika ata nito ay maging isang makisig na binata.
"Hindi ka ba nag-tataka kung bakit nila ako pinapasok sa iyong magarbong mansyon?" napakunot naman ang noo ni Rosella dahil sa ngising nasa labi ni Marco, tumayo ang binata at nilapitan si Rosella na dahilan upang mapaatras siya.
"Dahil ako ang prinsipeng nababasa nila sa mga alamat, at alam mo ang mga mukha ng mga prinsipe diba? Tinalo pa nila ang magandang tanawin na nakita ng prinsesa" hindi maiwasang mapadaing si Rosella dahil sa pagiging bulastog ni Marco.
"Sa tingin mo Marco nag-babasa ang mga guwardiya-sibil ng alamat?" narinig ni Rosella ang pag-tawa ng marahan ni Marco.
"Hindi ko alam Rosella maaari mo naman silang tanungin"
Narinig ni Rosella ang pag-singhap ni Marco "Ang pinunta ko dito ay ikaw at hindi ang iyong pagkamausisa"
"Ikaw ay mag-bihis hahanapin natin si Apollo" kumunot ang noo ni Rosella at napaharap sa binata. Tama ba ang narinig niya?
"Ano? Marco malaki ang populasyon ng Salida, imposibleng mahanap natin si Apollo" hinding pagsang-ayon na usal ni Rosella. Mahirap mag-hanap kung si Apollo ay palipat lipat ng lugar, hindi maintindihan ni Rosella si Marco dahil hindi niya namang gustong sumama sa mga plano ni Marco dahil mapanganib.
"Rosella, ayoko ng ulitin ang sinabi ko at hindi mo ba natatandaan ang sinabi ni Crizalda?" napayuko si Rosella, bakit halo-halong emosyon ang nararamdaman niya? Bakit ba sa kanyang pag-babalik ay mas naging panganib ang buhay niya?
"Marco hindi mo ako naiintindihan hindi ko alam ang nangyayare, ako'y bumalik lamang sa panahon na ito at hindi ko alam na nangyayare ito noon pa--"
"Mamaya na tayo mag-usap, nakahanda na ang aking karuwahe upang tayo ay mag-libot sa Salida" napahawak si Rosella sa kanyang ulo, ano bang silbi ng kanyang mga sinasabi? Kahit sa ibang tao ay hindi naman ito kapani-paniwala, siya ay ituturing na mulala at ayaw niyang mangyare iyon.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...