"Ito ba ang hanap niyo binibini?" tanong ng isang lalaki kay Rosella, inabot nito ang isang matulis na pana na kulay itim. Matiim itong tinignan ni Rosella, tila kumikinang sa kanyang mga mata ang matulis na parte nito.
"Sabi ng matatanda ay ginagamit yan noon ng mga dayuhan" sabi ng lalaki sa kanya na may ngiti. Lumapag ang salapi sa lamesa na dahilan upang mawala ang ngiti ng lalaki dito.
"Ibigay mo sa akin lahat, huwag kang mag-titira dahil kaya kong bayarin yan" malamig na usal ni Rosella na dahilan upang unti-unti ng tumayo ang lakaki at tumakbo na papasok sa isang kwarto upang sundin ang utos ni Rosella.
Matagal narin siyang hindi nakakagamit ng pana ngunit alam niya na asintado parin ang bawat galaw niya, noong bata siya ay tinuruan siya ng kanyang ama at iyon ang oras na sila ay nag-kakaroon ng pag-sasama.
Kinuha ni Rosella ang arko at tinutok ito sa isang bagay. Biglang bumukas ang pinto na dahilan upang mapatingin siya "Oh! Binibini hindi niyo maaaring gawin ang pag-pana sa aking pamilihan" sambit ng lalaki habang iniiling ang mga kamay nito.
Binaba ni Rosella ang pana at tumayo palapit dito, kinuha niya sa kamay ng lakaki ang buong pana "Maraming salamat" malamig niyang sabi at lumisan na.
"Senorita, ngayon nalang kayo bumili ng pana sa aking palagay ay gusto niyo ulit itong gawing libangan" sabi ng kutsero habang nakangiti, iniwas nalang ni Rosella ang kanyang tingin dito at sumakay na ng kanyang karuwahe.
Mabuti at hindi nag-tataka ang kutsero kung bakit madaling araw itong pinagising bagama't malayo kasi ang nilakbay nila upang makabili ng buosg, hindi ito makikita sa Salida dahil puro baril ang nabibili doon.
"Bilisan mo na" malamig na usal ni Rosella, hindi nag-tagal ay umandar na ang kalesa. Nakita ni Rosella ang pagiging mahamog ng kalangitan, medyo madilim at malamig ang hangin. Niyakap ni Rosella ang kanyang sarili dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat.
Napapaisip siya kung kailangan niya ba talagang gawin ito? Hindi niya gawain ang mga ganitong bagay pero bakit tila may pumipilit sa kanya upang gawin ito. Nang dahil kay Marco ay naging magulo ang kanyang mundo at ngayon unti-unti na itong nasisira.
"Senorita, maaari niyong hiramin ang aking tsaketa bagama't masyado ang lamig kapag madaling araw" ani ng kutsero at inalay ang isang itim na tsaketa kay Rosella. Napasinghap si Rosella at wala ng nagawa kung di ang kunin ito.
"Salamat.." hindi pa nakikita ang araw sa kalangitan at nandoon parin ang pagiging mahamog nito. Mas niyakap ni Rosella ang kanyang sarili at tumingin sa bintana.
Ngunit biglang napa-kunot ang noo ni Rosella ng makita ang isang bundok, kahit mahamog ang kalangitan ay kitang-kita niya ang malaking bundok na kasama ng buwan sa kalangitan.
Tila tumigil sa pag-hinga ni Rosella ng matanto niya kung ano ang pangalan nh bundok na yon. Ilang beses siyang napalunok at nag-simulang tumaas ang kanyang tensyon sa katawan.
Hindi siya nag-kakamali, doon naganap ang digmaan at doon namatay ang ilang mga tao "Ihinto mo" utos ni Rosella sa kutsero itinigil ito ng kutsero at agad na napatingin kay Rosella.
Nakita nito ang akmang pag-baba ni Rosella "Senorita, hindi po kayo maaaring bumaba hindi po natin alam kung mapahamak ang lugar na ito" sambit ng kutsero kay Rosella ngunit iniwas niya ang tingin niya dito.
'Matagal ng napahamak ang lugar na ito..'
"Mag-hintay ka lamang dito at huwag kang susunod, babalik ako" mariing sabi ni Rosella na unti-unting ikinatango ng kutsero, kahit may pag-aalinlangan ay sumunod nalang ang kutsero sa kanya.
Dahil sa pag-payag nito ay bumaba na si Rosella sa kalesa, dala-dala ang isang lampara na nag-sisilbing ilaw sa daan. Napalunok siya ng matanaw niya ang mga tirahan ng mag-sasaka na nakatira sa bundok Pilatos.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...