Kabanata 59

137 3 0
                                    

"Mag-sihanda kayo!" sigaw ni Matias na dahilan upang mag-sikilos ang mga kasama niyang makikipag-laban kay Arnaldo. Mas madami sila kaysa sa mga tauhan ni Arnaldo pero hindi niya masasabi na mananalo sila, hindi niya alam ang hinaharap.

"Ito ay magiging masaya" nakangising sabi ni Arnaldo at tinaas ang kanyang kamay at iniyukom nito, nag-sikilos rin ang kanyang mga tao. Kinuha na nila ang kanilang mga armas at handa ng ititutok ito sa mga kalaban.

"Mananatili sa akin si Rosella, kunin niyo na itong duwag at hangal niyong bayani" ani ni Arnaldo, nanlaki naman ang mga mata ni Marco dahil sa sinabi ni Arnaldo dahil doon ay agad niyang hinawakan ang braso ni Rosella para hindi siya maka-hiwalay.

"R-Rosella, hindi.." ani ni Marco at pilit na hinahawakan ang braso ni Rosella "Hindi,hindi puwede!" sigaw ni Marco na dahilan upang umangat ang gilid ng labi ni Arnaldo.

"Humiwalay ka sa kanya!" tinutok nito ang baril sa ulo ni Rosella na dahilan upang siya ay matigilan. Napunta ang kanyang tingin kay Rosella na ngayon ay pilit na nakangiti sa kanya.

"B-Bitawan mo na ako Marco.." nauutal na usal nito na dahilan upang tumulo ang luha ni Marco, naramdaman niya ang pag-kuha sa kanya ng mga tauhan ni Arnaldo upang dalhin siya sa gawi ni Matias. Nananatili ang kanyang tingin kay Rosella, alam niyang nasasaktan ito pero para sa kaligtasan niya ay siya na ang nagpa-ubaya.

Nananatili rin ang baril sa ulo ni Rosella na hawak-hawak ni Arnaldo "Mag-simula na kayo, ako'y mananatili lang hawak-hawak ang baril na ito" ani ni Arnaldo na dahilan upang sumama ang tingin ni Matias, huwag niyang sasaktan si Rosella dahil hindi alam ni Arnaldo kung ano ang kaya niyang gawin.

Pinutok ni Arnaldo ang kanyang barili na dahilan upang mapa-atras ang mga kasama ni Matias dahil sa takot "Patayin niyo sila!" sigaw ni Arnaldo na dahilan upang mahawakan ng mahigpit ni Matias ang kanyang armas.

"Ahhh!!" sigawan ng lahat at dali-dali ng tumakbo para sumugod, ito ang simula ng kanilang laban na kailangan nilang tapusin para sa kapayapaan ng lahat. Para sa hustisya ng mga taong pinatay ni Arnaldo, para sa lahat.

Narinig ang mga putukan ng baril, ang pag-tatama ng mga espada. Naging magulo at maingay ang bundok Pilatos, naging maalikabok at unti-unti naring nawawala ang ilang mga tao.

Samantala ay hinang-hinang napatingin si Marco sa malayo kay Rosella, nananatali parin si Arnaldo sa kanyang tabi at nakatutok parin ang baril nito sa kanyang ulo. Dapat may kailangan siyang gawin, kailangan niyang sagapin si Rosella.

"Ginoong Marco.." usal ng isang babae sa kanyang likod, agad niyang nakita si Helena na may kasamang babae. Siya'y napa-upo dahil sa pang-hihina, hindi niya kinakaya ang mga natamo niyang sugat at pasa dahil sap ag-papahirap sa kanya ni Arnaldo.

"Helena, kailangan kong kunin si Rosella" ani ni Marco na dahilan upang hanapin ni Helena si Rosella at nakita niya itong naka-luhod, naka-tutok ang baril sa kanyang ulo na dahilan upang mapatakip si Helena sa kanyang bibig.

"Kailangan na natin siyang iligtas" ani ni Amelia na dahilan upang mapasinghap si Helena, isang berdeng liwanag ang nakita kay Amelia at sa isang iglap ay hawak-hawak na nito ang isang pana at ganon rin si Helena na dahilan upang mapatingin siya.

Tumango na siya bilang sagot kay Amelia "Dito ka lang Marco, kami na ang bahala kay Rosella" ani ni Helena sa kanya na dahilan upang mapilitan nalang si Marco na mapatango.

Tumakbo na palayo si Amelia at Helena samantala si Marco naman ay pinag-mamasdan ang laban, siya ay napayuko at napa-iling nalang. Kailan ba ito matatapos? Matatapos ba ito kung kailan wala na ang lahat? Matatapos na ba ang lahat kung lahat ng tao ay naka-himlay na?

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon