------***------
"Naku Rosella! Hindi talaga ako makapaniwala, nililigawan ka na ni Marco!" hindi maiwasan ni Analia ang mapangiti dahil sa nalaman niya. Totoong nililigawan na siya ni Marco. Hindi naman maiwasan ni Rosella ang mapangiti ng maalala niya ang gabing hinarana siya ng binata. Sa kanyang tingin ay iyon ang nakakakilig na natanggap niya sa isang lalaki.
"Noong nakilala mo si Marco ay kinamumuhian mo siya, ngayon nililigawan ka na niya ikaw Rosella!" natawa si Rosella dahil nakita niya ang pagiging makulit ni Analia, sino bang hindi matutuwa diba?
"Nakakatuwa naman, nakakatuwa na hindi ka tatandang dalaga Rosella" unti-unting nawala ang ngiti ni Rosella dahil sa sinabi ni Analia. Ngunit nangyare na ang lahat, naging isang matandang dalaga siya na ang tanging kasama lang ay ang kanyang mga kaibigan.
Nararamdaman niya ang kaunting kirot sa kanyang puso bagama't baka ito ay matapos rin, baka ito ay mawala rin sa kanyang isipan. Ang mga alaalang nagawa niya sa kanyang pag-babalik ay unti-unti nalang mawawala na tila walang nangyare.
"Rosella, ano ang problema?" tanong ni Analia na dahilan upang bumalik si Rosella sa kanyang katinuan, agad itong umiling habang nakangiti "Wala Analia, ako ay masaya lamang" sabi nito na ikinangiti naman ni Analia.
"Oh siya, ako ay aalis na bagama't nandito na ang iyong manliligaw" sabi ni Analia na dahilan upang kumunot ang noo ni Rosella "Magandang umaga, Marco!" sigaw ni Analia.
Agad na tumingin si Rosella sa kanyang likod at doon niya nakita si Marco na may ngiti sa kanyang labi "Marco.." bulong ni Rosella, nag-tama ang kanilang tingin na tila may kuryente ang mga tingin nila. Lumapit si Marco at nagulat si Rosella ng tumambad sa kanya ang isang rosas.
"Para sayo, binibini" ani ni Marco, kinuha naman ito ni Rosella at inamoy ito. Ang mabangong amoy ng rosas na dahilan upang siya ay mapangiti, ang mabangong rosas na nagiging dahilan kung bakit masaya ang kanyang puso.
"Maraming salamat" usal ni Rosella habang nakangiti "Rosella, nais kong ipaalam sayo na may plano na ang heneral sa pag-takas sa mga bundok Pilatos" nabahala si Rosella, binaba niya ang hawak hawak niyang rosas at hinarap ang binata. Nakakaramdam siya ng kaba, hindi nila alam kung paano kautak si Arnaldo hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin.
"Marco, kailangan nilang mag-ingat, kasama ka ba sa pag-punta sa bundok Pilatos?" ang laking responsibilidad ang gagawin ng lahat, alam ni Rosella na masama at madugo ngunit wala silang alam gawin kundi ang maitakas ang kanilang mamamayan.
"Kailangan kong sumama, ako ang nag-pasimula nito dapat lang na ako ay makilahok" wika ni Marco, gumuhit ang lungkot sa mukha ni Rosella. Hinawakan niya ang mag-kabilang pisngi ni Marco at tinignan ang mga mata nito "Marco, malaking panganib ang papasukin ninyo. Kailangan niyong mag-ingat" sabi ni Rosella.
Hinawakan naman ni Marco ang kamay ni Rosella "Hindi ko maipapangako na mag-iingat ako, ayokong mag-iwan ng salita Rosella ayokong masaktan ka" ani ni Marco na may bahid ng lungkot sa kanyang boses.
"Bumalik ka dito ng buhay, iyon ang aking gusto dahil mamahalin pa kita Marco" tinignan nila ang isa't isa. Unti-unti namang nilapit ni Rosella ang kanyang labi at hinalikan ang pisngi ng binata "Ipangako mo na babalik ka" sabi ni Rosella na may lungkot sa kanyang mga mata.
Kailangan nilang harapin ang pag-subok, ito ang binigay sa kanila. Ito ang tinatago ng Salida, ang pag-papahirap, ang mga masasamang tao at ang mga inosenteng tao na namamatay. Kailangan nila itong tapusin bago pa may madamay na iba, kailangan nilang maging matatag para sa lahat.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Fiksi SejarahSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...