Kabanata 2Ilang araw ang nakalipas simula ng magkaroon ng selebrasyon para sa kaarawan ni Rosella, bumalik sa dati ang lahat. Ang mga masasayang matanda at mga nurse ay nagpupulong-pulong sa center araw araw.
Unti-unting tumitirik ang araw sa silangan, masimoy at katamtamang lakas ang hangin na dahilan upang magsi-sayawan ang mga puno at mag-siliparan ang mga dahon nito. Unti-unting dumadami ang mga taong nag-lalako at nag-bubukas ng kanilang ititinda mamaya, ang iba ay maaga palang ay nasa daan na upang mag-lako ng suman o kakanin.
Samantala, nananatili naman si Rosella sa kanyang kwarto habang nakatanaw sa labas ng kanyang bintana. Malaki ang ngiti nito palagi kapag may kinabukasang araw nanaman ang bubungad sa kanya dahil narin sa mga kasama niya sa center na dumadagdag sa nararamdaman niyang saya.
Lalo na't malapit at kasama niya ang kanyang mga kapuwa, naaalala tuloy ngayon ni Rosella kung paano niya tulungan ang mga tao sa kanilang hanapbuhay. Hindi naman ganon kayaman si Rosella, may ari ng isang sakahan ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay tumutulong nalang sa bahay.
Malaki ang pinag-bago ng kanilang bansa dahil sa mga impluwensiya ng mga dayuhang sinakop sila. Ngunit hindi parin nawawala ang tradisyong Pilipino sa kanilang mga puso, para sa lahat ito ang pinaka-magandang mayron ang bawat Pilipino, ang pag-mamahal sa kanilang bansa. May pag-babago ngunit hindi parin mawawala ang pinagmulan ng Pilipino.
Bigla namang bumukas ang pintuan na ikinatingin ni lola Rosella, bumungad sa kanya si Helena na nakangiting lumapit sa kanya "Ano la, labas ho tayo?" tanong nito habang may ngiti na abot hanggang tenga.
"Oh siya, sige" usal ng matanda habang nakangiti. Tinulak naman ni Helena ang wheelchair nito palabas ng kanyang kwarto.
Sa pag-labas nito ay nakasalubong naman ni Rosella ang ibang matatandang nakangiti at kumakaway sa kanya na tila sila ay mga binata at dalaga pa.
Nakarating sila sa parke ng mismong center kung saan masimoy at presko ang hangin. Habang tinutulak ni Helena ang wheelchair ay hindi ito mapakali sa iniisip ng matanda.
"La, gusto niyo po ba samahan ko po kayo kung babalik kayo sa panahong hiniling niyo?" tanong ni Helena sa matandang si Rosella. Napakunot naman ang noo ng matandang dalaga dahil doon.
"Aba't bakit mo naman tinanong iyan? Atsaka alam ko naman na hindi mangyayare iyon" usal ni Rosella habang nakangiti. Isang hiling lang iyon pero parang imposibleng mangyare iyon sa totoong buhay.
"Bakit La? Ayaw mo iyon, makakasama mo sila Lolo at Lola ulit?" tanong ni Helena, kung maibabalik lang ang lahat ay muling makakasama ni Rosella ang kanyang mga magulang na maagang nawala.
"Hay nako Helena, wag mong isipin ang sinabi ko, alam mo namang matanda na ako at kung ano-ano na ang sinasabi ko kaya wag ka ng mag-alala" usal ni Rosella na sinasabihan si Helena na wag ng tanungin ang mga ganitong bagay dahil sa hiling lang ito ni Rosella.
"E la, dati ba talaga wala kayong natitipuhang lalaki?" isa pang tanong nito na dahilan upang matawa si Rosella.
"Hija, kahit ako'y binansagang Anghel de Rosella ay wala akong natitipuhang mga lalaki noon"
"Ang alam ko lang kasi ay mag-aral para makatulong sa aming bayan at sa pamilya" usal nito na ikinatango naman ni Helena, kahit maraming makikisig noon ay wala parin nakapag-patibok ng puso ni Rosella dahil ang tanging priyoridad nito ay ang kanyang pamilya.
"Pero nung panahong iyon ay gusto ko rin maramdaman kung paano ang mag-mahal kaya nga lang ay walang tinadhana sa akin" usal ni Rosella habang nakangiti, napangisi nalang si Helena dahil doon. Sa katunayan ay tila kulang parin ang saya sa puso ni Rosella dahil hindi niya nakita ang nakatadhana para sa kanya pero wala na siyang nagawa kung hindi ang maging isang matandang dalaga.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...