------***------
"Hindi man lang ako nakapag-paalam kay Selerio" ani ni Marco kay Rosella, nakalabas na si Marco sa ospital at ngayon ay nag-papagaling na ito. Napasinghap si Rosella ng maalala niya ang mga binitawang mga salita ni Selerio bago ito umalis.
"Siya ay susulat naman upang ako ay kanyang kamustahin" ani ni Rosella na ikinatango naman ni Marco.
Ngayon ay nasa mansyon ni Marco si Rosella upang ito ay bisitahin, ilang saglit ay biglang bumungad ang nanay ni Marco. Napakunot ang noo ni Rosella ng makita niya ang mga malalaking bagahe na dala dala ng mga katulong.
Napansin rin ito ni Marco kaya dali-dali itong lumapit sa kanyang ina "Ina, bakit nakababa ang inyong mga bagahe? May balak ba kayong puntahan ni ama?" tanong ni Marco dito. Ngunit nakita niya ang malalim na pag-hinga ng kanyang ina.
"Marco, hinahanda na ng mga katulong ang iyong mga bagahe" ani nito na hindi tumitingin sa mga mata ng kanyang anak. Gumuhit ang kunot sa noo ni Marco na kung bakit hinahanda ang kanyang gamit.
"Ina, ano ba ang mayroon? Bakit niyo nililigpit ang aking mga gamit?" tanong ni Marco dito. Napatingin si Rosella sa ina ni Marco, ano ba ang dahilan kung bakit sila aalis?
"Marco, babalik na tayo sa Espanya" tila huminto ang oras at pinipilit na isa-utak ni Marco ang sinabi ng kanyang ina. Nagulat naman si Rosella at napatingin kay Marco, bakit parang may kung anong nararamdaman ang kanyang puso? Bakit tila nalulungkot siya?
"Bakit tayo babalik sa Espanya kung maganda naman ang pamumuhay natin dito--"
"Marco, hindi mo ba nakikita ang mga nangyayare sa Salida may mga nangyayareng patayan pati ang gobernador- heneral ay pinagbabantaan narin" nagulat si Marco dahil sa sinabi ng kanyang ina. Napakunot ang noo ni Rosella, alam ba ito ni Matias?
"Marco, hindi ko hahayaan na madamay ang pamilya natin sa gulo na mayroon ang Salida at hindi ko hahayaan na maulit ang nangyare sa iyo" napa-iling nalang si Marco at naisip ang maiiwan niyang pangako kay Apollo at Crizalda.
"Ngunit ina--"
"Sumunod ka na lamang Marco, para ito sa iyong ikakabuti" mariing sabi ng kanyang ina at nilagpasan ang kanyang anak. Unti-unti namang napatingin si Rosella kay Marco at nakita niya ang pag-iba ng ekspresyon nito, tila may madilim na ulap sa taas ng ulo nito.
"Marco, ano ang mangyayare kay Apollo?" tanong ni Rosella na may lungkot sa kanyang mga mata. May maiiwan si Marco at hindi kaya ni Rosella na mag-isa dahil may pangamba parin sa kanyang puso.
"Rosella sa ngayon ay hindi ko alam ang aking masasabi---"
"Ikaw ay lilisan ba talaga?" pag-putol ni Rosella sa sinasabi ni Marco, nag-tama ang kanilang tingin at hindi maiwasan ni Rosella ang malungkot. Nalilito ang kanyang isipan kung bakit niya ba ito nararamdaman, dahil ba napalapit na sa kanya si Marco kaya mahirap itong pakawalan.
"Rosella, alam kong magagalit ang aking ina kung ako ay hindi tatalima sa kanya hindi ko gustong iwan si Apollo pero nangangamba ako sa aking mga magulang" tila napatigil si Rosella dahil sa sinabi ni Marco, lumapit siya dito at diretsong tinignan ang mga mata ng binata.
"Ngayon nararamdaman mo na kung gaanong pangamba ang mayroon ako kapag haharapin ko ang isang problemang wala akong kaalam alam kung bakit ako napasama.."
"Ngayon nangangamba ka dahil baka mapahamak ang iyong mga magulang, Marco paano nalang si Apollo?" napayuko nalang si Marco dahil sa sinasabi ni Rosella. Nag-simulang manlamig ang mga kamay ni Rosella habang pinag-mamasdan niya ang binata.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Fiksi SejarahSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...