Kabanata 19

52 6 0
                                    

------***------

Nakatingin lang si Rosella sa mga kabayong nag-kakarera sa malaking el prado. Nakatulala at malalim ang kanyang iniisip, sa mga sinabi ni Serenita ay hindi siya makatulog ng mahimbing dahil naaalala niya ang mga nag-mamakaawang mata nito.

Hindi napigilan ni Rosella ang maisara ang kanyang kamay dahil sa galit sa kanyang sarili. Hindi niya inaakala na darating sa ganitong sitwasyon na kailangang mag-makaawa si Serenita sa kanya para pakawalan si Matias. Paano niya ba napasok ang gulong ito?

"Bakit mag-isa ang binibining kagaya mo?" napatingala si Rosell at nakita niya si Ignacio na nakakunot ang noo sa kanya. Napatayo si Rosella at tila inayos ang kanyang sarili "Nais ko lang manood dito" ani ni Rosella na ikinayuko ni Ignacio.

"Mukhang nasa problema ang minamahal ni Matias" sabi ni Ignacio na dahilan upang mapatingin si Rosella na may kunot sa kanyang noo. Bigla namang napangisi si Ignacio at binigay kay Rosella ang salakot na hawak hawak nito "Kung balak mong gumamit gamitin mo iyan" ani ni Ignacio.

Napatingin si Rosella sa binigay ni Ignacio na helmet, alam naman ni Ignacio na ayaw ni Rosella sa mga kabayo. Natanaw ni Rosella ang mga kabayong tumatakbo, marahan siyang napasinghap at naiyukom ang kanyang kamay muli.

"Binibini, kayo ba ay balak gumamit?" tanong ng isang binata sa kanya, unti-unting tumango si Rosella kahit may kaba sa kanyang damdamin sa tingin niya ay makakabuti na harapin niya ang kanyang takot. Bigla namang nilabas ng binata ang kabayo na dahilan upang mapalunok si Rosella ngunit agad niya itong binalewala.

Isang puting kabayo ang naibigay kay Rosella, naramdaman ni Rosella ang bahagyang pag-galaw nito na dahilan upang siya ay manlamig "Dahan dahan lang Lorenzo bagama't ang sasakay sa iyong likod ay isang magandang dilag" ani ng binata sa kabayo. Nawala ang kaba ni Rosella ng manatili ang kabayo, hinawakan niya ang tali at napasinghap ng marahan.

Nararamdaman niya ang muling pag-tibok ng kanyang puso ng mabilis ngunit agad niyang pinagalaw ang tali na naging dahilan upang tumakbo ang kabayo. Tila naiwan ang kaluluwa ni Rosella ng mabilis itong lumayo sa binata ngunit naramdaman niya rin ang kaunting saya na nasa puso niya.

Unti-unti siyang napangiti ng mapagtanto niya ang kanyang sarili na nakasakay sa isang kabayo. Yumuko ito ng bahagya at mas lalong pinatakbo ng mabilis ang kabayo at hindi naging alinlangan ang suot suot nitong mahabang palda, natanggal ang ipit sa kanyang buhok na dahilan upang maging malaya ang kanyang buhok na lumipad dahil sa hangin.

Nakailang ikot na ang nagawa ni Rosella at hindi niya maiwasang matuwa kapag nadaragdagan ang ikot na magagawa niya. Sa hindi kalayuan ay napangisi si Ignacio ng makita niya ang ngiti na mayroon si Rosella dahil nawala na ang takot nito "Abot ang ngiti mo dito Ignacio" napatingin si Ignacio sa kanyang likod at nakita niya si Marco.

"Kailangan mong makita ito Marco, tiyak mapapangiti ka rin" ani ni Ignacio na dahilan upang mapakunot ang noo ni Marco. Agad namang lumapit ang binata at nakita niya ang isang babae na nag-papatakbo ng puting kabayo "Anong dapat ikangiti--"

Natigilan si Marco ng matanaw kung sino ang nag-papatakbo sa puting kabayo, hindi nag-tagal ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi "Sabi ko na nga ba, pati ako ay nagulat rin sa biglaang pag-papatakbo niya" ani ni Ignacio, nawala ang ngiti sa labi ni Marco at muling pinag-masdan si Rosella.

Sumilay ang ganda nito ng nag-lugay ito ng kanyang buhok kasabay ng hangin na pumapahid sa balat nito. Patagong napangiti si Marco na dahilan upang siya ay mapa-ubo, napakunot ang noo ni Ignacio at sinilip ang kanyang kaibigan "Ayos lang ang labi ko ngunit parang sayo ay may diperensya" nakangising usal nito.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon