Kabanata 13"Senorita Rosella.." kasalukuyang hawak hawak ni Rosella ang isang tasa habang nakatingin sa labas. Napunta ang tingin nito kay Mira na may dalang liham. Alam ni Mira na natuon ang pansin ni Rosella sa hawak hawal nitong sobre.
"Ito ay pinapabigay ni Senorito Matias, nais niya kayong kamustahin sa pamamagitan ng isang sulat" inilahad naman ni Mira ang liham, bukas namang tinanggap ito ni Rosella at pinag-masdan.
Nakasulat ang pangalan ni Rosella sa sobre na nangangahulugang para sa kanya lamang ito, binuksan niya ang liham at nakita ang magandang sulat ni Matias para sa kanya. Napabuga ng malalim si Rosella, iniisip niya ay bakit sa tagal na tagal na nag-kakagusto sa kanya si Matias ay hindi nito magawang pigilan?
'O minamahal kong Rosella, kamusta na ang iyong pamumuhay sa Salida? Matagal narin ang lumipas ng ako'y lumisan, sa aking pag-alis ay iniisip ko ang iyong kalagayan sana ikaw ay mabuti at laging nakangiti.... Hinihintay ko na lamang ang aking pag-alis at pinapangako ko na ikaw ang unang pupuntahan sa aking pag-babalik ngunit sana ikaw ay mag-ingat habang ako ay napalayo sa iyo. Ikaw ang nag-tatanging rosas na aking pipitasin kahit ako'y mapalayo ikaw ay babalikan parin.
- Matias
Sa maikling sulat ni Matias ay napaisip si Rosella ang mga nalaman niya sa Salida sa kanyang pag-babalik. Hindi ganito ang kinalakihan niya pero napapisip siya kung totoo ba ang nangyayare pag-papahirap ng mga mayayaman sa mga Pilipino?
Tinago ni Rosella ang liham na galing kay Matias at tumayo ngunit biglang sumulpot si Mira na kakagaling lang ng kusina "Senorita, bibisita ho ang inyong pinsang si Selerio at balak niyang dumating ngayon" sabi ni Mira, napakunot naman ang noo ni Rosella. Si Selerio, ang pinsan niyang lalaki na kasing edad niya lamang, nakatira ito sa Albanya kasama ang kanyang mga magulang.
"Gusto niyo po bang salubungin ang kanyang pag-dating sa daungan, tiyak siya'y magiging matutuwa kung siya ay inyong sasalubungin" sabi ni Mira na may ngiti sa kanyang labi. Napaisip naman si Rosella sapagkat matagal niya ng hindi nakikita si Selerio sapagkat malayo ang tirahan nito. Ngunit alam ni Rosella ang kinamatay ni Selerio, namatay ang kanyang pinsan dahil sa digmaang Katoliko at Muslim.
Pero ngayon na makikita niya ang kanyang pinsan muli ay masaya si Rosella "Ihanda mo ang karuwahe, ako'y lilisan upang siya ay salubungin" mariing sabi ng dalaga. Sa kanyang puso ay hindi parin mawawala ang saya, maikling panahon niya lang nakasama si Selerio sapagkat maaga itong namatay.
Sumakay si Rosella sa nakahandang karuwahe at hindi nag-tagal ay umalis na ito. Ang karuwahe ay nasa gitna ng kalsada at nadadaanan ni Rosella ng mga taong nag-bebenta ng mga prutas at gulay, biglang sumagi sa isipan ni Rosella kung ano ang nangyayare sa kanila sa kasalukuyan.
Sa edad na trenta ay tumungo si Rosella sa Maynila, tandang tanda niya kung gaano kaganda ang Maynila noon. Nag-sisimula ng umunlad ang Maynila at ang buong Pilipinas sapagkat ang ilang lugar ng bansa ay sinakop ng mga dayuhan.
Nakasulat sa mga teksto ang pag-bagsak ng Corregidor at ng Bataan, kasama ng mga Pilipino noon ang mga Amerikano na tumulong sa kanila ngunit sila ay nabigo. Kaya ngayon ay maraming umuunlad ngunit sa maling paraan.
Sumagi sa isipan ni Rosella ang mga natuklasan niya sa bundok Pilatos, hindi siya makapaniwala na ang taong nag-ngangalang Arnaldo na kapwa Pilipino ay siyang mag-papahirap rin sa mga Pilipino. Paano niya ito nasisikmuraan?
Ayon kay Crizalda ay mas masahol pa ito sa hayop, wala itong sinasanto sapagkat siya ang nag-hahari sa lahat. Hindi maiwasang mag-alala ni Rosella sapagkat nasa panganib ang buhay ng karamihan sa Pilatos, hindi sila makawala dahil maraming mga bantay na pinapahirapan rin sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/161853406-288-k105743.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Tarihi KurguSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...