Hawak hawak ni Rosella ang kwintas na binalik sa kanya ni Analia, malaki ang saya na nararamdaman niya dahil tinuturing parin nila ang isa't isa bilang matalik na kaibigan. Walang nag-bago at sila ay nag-kaayos.
Humarap si Rosella sa kanyang salamin at sinuot ang kwintas, hindi niya napigilan ang ngumiti dahil muli niya itong naisuot "Rosella.." biglang bumungad si Helena at nadatnan niya ang nakangiting si Rosella.
Kumunot naman ang kanyang noo pero naisip niya na matagal niyang hidni nakita ang ngiting iyon ni Rosella, ano naman kaya ang nangyare sa kanya?
"Helena, tignan mo" sabi ni Rosella at tinuro ang leeg nito, sinundan naman ni Helena ang daliri nito habang nakakunot ang kanyang noo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kwintas na kinuha ni Analia.
"Binalik na sa akin ni Analia, maayos na kami" sabi ni Rosella habang nakangitin sa salamin na pinag-mamasdan ang kanyang sarili. Pilit namang napangiti si Helena, dahil dito ay baka mahirapan siyang maibalik si Rosella.
"Helena, sana huwag mo munang tawagin si Amelia o si Martial" tila nawindang si Helena na dahilan upang mapatingin siya kay Rosella. Nakita ni Helena ang pag-kakalikot ng mga daliri nito.
"H-Hindi pa ako handa para iwan itong lugar na ito, may kailangan akong tapusin dito" sabi ni Rosella habang nakangiti. Napasinghap naman si Helena at unti-unting lumapit kay Rosella, alam niyang mali ang kanyang sasabihin pero kailangan itong malaman ni Rosella.
"Rosella, tapos na ang iyon misyon dito sa Salida. Nalaman mo na ang mga sikreto, nakasama mo na ang iyong magulang na iyong hiniling" usal ni Helena ngunit nagulat siya ng biglang hawakan ni Rosella ang mag-kabila niyang kamay.
Ngumiti ito pero alam ni Helena na nag-mamakaawa ito "Kailangan ko munang ayusin ang lahat, ang tungkol sa bundok Pilatos at ang tungkol kay Marco" sabi ni Rosella. Napaiwas nalang ng tingin si Helena, hindi pa ba siya babalik? Napakulong niya na si Arnaldo at patay na si Marco.
"Pakiusap Helena, ako ang kusang lalapit sayo kapag handa na ako" ani ni Rosella habang nakangiti. Alam ni Helena na mahirap iwanan ang lugar na ito para kay Rosella, muli siyang nakagawa ng ikalawang alaala sa pag-babalik niya.
"Hindi ka na mag-tatagal dito Rosella, ilang buwan kitang hinayaan manatili dito pero ngayon na ang panahon para ikaw ay lumisan na" sabi ni Helena na ikinatango naman ni Rosella.
"O-Oo Helena, hindi na kita pag-hihintayin pa.."usal ni Rosella na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Ngayon na nalaman ni Rosellang buhay si Marco paano niya masasabing kailangan niya ng umalis, hindi na makakapag-hintay si Helena na ibalik siya sa center.
"Kailangan mong mag-ayos" sabi ni Helena na dahilan upang kumunot ang noo ni Rosella, para saan naman ang pag-aayos niya? "Ngayon ay botohan kaya kailangan mong dumalo"
Nakalimutan niya na ngayon pala ang botoham, tama si Helena kailangan niya ng mag-ayos. Kumuha si Helena ng damit ni Rosella at hindi nag-tagal ay sinuot ito ng dalaga.
Hindi nag-tagal ay nakapag-ayos na si Rosella, muli niyang pinag-masdan ang sarili sa salamin at napangiti ito. Muling bumalik ang kanyang pagiging dalaga at inosente dahil sa kanyang damit. Pakiramdam niya ay bumalik na siya sa sarili niya.
"Halika ka na bagama't nag-hihintay si Matias at Analia sa baba" mas lalong lumaki ang ngiti ni Rosella dahil makakasama niya ngayon ang dalawa niyang kaibigan. Kagaya ng noon ay sila ay nag-sasama para mag-saya.
Ang bilis ng araw para kay Rosella noon, araw-araw silang nag-lalaro at naaalala pa iyon ni Rosella.
Bumaba na si Rosella at nakita niya si Matias at Analia na nakaupo sa sopa "Rosella!" usal ni Analia habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
HistoryczneSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...