------***------
'Kapag ikaw ay namatay ito narin ay sumasalamin sa kasalukuyan'
"Rosella! Rosella!"
Kasalukuyang wala paring malay si Rosella at pinipilit siyang gisingin ni Marco. Hawak hawak ng binata ngayon ang mukha ng dalaga at niyuyogyog ito, ilang minute ng walang malay si Rosella na dahilan upang mangamba si Marco.
"Gumising ka Rosella!"
Sa isang iglap ay biglang gumising si Rosella,umubo ito at habol habol nito ang kanyang pag-hinga. Napasinghap si Marco at inalalayan si Rosella na ngayo'y namumutla parin, nag-tama ang kanilang paningin at nakita ni Marco ang pag-iba ng ekspresyon ni Rosella.
"A-Akala ko mamamatay na ako.." ani ni Rosella at hindi napigilan ang pag-tulo ng kanyang luha kasabay ng ulan na pumupunta sa kanyang mukha. Napasinghap si Marco binuhat si Rosella, nakita niya ang panginginig ng dalaga. Sinakay niya ito sa kanyang kabayo.
Pinaharap niya si Rosella at inalalayan ang likod nito, "Alam kong takot ka ngunit isantabi mo muna iyan" ani ni Marco na dahilan upang mapatango si Rosella. Hindi nag-tagal ay pinatakbo na nito ang kabayo kasabay ng malakas na ulan.
"Asan na ang anak natin Lucas? Palakas na ng palakas ang ulan ako'y nangangamba para sa kanya" ani ni Rosalinda hawak hawak ang kamay ng kanyang asawang si Lucas. Kahit nangangamba rin si ginoong Lucas ay pinilit niya ang sarili na pakalmahin ang kanyang asawa.
"Huwag kang mag-alala Rosalinda, gagabayan ng Diyos an gating anak" usal nito. Napatingin si Lucas at nakita niya ang isang tumatakbong kabaya na may sakay, nanliit ang kanyang mga mata upang ito ay mas makita pa ng malinaw.
"Marco.." bulong ni ginoong Lucas at nakita niyang may kasama ito. Nanlaki ang mga mata nito ng makita niya ang isang dalagang nakapikit ang mga mata "Rosella!" sigaw nito na dahilan upang mapatingin ang mga mag-sasaka at si Selerio.
Palapit na ang kabayo na sinasakyan nila Marco, hinayaan ni ginoong Lucas na siya ay mabasa ang importante ay makita niya ang kanyang anak. "Marco, anong nangyare?" tanong ni Lucas ng makarating si Marco.
"Ginoo, nalunod sa isang malalim na butas ang inyong anak ngunit ayos na at gising na siya" ani ni Marco at tinignan si Rosella na ngayo'y nanginginig na sa sobrang lamig. "Kailangan na natin po siyang ipasok sa loob" ani ni Marco at tumango naman bilang sagot si ginoong Lucas.
Binuhat ni Marco si Rosella at pinasok ito sa loob ng isang bahay upang ito ay mainitan, "Anong nangyare sa aking anak?" natatarantang tanong ni ginang Rosalinda at nilapitan ang kanyang anak na ngayo'y natutulog na.
"Siya ay nalunod sa isang malalim na butas Rosalinda pero maayos na ang kanyang kalagayan at hindi natin siya makikita kung di sa tulong ni Marco" ani ni Lucas at tinignan ang ngayo'y nag-papatuyong si Marco.
"Maraming salamat Marco, malaki ang naitulong mo sa amin ni Lucas" ani ni Rosalinda, tumingin si Marco kay Rosella na ngayo'y bumalik na ang pagiging masigla at tamang kulay ng labi nito "Walang anuman ginang Rosalinda" ani ni Marco dito.
Lumapit si Selerio kay Marco na ikinakunot naman ng noo nito "Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Selerio, tumango naman si Marco at tumayo. Lumabas sila sa bahay at ngayon sila ay napunta sa harapan ng bukirin.
"Maraming salamat sa pag-ligtas mo kay Rosella" ani ni Selerio na ikinayuko ni Marco "Pero tatanungin kita Marco" humarap si Selerio kay Marco na ngayo'y may kunot sa kanyang noo
"May nararamdaman ka ba kay Rosella?" tila hindi naging alarma si Marco sa tanong ni Selerio na ngayo'y seryoso ang tingin kay Marco. Naiyukom ng binata ang kanyang kamao at hinarap si Selerio.
![](https://img.wattpad.com/cover/161853406-288-k105743.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...