***
"Sisimulan na natin ang pag-hahanap kay Arnaldo" usal ni Matias na dahilan upang maagaw ang atensyon ng lahat. Napatayo naman si Apollo at lumapit may Matias.
Sila ay nag-tipon tipon sa mansyon ni Rosella upang pag-usapan ang kanilang plano para hanapin si Arnaldo.
"Hindi ba natin puwedeng tanungin si padre Gamad?" tanong ni Apollo dito, ama ito ni Arnaldo at baka alam niya kung nasaan ito ngayon.
"Hindi natin puwedeng gawin iyon, walang ka-alam alam si padre Gamad tungkol sa nangyayare" ani ni Matias, ang ama ni Arnaldo na walang ka-alam alam kung anong kasamaan ang ginawa ng kanyang anak.
"Nakakalungkot lang na sarili niyang anak ay hindi niya alam ang kasamaang ginagawa nito" ani ni Analia na tila nadismaya dahil sa nalaman niya.
"Pero sa tingin tingin ko ay lalabas si Arnaldo kapag darating ang pag-pupulong para sa mga kandidato" sabi ni Laurel na dahilan upang sumang-ayon, sa panahong iyon ay kailangan nilang tapusin ang kasamaan ni Arnaldo, kailangan niyang pag-bayaran ang pag-kawala ni Marco.
"Wala parin tayong kasiguraduhan, kailangan nating mag-handa" sabi ni Crizalda na ikinatango naman ng lahat. Ilang saglit lang ay nakarinig sila ng pag-bukas ng pinto, napatingin ang lahat sa koridor galing ang tunog na iyon sa pangalawang palapag.
"Analia, nasa taas ba si Mira?" tanong ni Matias kay Analia
"Wala, siya ay nasa kusina ang tanging nasa pangalawang palapag lamang ay si Rosella--"
Naputol ang sasabihin ni Analia ng tumingin ito sa koridor, kumunot naman ang noo ni Matias at sinundan ang tinitignan nito. Tila naging yelo ang lahat ng mapatingin sila sa koridor, napalunok si Matias habang sinusundan ang babaeng nag-lalakad sa koridor.
Unti-unti itong bumaba sa hagdan, suot-suot nito ang pulang bestida at ang kulay ng labi nito ay pula. Tila hindi nakagalaw ang lahat ng dumating ito sa kanilang harapan, dala-dala ng babae ang puting pamaypay at ang sumbrero nitong kulay pula.
Umangat ang tingin ng dalaga sa lahat, malamig ang mga mata nito na tila kaya kang gawing yelo nito "Ano ang ginagawa niyo sa aking mansyon? Ito ba ang tamang lugar para sa pag-pupulong?"
Napatingin si Analia kay Matias na may pag-tataka sa mukha nito "R-Rosella.." usal ni Crizalda na tila takot na takot ito kay Rosella, inusisa ni Matias ang suot nito napayuko siya at napaisip. Parang may kakaiba kay Rosella at napansin niya iyon noong nag-usap sila.
"Hindi ito ang tamang lugar para sa pag-pupulong, dapat nasa opisina kayo ng gobernador-heneral" napakamot nalang si Apollo at agad na napatingin kay Analia na ngayon ay gulong-gulo sa ekspresyon ni Rosella.
"Rosella, maayos ba ang iyong kalagayan?" tanong ni Laurel, nananatiling tinitignan ni Matias si Rosella. Hindi niya maalis ang tingin dito, nag-tama ang tingin nilang dalawa ni Rosella at nakita niya ang kakaibang tingin nito.
"Oo.." maikli nitong sabi habang nakatingin kay Matias ngunit tumalikod ito, bumungad sa Helena na kakagaling lang ng kusina "Mira, ihanda mo ang karuwahe" kumunot naman ang noo ni Helena dahil sa malamig na boses ni Rosella at hindi niya inaasahan ang biglaang pag-labas nito sa kanyang kwarto.
"Saan ang iyong punta, Rosella?" ngayon ay nakapag-salita na si Analia, tumayo ito at lumapit kay Rosella ngunit nagulat nalang si Analia ng biglang mag-iba ang tingin ni Rosella sa kanya, Tila mas lalo itong naging malamig, naramdaman niya ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...