Kabanata 25

62 5 0
                                    

------***------

Makalipas ang pag-amin ni Marco ay hindi na maiwasan ni Rosella ang mapakali, hindi niya alam kung mag-babago ba ang kanyang pakikipag-ugnayan kay Marco o hindi. Hindi natural kay Rosella ang kanyang nararamdaman, tama si Marco tila isa siyang puzzle na mahirap na mabuo.

"Rosella kami ay pupunta muna ng munisipyo upang ayusin ang ilang dokumentaryo doon" ani ng kanyang ina, napakunot ang noo ni Rosella dahil sa sinabi ng kanyang ina na tila narinig niya na ito noon. Ngunit hindi na ito inisip ni Rosella at tumango nakang bilang sagot sa kanyang ina.

Pero may kakaiba sa araw na ito, oo hindi siya mapakali ngunit kakaiba ang lahat bakit ba nararamdaman niyang may mangyayare? Napailing si Rosella at inalis ang kanyang iniisip, hindi niya alam ang susunod na mangyayare pero sana siya ay makaalis na sa mundong binalikan niya.

Hihintayin pa ba ni Rosella na may mangyareng masama? Paano ba ito makakabalik? Hinahanap ba siya ng mga nasa center. Tinatanong ni Rosella kung isa bang pag-kakamali ang kanyang kahilingan ngunit nangyare na ang lahat at wala na siyang magagawa.

Napunta si Rosella sa kanyang hardin ngunit ikinagulat niya ng makita niya ang biglaang pag-dating ni Marco sa kanyang harapan. Tila nag-patuloy ang hindi pang-karaniwang nararamdaman ni Rosella habang tinitignan niya ang mukha ng binata.

"M-Marco, ano ang iyong ginagawa dito? Ang akala ko'y sasamahan mo si Apollo at Crizalda na mag-hanap ng kanilang bagong matutuluyan" ani ni Rosella at pinakalma ang kanyang sarili ngunit wala parin itong talab sa kanya. Ano ba ang dapat niyang gawin?

"Maaga ang aking pag-uwi at mabuti naman ang kanilang kalagayan" baritono ang boses ni Marco na dahilan upang mapalunok si Rosella, bakit tila umuulit ang boses nito sa kanyang isipan? Kailangan niya na bang pumunta sa manggagamot?

"Naninigurado ka bang hindi sila makikita ni Arnaldo?" tanong ni Rosella at lumapit ng kaunti sa binata. Nag-tama ang mga kilay ni Marco "Hindi ko alam ang aking maisasagot Rosella bagama't hindi natin alam ang takbo ng isipan ni Arnaldo, kailangan lang nating maging handa" usal ni Marco.

"Nga pala Rosella ikaw ang aking pinunta dito" ani ni Marco na dahilan upang mapakunot ang noo ni Rosella "Alam ko namang ako lang ang magiging dahilan upang ikaw ay dumalaw dito" usal ni Rosella na dahilan upang mapangiti si Marco.

"May mali ba sa aking sinabi?" tanong ni Rosella na hindi maintindihan si Marco na ngayo'y hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi "Masyadong maaga para ako ay iyong pangitiin Rosella" tumaas ang kilay ni Rosella at napangiwi, kahit kailan ay hindi niya maiintindihan si Marco tila mag-kaiba sila ng mundo.

"Ikaw ay aking binibigyang pahintulot na sumama sa akin sa ilog Tangis binibini" bakit ba sa salitang binibini ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ni Rosella?

"Ano naman ang balak nating gawin doon?" tanong ni Rosella sa binata "Doon nag-pupunta ang mga magka-sintahan upang mamasyal" nanlaki naman ang mga mata ni Rosella dahil sa sinabi ni Marco, tama ba ang narinig niya? Magka-sintahan?

"Marco ikaw na ang nag-sabi na magka-sintahan ang pumupunta sa lugar na iyon---"

"Hindi naman laging magka-sintahan ang pumupunta doon maging ang pamilya ko ay dumalaw narin doon" paliwanag ni Marco, napaiwas naman ng tingin si Rosella at nag-simula ang mga salita sa kanyang isipan.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon