------***------
"Hawak hawak na ni Arnaldo si Crizalda, Marco!" ani ni Apollo kay Marco na may halong pangamba. Napayuko naman si Marco at tinignan si Rosella "Kailangan natin siyang iligtas" ani ni Marco na ikina-kunot ng noo ni Rosella.
"Tayo ay pupunta ng tayo tayo lang?" tanong ni Rosella na ngayon ay naguguluhan. Tumango naman bilang sagot si Marco na ikina-iling ni Rosella, anong gagawin niya? Wala siyang pinangako kay Apollo pero bakit tila may nag-tutulak sa kanya na sumama?
"Hindi ka sasama Rosella" napatingin si Rosella kay Apollo, malalim namang napasinghap si Rosella. "Tama si Apollo, masyadong mapanganib at hindi pa natin ang galaw nila kaya mas makakabuti na maiwan ka Rosella"
Tumango nalang bilang sagot si Rosella at ilang saglit lang ay lumisan na ang dalawa upang pumunta sa mansyon ni Arnaldo. Nanlalamig ang mga kamay ni Rosella at hindi mapakali, panay ang kanyang tingin sa orasan kahit kaalis palang ng dalawa, umaasang sana ay makabalik sila ng maaga at maayos.
"Rosella, pumunta dito si Marco nasaan na siya?" tanong ni Rosalinda na kakarating lang. "Ina, may pinuntahan lang po" ani ni Rosella, wala pang kaalam alam ang kanyang mga magulang. Alam niyang palalayuin siya kay Marco kapag nalaman ang tungkol sa bundok Pilatos pero kailangan niyang tumulong, kailangan niyang ilihim ito.
Hanggang sa matapos ang problema sa bundok Pilatos ay kailangan niyang itago ito bilang sikreto.
Tumatakbo ang oras at habang patagal ng patagal ay nangangamba na si Rosella "Asaan na kaya sila?" bulong ni Rosella sa kanyang sarili, ngunit hindi niya inaasahan ang biglaang pag-dating ni Matias "Ano ang gagawin nila Apollo sa bundok Pilatos?"
Baritono ang boses nito at hindi maiwasan ni Rosella ang mag-taka kung paano niya nalaman ito "Ano ang ginagawa mo dito Matias?" tanong ni Rosella at iniwas ang kanyang tingin.
"Rosella, ano ang gagawin nila doon?" mariing tanong ni Matias na dahilan upang mapasinghap si Rosella, kailangan ba ay sabihin niya kay Matias ang lahat ng kanyang nalalaman?
"Marco, ihahatid lamang ni Marco si Apollo, doon siya nakatira" ani ni Rosella dito na dahilan upang mag-tama ang mga kilay ni Matias na tila pinag-dududahan niya ang dalaga. Iniwas ni Rosella ang kanyang tingin at tumalikod sa binata.
"Salamat sa iyong pag-sagot ngunit hindi iyan ang narinig ko sa pinag-uusapan ni Marco at Apollo" tila tumigil ang pag-tibok ng puso ni Rosella dahil sa sinabi ni Matias. Napaharap si Rosella at nakita niya kung gaano na kalapit si Matias sa kanya, lumayo si Rosella at tinignan ang mga mata ni Matias.
"Alam kong may mali Rosella, alam kong mayroon kang alam" giit ni Matias na dahilan upang mag-tama ang mga kilay ni Rosella, paano niya nalaman na mayroon siyang tinatago?
"Matias ano ba ang iyong sinasabi—"
"Narinig ko ang pinag-usapan niyong lahat Rosella" napalunok si Rosella at unti-unting lumayo kay Matias, hindi niya maaaring malaman ang lahat dahil sigurado siyang sasabihin ni Matias ito sa kanyang magulang.
"Bakit? Ano ang mayroon kay Arnaldo, ano ang mayroon sa kanya na hindi ko alam?" tanong ni Matias at hinawakan ang braso ni Rosella na dahilan upang magulat ang dalaga. Agad na kinuha ni Rosella ang kanyang braso at mariing tinignan ang mga mata ni Matias.
"Matias, ikaw ay umiwas nalang kami na ang bahala sa problemang aming hinaharap—"
"At hayaan ang babaeng minamahal ko na mapahamak?" natigilan si Rosella at napasinghap ng malalim dahil sa sinabi ni Matias "Ano ang mayroon kay Arnaldo na hindi ko alam?" muling tanong ni Matias.
"Matias, pakiusap—"
"Hahayaan mo ban a ipaalam ko ito sa iyong mga magulang?" tumigil si Rosella at kumunot ang kanyang noo dahil sa tanong ni Matias, ito na ang sinasabi niya malapit si Matias sa kanyang magulang at baka ito pa ang maging dahilan para palayuin siya sa kanyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...