"Oh Matias! Asaan si Rosella?" tanong ni Apollo sa nag-mamadaling Matias na kakapasok lang ng opisina "Apollo ihanda mo ang mga guwardiya-sibil, nakuha na ni Arnaldo si Rosella" sabi ni Matias habang kinukuha ang ilang mga armas na nakatago sa kanyang aparador.
"A-Ano?!" sigaw ni Apollo dahil sa gulat.
"Bilisan mo!" sigaw ni Matias na dahilan upang kumilos kaagad si Apollo. Kailangan niyang mailigtas si Rosella maging si Marco, hindi niya hahayaan na mawala itong dalawa.
Papatayin niya si Arnaldo, sisiguraduhin niyang ito na ang pinaka-huling buhay niya. Nilagay ni Matias ang mga armas niya sa kanyang bulsa, ito na ang digmaan ang pinaka-madugo sa lahat. Laban ng kasamaan at kabutihan.
"Senorito Matias! Dumating ang sulat na galing kay ginoong Arnaldo!" sigaw ng isang guwardiya-sibil na ngayon ay mahigpit na hawak-hawak ang isang papel. Kumunot naman ang noo ni Matias at dali-daling itong kinuha, paano pa nagawang makapag-sulat ni Arnaldo?
Binuksan ni Matias ang liham at tila nanginig siya ng makitabang pulang marka na nakasulat ang kanyang pangalan sa papel.
'Ito na ang magiging huling hininga ng dalawang mag-mamahalan kaharap ng isang malawak na lugar kasama ng mataas na bundok. Ang huling hininga nila ay aking pag-mamasdan, ang dugong nanggaling sa kanilang patay na katawan ay magiging isa nalang alaala. Ibabaon sa lupa at mawawala na magpakailanman'
Tila dumaloy ang galit sa ulo ni Matias, agad niyang pinunit ang sulat na iyon at tinignan ang guwardiya-sibil "Pupunta tayo ng bundok Pilatos, doon nila balak patayin si Rosella at Marco" iyon ang nasa liham ni Arnaldo at walang duda na ito ay sa bundok Pilatos.
Lumabas naman ang guwardiya-sibil kasunod ni Matias. Ipapangako niya na proprotektahan niya si Rosella kahit siya ang mamatay, hindi niya hahayaang mawala ito. Ang dami na nitong pinag-daanan at hindi dapat ito ang nararanasan niya, oras na para si Matias ang mag-sakripisyo. Oras na para siya naman ang mag-paraya.
Tumungo si Matias sa labas at nakita niya ang mga guwardiya-sibil na naka-ayos na, dala-dala ang kanilang mga sandara. Alam ni Matias na biglaan ang pangyayareng ito pero inaalay nila ito para sa Salida, para sa kapayapaan ng kanilang lugar.
Nakita ni Matias ang pag-dating ni Laurel "Andito na sila" usal ni Laurel na dahilan para kumunot ang noo ni Matias. Tila isang nag-mamartsang mga tao ang narinig ni Matias sa daan, tila isang batalyon ito na dahilan upang mag-taka siya, sino ang dumating?
Sa palubog na araw ay sumilay ang ilang mga tao, dala-dala nito ang kanilang mga pana, busog at iba pang armas. Tila hindi makapaniwala si Matias ng pinag-mamasdan ang mga taong papalapit sa kanila, anong ginagawa nila dito?
Tila isang bayan ang papalapit sa kanila.
Nakita niya si Crizalda na nakangiti sa kanya "Andito sila para iligtas si Marco at Rosella" ani ni Laurel na dahilan upang ma-mangha si Matias pero hindi niya inaasahan ang isa pang babae na bubungad sa gilid ni Laurel. Nakatali ang buhok nito pero may mga ilang parte ng kanyang buhok ang hindi naiipitan dahil ito ay maikli.
Dala-dala nito ang iba't ibang klase ng armas at tila hindi makapaniwala si Matias "A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong niya sa babae. Bumungad ang isang ngiti sa babae na dahilan upang mapalunok si Matias.
"Nakalimutan mo bang ako ang dati mong kalaban?" tanong ng babae sa kanya habang nakangiti. Sumingit naman si Laurel na dahilan upang matakpan ang babae "Si Serenita ay nag-pumilit Matias, huwag kang mag-alala ako ang bahala sa kanya para sayo" sabi naman ni Laurel.
"Kami rin ay dumalo, hindi namin hahayaan na ang tumulong sa amin ay mawawala. Hindi namin hahayaan na papatayin ni Arnaldo si Marco at Rosella" seryosong sabi ni Crizalda, napayuko naman si Matias at napa-hilamos ang mukha gamit ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficção HistóricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...