Kabanata 9
"Rosella ako muna ay lilisan muna, sasamahan ko ang iyong ama sa kanyang mga lupain" usal ni Rosalinda ng makapasok siya sa kwarto ng kanyang anak na si Rosella.
"Ina, ayos lang ho ba si ginoong Julio?" tanong ni Rosella na hindi parin maiwasan ang pag-aalala dahil sa nangyare kahapon. Muntikan pang hindi matuloy ang selebrasyon dahil sa nangyare mabuti nalang at ito ay ikinawalang bahala muna para sa mga bisita.
"Siya ay ayos naman at nag-papahinga na" ani nito na dahilan upang tumango si Rosella bilang sagot. "O siya ako ay mauna na at nag-hihintay ang karuwaheng aking sasakyan" usal ni Rosalinda at agad lumisan sa kwarto ng dalaga.
Ilang minuto lamang ang nakalilipas ng muling bumukas ang pinto ng kuwarto ng dalaga at nakita niya si Mira "Senorita, nasa baba ho si ginoong Marco" ani nito sa kanya, napakunot naman ang noo ni Rosella, ano naman ang nais ng binatang iyon sa kanya?
Nang tumungo si Rosella sa sala ay nakita niya si Marco na nakaupo sa upuan. "Ano ang iyong pinunta dito?" bungad na tanong ni Rosella na dahilan upang mapatayo si Marco. Samantala ay nakakunot lang ang noo ni Rosella habang nakatingin sa binata.
"Andito ako upang bigyan ka ng regalo dahil sa iyong pag-ligtas sa aking ama" usal nito sa baritonong boses. Biglang lumabas sa likod ni Marco ang isang itim na kahon na may pulang laso, inabot ni Marco ang kahon kay Rosella.
Malaki ang kunot sa noo ni Rosella at unti-unting kinuha ang ito. Tinanggal niya ang laso na nakatali at binuksan nito, bumungad sa kanya ang gintong pulseras na may bulaklak sa gitna nito.
Agad namang napatingin si Rosella kay Marco, "Hindi mo naman ako kailangan bigyan ng anumang regalo, Marco" ani ni Rosella kay Marco.
"Tanggapin mo nalang iyan bilang kapalit sa pag-ligtas sa aking ama" kahit may pag-tataka si Rosella ay wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito.
Sa malayo ay biglang napatingin si Rosella sa likuran ni Marco ng makita ang isang lalaki na naka-itim na tila nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Rosella ng mag-tama ang tingin nila ay agad na umiwas ang tingin nito.
"Saglit lang" usal ni Rosella at nilagpasan si Marco. Agad siyang lumabas ng mansyon upang sundan ang lalaki.
Hinabol ni Rosella ang lalaki ngunit masyadong maraming tao upang ito ay kanyang mapigilan. Tumawid ang lalaki sa kabilang bangketa ng kalsada.
Patakbo na sana si Rosella ng biglang may humila sa kanyang braso na dahilan upang may makabunggo siya. Biglang nakita ni Rosella ang mabilis na pag-takbo ng mga sasakyan.
Agad siyang napatingin sa taong humila sa kanya at nakita niya si Marco, tumingin si Rosella sa kabilang bangketa ngunit wala na ang lalaking kanyang sinusundan. Napasinghap nalang si Rosella dahil tila may umaaligid sa kanilang mansyon.
"Wala ka bang mata, muntikan ka ng maaksidente" biglang usal ni Marco na dahilan upang lumayo si Rosella dahil sa malapit siya dito sa binata.
"At sino ba iyong hinahabol mo?" tanong ni Marco sa kanya. Agad namang umiling bilang sagot si Rosella "Wala.." ani nito na dahilan upang mapakunot ang noo ni Marco dahil sa kinikilos ni Rosella.
"Kahit kailan talaga magulo kang kausap" ani ni Marco na dahilan upang ito ay mapakamot sa kanyang ulo. Inirapan nalang ni Rosella ang binata, kahit talaga rin ay hindi sila magkakaintindihan ni Marco dahil malabo ang lahat sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Fiction HistoriqueSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...