Kabanata 33

37 3 0
                                    

------***------

"Ano ang iyong ginawa Marco na dahilan upang gabihin ang iyong pag-bisita sa akin?" tanong ni Rosella kay Marco, samantala sila ay nakaupo sa isang mahabang upuan na nasa hardin.

Tahimik na ang lugar dahil nag-papahinga na ang mga tao tanging sila nalang ang gising "Ako ay may inasikaso lamang sa lupain" ani ni Marco na ikinatango ni Rosella.

"Ah? Dapat ikaw ang mag-pahinga na dahil panigurado ako na pagod na pagod ka" ani ni Rosella habang nakatingin sa nakatagilid na mukha nito.

"Hindi ko naman maiiwasang hindi makita ka Rosella" napangiti si Rosella dahil sa sinabi nito. Bakit ba sa mga simpleng salita na iyon ay nagagawa ni Marco na pabilisin ang puso ni Rosella? Bakit ba sa malamig na boses nito ay nagagawa parin nitong guluhin ang isipan ng dalaga?

"Kahit na Marco, kailangan mong mag-pahinga" sabi ni Rosella, nakikita niya ang pagod sa mukha ni Marco na dahilan upang siya ay mag-alala.

Narinig niya ang pag-singhap ng binata dahilan upang mapatango si Rosella, pagod nga talaga ito. Ngunit humagip sa kamay nito ang isang rosas na kulay pula.

Kumunot naman ang noo ni Rosella at pinipigilan ang kanyang pag-ngiti "Para saan ito?" tanong ni Rosella sa binata na ngayon ay nakatingin sa malayo.

"Nakita ko iyan sa daan at una kong naalala ay ikaw" sabi ni Marco na dahilan upang mapalunok si Rosella. Grabe ang epekto sa kanya ng isang Marco, bigla itong bunungad sa buhay niya at hindi nag-tagal ay nahulog na siya.

"Maraming salamat.." ani ni Rosella at kinuha ito sa binata. Inamoy niya ito at naamoy niya ang mabangong amoy nito na dahilan upang siya ay mapangiti.

"Ilalagay ko ito sa aking silid at aalagaan" sabi ni Rosella habang hinahaplos ang rosas na hawak nito.

Ngunit sumagi sa kanyang isipan ang nangyare kanina na dahilan upang siya ay mapatingin kay Marco "Marco, dumaan si Laurel dito"

Kumunot naman ang noo ni Marco at agad na tinignan ang dalaga "Sino itong Laurel na sinasabi mo?" tanong ni Marco sa dalaga.

Nag-tatama ang mga kilay ni Marco at namumula din ang tenga nito na dahilan upang kumunot ang noo ni Rosella "Siya ay aking tauhan sa bukirin" ani ng dalaga.

Unti-unti niyang nakita ang pag-baba ng balikat ni Marco habang si Rosella ay nag-taka sa saglitang pag-kilos nito "Siya ay naninirahan noon sa bundok Pilatos"

Dahil sa sinabi ni Rosella ay naging alerto si Marco, nag-tama ang kanilang tingin na dahilan upang mapasinghap ang dalagang si Rosella "Siya ay may pamilya ngunit sila ay namatay" nalukungkot na sabi ni Rosella.

"Ano ang nangyare sa kanyang pamilya?" napalunok si Rosella at tinignan ang mga mata ng binata na tila binibigay niya ang mga mensahe sa kanyang mga mata.

"Sila ay pinatay ni Arnaldo..."

Gumuguhit sa isipan ni Rosella ang mukha ni Laurel na nag-hihirap ng makita niyang wala ng buhay ang mag-ina niya. Labis siyang nalulungkot sa kinasukdulan nito, masyado pang bata ang kanyang mga anak para mamatay ngunit walang puso si Arnaldo sa kanilang lahat.

"Marco, ang babata pa ng mga anak niya upang mamatay, tinanggalan sila ng kinabukasan dahil sa pagiging malupit ni Arnaldo. Hindi ko inaasahan na kapwa Pilipino pa ang gagawa nito"

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon