Kabanata 12

99 4 0
                                    

Kabanata 12

Malayo ang nilakad ng tatlo, sila ngayon ay nasa maliit na kubo. Hindi naman maiwasang kabahan ni Rosella bagama't hindi siya sanay o sigurado na tamang bang sumama siya kay Marco.

"Dito, hindi nila tayo matutunton dahil ang alam nila walang naninirahan dito" wika ni Crizalda, kumuha ito ng tasa at nilagyan ng kape ang mga ito.

"Si Apollo ay pumunta sa Salida?" muling tanong ni Marco kay Crizalda, tumango naman ito bilang sagot "Kung gayon bakit hindi siya dumalaw o dumaan man lang sa akin?" tanong ni Marco dito.

"Hindi ko alam, hindi naman alam na ikaw ay nakabalik na" sabi ni Crizalda, nilibot naman ni Rosella ang kanyang paningin, simple ang mga kagamitan na nasa loob ng kubo bagama't ito ang mga tirahan ng mga mag-sasaka sa kanila.

"Ngunit ibahin natin ang usapan, sino ang mga dumating kanina?" tanong ni Marco kay Crizalda, umupo naman ang babae at malalim na napasinghap "Iyon ay mga tauhan ni Arnaldo, sila ay bumalik upang kami ay sapilitang mag-trabaho" wika nito.

"Noon ang trabaho namin ay pag-sasaka ngayon kami ay nag-mimina na, kami ay nag-hihirap dahil sa pag-mamalupit na ginagawa nila" nakita naman ni Rosella ang pag-iling ni Marco dahil sa sinabi ni Crizalda.

"Bakit kayo ang pinag-tratrabaho?" pag-singit ni Rosella dito.

"Dahil ayon sa mga tao ay may nakabaon na mga ginto o diyamante dito sa bundok Pilatos na iniwan ng mga Europeo, gustong makuha ni Arnaldo ang mga kayamanang iyon ngunit mabagal ang proseso dahil sa kaunti ang kanyang mga tauhan at malaki ang Pilatos kaya sapilitan niya kaming kinuha"

"Bakit hindi kayo nanlaban?Kayo ay may karapatan wala ba kayong nagawa?" muling tanong ni Rosella sa kanya, napayuko nalang si Crizalda at nakita nalang ni Rosella ang biglaang pag-tulo ng mga luha nito na tila kanina niya pa ito pinipigilan.

"Simula ng dumating si Arnaldo ay siya na ang nag-hari, kami ay walang laban dahil sa kami ay maralita, hindi naman siya kaya kung makikita niyo lang ang kanilang mga armas sinong hindi matatakot" pinunasan ni Crizalda ang kanyang mga pisngi ngunit walang tigil parin ito.

"K-Kami ay hindi makapag-pahayag ng saloobin sa mga guwardiya sibil sapagkat hawak nila ang buhay namin, kapag kami ay umalis hahanapin ang papatayin nila kami ngayon ay natatakot ako dahil umalis si Apollo at wala akong balita sa kanya" pilit na nagiging matatag si Crizalda sa kanilang kinahaharap ngayon.

"Ako ang bahala" napatingin si Crizalda at si Rosella dahil sa biglaang pag-salita ni Marco, nakikita ni Rosella ang sinseridad ni Marco sa kanyang salitang binitawan "Ito ay sasabihin ko sa ating gobernador-heneral upang kayo ang mabigyan ng kalayaan" ani ni Marco.

"Hindi mo kilala si Arnaldo, siya ay masamang tao hindi mo gugustuhing mapahamak Marco maaari niyang ipabagsak ang lugar niyo at ang malala lahat ng mga makakabunggo niya ay kanyang pupuksain" nag-aalalang wika ni Crizalda.

"Ngunit siya ay kababayan natin, hindi ko inaasahan na kapwa Pilipino pa ang mag-papahirap sa inyo" usal ni Marco na may giit sa kanyang mga sinasabi.

"Balak naming gumawa ng pag-takas sa susunod na buwan marahil aalis si Arnaldo kasama ang kanyang mga tauhan kaya iyon nalang ang araw upang makatakas kami" wika ni Crizalda.

"Tutulong ako, hindi ko kayo papabayaan" napayuko naman si Rosella, hindi niya magawa ang sinasabi ni Marco marahil takot siya, sa kanyang pag-babalik ay hindi niya inaasahan ang mga bagong makakalaban ng gobyerno na may nangyayare palang mali.

Iniwas ni Crizalda ang kanyang tingin at tumayo "Mamaya pa kayo puwedeng lumisan sapagka't ang mga tauhan niya ay nandoon parin" ani nito at lumabas muna sa labas ng kubo.

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon