"Hindi ko inaakala na magagawa mo yun sa sarili mo Rosella! Nababaliw ka na ba?!" napuno ng malakas na boses ni Matias ang sala at punong-puno ngayon ng galit ang kanyang mukha.
Nakayuko ngayon si Rosella, hindi niya magawang maangat ang kanyang ulo dahil sa kahihiyan. Ngayon lang nagalit si Matias ng ganito na dahilan para masaktan siya.
"Nag-iisip ka ba Rosella?! Hindi hawak ni Marco ang buhay mo, bakit ba sinasaktan mo ang sarili mo?!" puno ng pag-hikbi ngayon si Rosella, ito ang mahirap kay Matias. Hindi niya muna inaalam kung anong nangyayare dali-dali ka niyang pag-sasabihan.
"Matias, dahan-dahan lang hindi pa magaling si Rosella" pag-pigil ni Apollo kay Matias na may halong pag-aalala. Hindi inaakala na malalaman ito ni Matias, sinabi ba ito ni Helena?
"Kagagawan niya ito Apollo, kulang nalang ay sumama na siya sa burol ni Marco--"
"Ano naman sayo Matias kung sumama ako sa kanya?!" napuno ang katahimikan ang lahat ng mag-salita si Rosella. Hindi niya na napagilan ang kanyang sarili, hanggang ngayon ba hindi parin siya maintindihan ni Matias.
"Ano naman ang pakielam mo Matias kung sumama ako sa kanya?! Hindi ba yun ang magiging solusyon para mawala na tong sakit sa puso?! Itong puso ko na punong-puno na ng galit!" usal ni Rosella habang tinuturo ang kanyang puso.
"Hindi mo ako naiintindihan Matias! Walang nakakaintindi sa inyo--Ugh!"
"Matias!"
Naramdaman ni Rosella ang pag-hapdi ng kanyang pisngi, hinawakan niya ito at hindi maiwasan ang pag-tulo ng kanyang luha dahil sa gulat. Paano ito nagawa ni Matias sa kanya? Ngayon lang siya pinag-buhatan ng kamay nito, ngayon lang siya sinaktan nito.
"Matias bakit mo pinag-buhatan ng kamay si Rosella?!" sigaw ni Apollo at tinulak si Matias palayo kay Rosella na ngayon ay tinutulungan ni Laurel. Nag-tama ang tingin ni Matias at Rosella at kitang-kita ng dalaga na nagulat rin si Matias sa kanyang nagawa.
"Hindi mo dapat ginawa yun Matias!" pag-tatanggol ni Laurel, ang aksyon na ginawa ni Matias ay masama para kay Rosella, bilang isang binibini. Hindi niya inaasahan na magagawa ito ni Matias sa kanya.
"D-Dapat lang para magising na siya sa katotohanan kapag hindi mo pinaintindi ay baka sumunod na talaga siya kay Marco!" pero tila sa nakikita ni Rosella ay ginusto ni Matias na siya ay sampalin, tila hindi ito naawa sa dalaga tila wala itong pakielam.
"Pero hindi sa ganitong paraan Matias! Hindi sa ganitong paraan!" sabi ni Apollo na dahilan upang magalit si Matias. Nagawa nalang na umiyak ni Rosella habang pinapanood na mag-kagulo ang lahat.
"Anong karapatan mo para saktan siya?"
Napalingon ang lahat sa malaking pintuan ng mansyon. Tila nakuha ng nag-salita ang atensyon ng lahat, nag-tatama ang mga kilay ng lalaki at kitang-kita ang nakasara nitong kamao na tila handa niya ng suntukin si Matias.
Tila hindi nakapag-salita si Rosella ngunit ng makita niya ang lalaki ay tila nabuhayan ang kanyang puso, tila gumana ito muli kagaya ng dati. Tumulo ang kanyang luha kasabay nun ay ang pag-tingin sa kanya ng binata.
Muli niyang sinambit ang kanyang pangalan "M-Marco.." nauutal at nanginginig na usal ni Rosella na gulat na gulat. Nakasuot ito ng traje de boda at nakita ni Rosella ang tila butas sa damit nito, ito ba ang bala na napunta sa kanyang katawan?
"Marco.." unti-unting lumapit si Rosella at hinaplos ang pisngi ni Marco. Napangiti siya ng maramdaman niyang totoo ang binata na nag-balik siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/161853406-288-k105743.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden
Ficción históricaSa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-angh...