Kabanata 35

40 4 0
                                    

***

Bumukas ang mga mata ng dalagang si Rosella at bumungad sa kanya ang sinag ng araw na nanggagaling sa kanyang bintana. Kinuskos niya ang kanyang mga mata at muling napatingin sa bintana, kumunot ang kanyang noo ng maramdaman niya tila magaspang na kamay niya.

Agad niyang tinignan ito at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang balat, ano ang nangyare sa kanyang balat? Bakit ito ang nakikita niya ngayon? Tila balat ito ng isang matanda, napunta ang kanyang tingin sa bintana at nakita niya sa labas ang isang fountain.

Mas lalong naguluhan si Rosella, akmang tatayo siya ng makita niya ang wheelchair na katabi niya. Tila tumigil ang kanayng pag-hinga ng makita niya ang wheelchair, unti-unti siyang napatingin sa paligid. Sunod-sunod ang kanyang pag-lunok at tila hindi siya makahinga.

Hindi ito ang kanyang kwarto, hindi ito ang Salida "Ang center.." bulong ni Rosella at muling nilobot ang kanyang mga mata. Narinig niya ang pag-bukas ng pintuan at hindi niya inaasahan ang babaeng bubungad sa kanya.

"Helena.."

"Lola Rosella.." ani ni Helena

Nakasuot ito ng pang-nars na damit, napatingin si Rosella sa kanyang relo. Suot-suot niya parin ito at kulay ginto parin ang kulay nito "Helena, ano ang ginagawa ko dito?" natatarantang tanong ng matandang si Rosella. Nakita niya ang kanyang sarili sa salamin sa likod ni Helena, nakita niya ang puting buhok niya at ang kanyang balat na nag-iba.

"Ano ang ginagawa ko dito? Nasa mansion ako ngunit ako ay nahimatay, ano ang ginagawa ko dito?!"

Lumapit si Helena sa matanda "Lola, kumalma kayo" sabi ni Helena na dahilan upang mapatingin si Rosella sa dalaga, nakita niya ang nag-aalalang mga mata nito.

"Ikaw ba ang nag-balik sa akin?" tanong ng matanda sa dalaga, umiling si Helena bilang sagot dito na dahilan upang kumunot ang noo ng matanda. Sino? Sino ang nag-balik sa kanya sa center? Si Helena lang ang makakagawa nun.

"Hindi ako ang nag-balik sayo dito, sa tingin ko ay si Amelia ang nag-balik sayo dito" sabi ni Helena, mas lalong naguguluhan si Rosella. Sino naman ang Amelia na ito?

"S-Sino siya?" nauutal na tanong ng matandang si Rosella, bumalik siya sa pagiging matanda, bumalik siya sa center ngunit kailangan niyang bumalik sa kanyang mansyon.

"Siya ang diwata ng oras, kaya ka niyang pabalikin Rosella dito sa center" napa-iling naman si Rosella, kailangan niyang makausap si Amelia dahil kailangan niyang bumalik sa Salida, hindi pa tapos ang kanayng misyon doon.

"Bakit niya ako binalik dito?" sunod-sunod na tanong matanda

"H-Hindi ko alam Rosella, hindi ko alam ang kanyang dahilan" nakita ni Rosella ang pangangamba ng mukha ni Helena dahil maging ito ay nakabalik. Napasinghap si Rosella dahil hindi niya malalaman kung ano ang nangyare sa Salida, si Marco, baka nag-hihintay ito sa kanya.

"Helena, si Marco, siya ay nag-hihintay sa akin" ani ni Rosella at hinawakan ang kamay ni Helena, siya ay nag-mamakaawa. Kailangan niyang bumalik sa Salida dahil baka nag-aalala na si Marco kung nasaan ito.

"Ibalik mo ako Helena, kailangan kong makabalik" napahawak si Rosella sa kanyang puso na tila nang-hihina ito "Rosella.." usal ni Helena at inalalayan ang matanda na sumandal sa lingkuranan ng kama nito. Puno ng pag-aalala si Rosella na dahilan upang mang-hina ang kanyang puso.

"Patawad Rosella ngunit hindi ko magagawa iyon, naaalala mo ba ang sinabi ko sayo na nang-hihina na ako at unti-unti ng nawawala ang kapangyarihan ko.."

Napapikit si Rosella at hindi inaasahan ang pag-tulo ng kanyang mga luha, paano kung hindi na siya makabalik? Paano ang pag-mamahalan nila ni Marco? Ang laban sa bundok Pilatos? Ano ang kanyang gagawin?

Sixty-Fifth Wish of the Old MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon