CHAPTER 2

1.5K 50 4
                                    

Nagising ako dahil sa init na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Sandali kong iminulat ang mga mata ko dahil sa direktang sikat ng araw na tumatama sa mata ko kaya matagal pa bago maglinaw ang paningin ko

"Where am I?" Wala sa sariling usal ko

Inilibot ko ang tingin sa aking  paligid, nasa isa akong kwarto may kalakihan at makikitang ang karaniwang gamit dito ay pang-ospital. Nangunot ang noo ko sa pagtataka at bumangon sa pagkakahiga at saka lumabas ng kwarto.

Walang tao at pawang ang tahimik ng lugar, walang ni isang tao ang nasa pasilyo. Nakakakilabot ang lugar na para bang isang haunted hospital.

Napamaang ako sa gulat nang maramdaman kong may tumama sa bandang likuran ko, tumindig ang balahibo ko sa takot at marahang tinignan kung ano iyon, isa 'yong papel na bola, tumingin ako sa direksyon kung saan iyon galing, at may naaaninaw akong isang lalaki.

Nakaramdam ako ng inis, nag-init ang ulo ko. Padabog akong pumunta doon, naroon ang isang lalaki na nasa ka-edad ko lamang, nagpipigil siya ng pagtawa habang hawak ang kanyang bibig.

Inis ko siyang kinuwelyuhan! At saka isinandal sa pader. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin!

"Sino ka para gawin sa 'kin 'yon!" Inis kong tanong sa kanya habang matindi pa rin ang hawak ko sa kwelyo niya.

"H-hindi mo ako k-kilala?" Natatawang tanong niya at saka ngumiwi. "Ang bilis mo naman makalimot ulyanin ka ba?"

"Ngayon lang kita nakita, kaya paano kita makikilala?" Galit na baling ko pero tinawanan niya lang ako.

Binitawan ko ang pagkakahawak sa kanya, dahil nakaramdam ako ng pagkangalay.

"Ngayon mo lang ako nakita? Haha, sira ka ba? Eh halos tawanan mo ang pangalan ko kahapon?" Natatawang wika niya at pinagkrus ang kanyang mga braso.

Napakunot ang noo ko at hinahawakan ang baywang ko, mataray ko siyang tinignan.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo," nasabi ko na lang at inikot muli ang aking tingin. "Nasaan ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin sa akin ng diretso.

"Narito ka lang naman sa CH, where, it is the school for patients."

"School for patients? Wala naman akong sakit ah?" Angil ko at sinamaan siya ng tingin.

"Walang sakit? Hahaha, baka sakit mo 'yang pagkalimot mo Hahaha, kahapon lang tawa ka ng tawa sa pangalan ko tapos ngayon 'di mo ako kilala, 'yung totoo sira ka ba talaga?"

"Hindi ko talaga alam 'yang mga sinasabi mo," nasabi ko na lang ulit at tumalikod. "Aalis na ako dito."

"Weird." Rinig kong bulong niya.

Hindi ko na siya pinansin sa mga pinagsasabi niya, hinanap ko na lang ang daan palabas, at mukhang sinuwerte ako dahil nakita ko naman.

Halos mapahawak ako sa aking dibdib ng makita ko kung gaano kahabang hagdan ang lalakarin ko pababa.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at saka muling tumingin sa hagdan

"Alghea."

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa lakas ng pagsigaw na iyon, mula sa aking kinatatayuan, napatingin ako sa loob at may nakikita akong babaeng nasa 25+ na taong gulang pa lang.

"Sa'n ka pupunta ija?" tanong niya na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Aalis na ho ako," pormal kong sagot.

Napakunot naman ng noo ang babae.

"Bakit?sa'n ka pupunta?"

"Sa amin ho, at tsaka bakit ho ako nandito?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong, mukha kasing hindi pamilyar ang lugar na 'to sa akin kaya medyo naguguluhan na ako.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon