ALGHEA'S P.O.V
NATIGILAN ako sa mga pinagsasabi ni Criza, wala akong nagawa kung hindi ang tumulala at makinig sa huling binitawan niyang salita.
I'm his future wife.
Muli ko na namang narinig ang mga salitang iyon, hindi ako mapakali sa sinabi niyang iyon, parang tumatak na iyon sa isip ko at kailanman ay hindi ko iyon makakalimutan. Napabuntong hininga ako bago muling tumingin sa nanlilisik niyang mga mata, I can see the rage on her eyes na para bang nagseselos siya sa ginagawa namin.
Wala naman akong balak na agawin ang boyfriend niya, kung ganoon ang tingin niya sa akin, then go! Wala akong pake kung ano mang relasyon meron sila!
"I don't care, just leave," malumanay kong sabi habang nakayuko.
Naramdaman ko ang panlalambot ng katawan ni Jack dahil sa pagbagsak ng balikat niya.
"A—alghea," nauutal niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-angat ng tingin at binigyan siya ng mga nanlilisik kong mga mata.
"I SAID LEAVEEE!" galit na utos ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sumigaw, nadala lang siguro ako ng emosyon kaya nagawa ko iyon.
Wala silang pinalipas na segundo para umalis sa kwarto ko.
"Let's eat sa labas," dinig ko pang wika ni Criza kay Jack bago nila isinara ang pintuan. Mukhang sinadya niya iyong iparinig para makaramdam ako ng pagka-inis.
Pero teka! Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nakaramdam ng galit sa sinabi ni Criza kanina? Bakit ako naapektuhan? Bakit nainis ako dahil magkakasama sila sa labas, hindi kaya... Hindi kaya... May.... Narararamdaman ako para sa kanya? NO! NO! NO! ERASE! ERASE! May Girlfriend na nga pala si Jack, kaya imposible iyon! And I guess nabastusan lang ako sa ginawa nila sa mismong kwarto ko, hindi ba nakakahiya yon?
Napatigil na lang ako sa pag-iisip dahil mukhang masasaktan lang ako kapag ginawa ko iyon, nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.
Ano bang pake ko sa kanilang dalawa?
Napabangon ako sa pagkakahiga at umalis sa aking kama, naramdaman ko na lang ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko mapigilan, hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko, hindi ko nilakihan ang pagkakabukas ko dahil baka nandito pa sila at makita ako, baka kasi sabihin nila na sinusundan ko sila.
Nakita ko si Criza, nakaupo siya sa bench sa labas at kausap si Jack, mukhang nag-aaway sila mukhang galit na galit si Jack, at si Criza naman ayon parang tanga na nakayuko na para bang pinagsasabihan ni Jack.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...