Kinabukasan, nagising na naman ako ng Normal, kinatuwa naman iyon ni Ate Cheng lalo na ako. Parang pakiramdam ko unti unti na akong nakaka-alis sa mala-impyerno kong buhay, parang pakiramdam ko gagaling na ako.
"Kumain ka ng marami hah," sabi ni Ate Cheng na nilagyan pa ng Kanin ang pinggan ko. Kasabay ko naman siyang kumain kaso lang nauna siya matapos dahil sa bagal kong kumain.
Nilagay niya sa lababo ang pinagkainan niya at saka bumalik sa akin. "Siguro matutuwa ang mga magulang mo kapag nalaman nila na nagiging normal ka na."
Napangiti naman ako, hindi ko pa rin talaga maiwasang mapa-isip sa sinabi ng Mommy kahapon ng Kambal, parang pakiramdam ko may alam sila sa pamilya ko na hindi ko alam.
"May problema?" Itinigil ko muna ang aking mga iniisip saka tumingin kay Ate Cheng. Mabilis akong umiling.
Agad na nalipat ang atensyon naming dalawa sa pintuan ng biglang bumukas iyon. Halos mapangiti na lang ako ng makita ko siya.
"Oh Doc Siven? Napadaan kayo?" Bungad na tanong ni Ate Cheng kay Kuya Siven. Hays siya nga pala hindi ko pa pala naiikwento kay Ate Cheng si Kuya Siven.
"Bibisitahin ko lang si Alghea." Napangiti si Kuya Siven bago lumapit sa gawi namin.
Napatingin naman ako kay Ate Cheng, ilang beses na kumurap ang kanyang mata.
"Doc? Bakit niyo kilala ang pasyente ko?"
"Alaga ko siya dati sa dating hospital." Wika nito na siyang nakapagpatigil kay Ate Cheng.
Nang maglipat siya ng tingin sa akin ay sinuri niya ako.
"Ok ka na ba ulit?" Tanong niya kaya mabilis akong tumango.
"Mabuti naman," sabi ko na siyang nagpalawak ng ngiti sa kanyang labi.
"Kain po kayo," anyaya ko pero umiling lang ito.
"Sige salamat, Actually dumaan lang ako dito para kumustahin si Alghea." Naglipat siya ng tingin kay Ate Cheng at saka ngumiti.
"Naku, salamat Doc," sa wakas nagsalita na ulit si Ate Cheng. Akala ko na pipi na eh.
"Nainom mo ba ulit 'yung gamot?" Tanong niya nang makalipat siya ng tingin sa akin.
"Oo naman po," saad ko na sinabayan pa ng ngiti.
"Teka ano'ng gamot?" Takang tanong ni Ate Cheng.
"Ah, Ate Cheng, binigyan niya ho ako ng gamot para sa sakit ko, kaya po hindi na ako dinadaanan ng sakit ko."
Ngumiti ako sa kanya. Ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Ate Cheng.
"Sige Alghea, aalis na ako, marami pa akong pasyente." Kumaway kaway na lang sa akin si Kuya Siven bago siya lumabas ng kwarto ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin may iniinom kang gamot?" Ramdam ko ang inis na bumabalot kay Ate Cheng.
"Sorry ho Ate Cheng," napayuko na lang ako. "Sorry po." Pinigilan ko ang luhang maaaring dumaloy sa aking mata. Kahit nakaramdam siya ng inis sa akin, pinilit niya iyong pinigilan at saka ako yinakap.
"Magsasabi ka sa susunod sa 'kin hah." Napatango tango na lang ako at saka ko tinapos ang aking pagkain.
Naligo ako pagkatapos at saka nagpatuyo ng buhok, balak ko kasing pumunta sa kambal para bumisita.
Nang makita ko si Ate Cheng na naglilinis na naman, nagpaalam ako na pupunta sa kambal. Pinayagan niya naman ako. Kahit kailan talaga ang bait niya sa akin.
Nang makarating ako, binuksan ko ang pintuan. Nagukat na lang ako sa bisita, nandoon si Tyra na abot langit ang tuwa ng makita niya ako. Sinenyasan niya akong pumunta sa gawi niya. Nakawheel cheer siya habang may nakasabit na swero sa taas.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...