CHAPTER 26

527 20 1
                                    

Napapahiya akong tumingin kay Ate Cheng. Napayuko na lang ako at pilit na sinisi ang sarili sa mga nangyari. Hindi ko 'to ginusto, and I knew that it is all my fault!

Napatingin ako sa kanina pang nakalupagi sa sahig na si Criza, Umiiyak siya na para bang bata.

Nararamdaman ko nang lumalapit sa gawi ko si Ate Cheng.

"Alghea," mahinahon ang kanyang boses kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"A-ate Cheng," nauutal kong sambit dahil nakikita ko sa mata niya ang galit. "Sorry Ate Cheng, kasalanan ko," Saad ko at saka napayuko.

Narinig kong napabuntong hininga si Ate Cheng. "Ayos ka lang ba Alghea?"

Nagulat ako sa tanong ni Ate Cheng. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nawala ang kanina niyang galit at napalitan iyon ng pag-aalala.

"Ayos ka lang ba?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko dahil nabigla ako sa inasta ni Ate Cheng. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin.

"Ate C-cheng," gumaralgal ang boses ko. "Hindi kayo g-galit?"

Pero ngumiti lang siya at saka dahan dahang umiling. Mabilis niya akong niyakap at maya maya'y bumaling siya kay Criza.

"Criz, please umalis ka na," Ang boses ni Ate Cheng ay hindi makabasag pinggan dahil sa hina.

"P-pero Mom," umiiyak pa ring sabi ni Criza.

"Umalis ka na bago pa ako magbago ng isip."

Dahil siguro sa takot tumayo na si Croza at padabog na umalis. Napatingin pa kami ni Ate Cheng kay Criza hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

"Alghea tara na." may anong kinuha si Ate Cheng sa baba. Isa pala iyong basket na naglalaman ng frozen foods at mga prutas.

Dahil sa pagkabigla ko sa mga nangyari, awtimatiko akong napasunod sa kanya.

Nang makapasok kami sa kwarto ay bigla na lang bumungad sa amin si Jack.

"Oh magkasama pala kayo? Saan kayo galing at parang puro kayo nakasimangot?"

Mukhang wala siyang alam kahit sa harap ng room ko lang iyon ng nangyari.

"Tulungan mo na kang sa pagluluto si Ate Cheng," pag-iiba ko ng usapan. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at saka nagtungo sa gawi ni Ate Cheng.

Tumungo ako sa aking kama. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit mas pinili akong paniwalaan ni Ate Cheng. Batid kong may hindi sila pagkakaunawaan na hindi ko na kailangan malaman dahil labas ako do'n.

Napasinghap ako ng hangin, bigla na namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa sentido ko.

Bigla namang napatingin si Jack sa gawi ko kaya awtimatiko kong ibinaba ang aking kamay para hindi niya mapansin na may sumakit sa akin.

Teka nga pala, tutulog nga pala ako ngayon.

Pero dahil nagluluto si Ate Cheng, mamaya na lang, kakain muna ako bago ako tumulog.

Ilang oras lang ang lumipas at naluto na ang pagkain. Sabay kaming tatlong kumain nina Ate Cheng at Jack. Para kaming nasa isang party dahil napuno ng masasayang kwetuhan na siyang nagpabusog sa amin.

"Grabe, sumakit ang tiyan ko," angil ni Jack na hindi makatayo sa kanyang upuan.

Tumayo naman si Ate Cheng at niligpit ang pinagkainan.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon