CHAPTER 28

526 18 11
                                    

"A-h, kailangan ko ng umalis."

Napatingin na lang ako kay Kuya Siven. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin bago siya tumalikod sa akin.

Nagbatian pa sila ni Jack noong magsalubong sila sa pintuan.

Hindi ko maialis ang paningin ko kay Jack. Sana wala siyang narinig tungkol sa pinag-usapan namin.

Nang makalabas na si Kuya Siven. Sinarado ni Jack ang pinto at saka nakangiting lumapit sa gawi ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko at sinabayan iyon ng pilit na ngiti.

"Babantayan ka," nakangiti niya ding wika at saka umupo sa kama.

"Teka, hindi ko kailangan ng tagabantay!"

Bigla naman siyang napanguso. "Bakit? Ayaw mo bang bantayan kita?"

"Hindi naman sa gano'n," nagpapadyak ako sa inis. "Pero para saan pa? At tsaka kaya ko naman bantayan ang sarili ko 'di ba?"

"Malay ko sa'yo," sagot niya na napakamot pa sa ulo. Inarapan ko siya at saka umupo rin sa kama.

"Alis diyan!" Sigaw ko.

"Ano ba! Ba't mo ako pinapaalis?"

"Hihiga na ako, umalis ka na!"

"Weh? talaga ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko batid kung bakit parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Alam niya na kaya?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita kung paano kumurba ang ngisi sa labi niya.

"Jack please!" Pinilit kong hindi nabigla sa sinabi niya. Ayaw kong mabasa niya sa mukha ko na may nililihim ako. "Lumabas ka na, kailangan ko ng matulog, antok na ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. Pilit akong nagmamakaawa ng sa gano'n ay pagbigyan niya ako sa gusto ko.

"Akala ko ba hindi ka inaantok?"

Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung bakit iba ang pagkakaintindi ko sa mga sinasabi niya. Bawat sinasabi niya sa akin ay dalawa ang kahulugan.

"Inaantok na ako," pilit ko pa ring pagmamakaawa.

Pero hindi man lang siya natitinag sa emosyon ko. Napangisi lang siya.

"So anong gusto mong gawin ko? Iwan kita?"

Dahan dahan akong tumango.

"Para ano? Para hayaan kitang hindi makatulog?"

Ang kaba ko ay halos dumoble sa naririnig ko. Ngayon alam ko na may alam siya. Na narinig niya ang pinag-usapan namin.

Napayuko na lang ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi rin ako makagalaw o tumalikod dahil kung ano mang gagawin ko. Hahabulin niya lang ako para kausapin ako.

Napabuntomg hininga na lang ako. Natahimik kaming dalawa at nabalot ng lamig ang paligid.

"Alghea," may bahid na emosyong aniya. "B-bakit? Bakit ka n-agsinungaling sa akin?"

"J-jack" gumaralgal ang boses ko dahil sa kaba.

"Alghea, A-alam mo bang napakasakit tanggapin na ilang beses kang nagsinungaling sa akin?"

Kahit alam kong may galit siya, hindi pa rin siya nagtataas ng boses.

"Okay na Alghea eh.......okay na no'ng malaman ko na araw araw naaalala mo ako," tumigil siya sa pagsasalita. Bigla na lang may nangilid na luha sa kanya mata dahilan para pumatak ito sa sahig.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon