Lumipas ang ilang mga araw, pero pawang normal lang sa 'kin iyon lahat, wala kasing mga nangyari, gano'n pa rin, at hindi pa rin siya nagpapakita.Tuwing tinatanong ko kay Ate Cheng kung may balita kay Jack, iniiwasan niya ang mga tanong ko na para bang may itinatago siya sa akin.
Hindi ko na lang ipinapahalata na may napapansin ako sa kanya, baka kasi lalo niya akong iwasan, kaya pinilit ko na lang na maging tahimik.
Nagpasya akong lumabas ng kwarto para mag-ikot ikot, nabagot na siguro ako sa aking kwarto dahil ilang araw na rin akong hindi nalabas.
Sa paglalakad ko hindi ko maiwasang mag-ikot ikot ng tingin sa paligid, nagbabasakaling makita siya, pero kahit anong masid ko, wala talaga akong makita.
Nakarating ako sa ground floor ng hospital, doon ko rin nakita na may mga sofa doon na pwede kang magpahinga, marami din doong books, magazines at mga newspaper na pwede mong tignan at basahin.
Akmang uupo na sana ako ng biglang may sumulpot sa aking tabi na babae.
Base sa kanyang suot ay hindi siya nurse o doctor dito, kung hindi ako nagkakamali staff lang siya dito.
Nakakunot ang noo niya at nagbibigay ng pilit na ngiti.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Pasensiya na ho, pero hindi namin pinapayagan ang mga pasyente dito, para lang ho ito sa mga bis—"
Hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin dahil nilagpasan ko na siya. Sana man lang naglagay sila na bawal umupo doon para naman aware ako at hindi na pumunta doon.
Napabuntong hininga na lang ako, walang emosyon akong pumunta sa kasamahan niyang staff.
"Saan ho rito ang office ni Mr Collin?" Tanong ko.
Lumawak ang ngiti nito sa labi. "Doon ho," itinuro niya ang maliit na silid sa kanan ko.
Hindi ko na nagawang magpasalamat doon sa babae dahil dali dali akong pumunta roon sa harap at saka kumatok.
"Pasok," nang marinig ko ang sinabi noong nasa loob ay pinihit ko na ang doorknob at saka pumasok.
Nanlaki ang mata mata ni Mr Collin, agad niya din iyong binawi, gumuhit na lang sa kanyang labi ang malawak na ngisi.
"Are you here for my son?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Naupo ako sa vacant na upuan sa harap niya.
"What if I said yes?" Sarkastiko kong sabi, napalitan ang kanyang emosyon mula sa pagiging mayabang ay napalitan iyon ng inis.
"I'm sorry, He's not here," pigil na inis na aniya. "You may go."
Pero sa halip na umalis ako, nanatili pa rin ako sa loob. Hindi ko pa rin inaalis ang aking mga tingin sa kanya.
"Why don't you accept na hindi ka mahal ng anak ko?"
Napakuyom ang kamao ko akala ko pa naman ang bait niya, ngunit kapabaligtaran pala.
"He loves me," usal ko. Naningkit ang mata ni Mr Collin.
"He loves you? Haha, napakaimposible naman niyang sinasabi mo," humalakhak pa siya. "Bakit ka naman niya mamahalin? Ang daming normal na tao sa mundo, tapos ikaw pa 'yung mamahalin ng anak ko? Na may sakit?"
Lalong kumuyom ang kamao ko sa mga pinagsasasabi niya.
"Pero hindi ho nakakamatay ang sakit ko," pinigilan ko ang inis na nagbabadyang kumawala sa 'kin. Pinilit kong magbigay ng respeto sa kanya dahil siya ang may-ari ng hospital na ito.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...