CHAPTER 20

535 18 4
                                    

Lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Malapit na mag-alas diyes ng gabi pero para sa amin ay hindi pa kami dinadapuan ng antok.

Sumulyap ako sa saglit sa kanya. Nakangiti siya habang masayang pinagmamasdan ang kalangitan.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako, parang gumagaan ang loob ko kapag nasa tabi ko siya.

"Gabi na, hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko sa kanya ng sumulyap siya sa akin.

Umiling naman siya. "Ikaw?" Tanong nito kaya umiling rin ako. "Sabihin mo lang kapag antok ka na, para makaalis na tayo dito," Nakangiti niya pang dagdag bago niya ibinalik ang tingin sa taas.

Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, hindi ko nga alam kung matatawa ako o hindi dahil parang dapat ako ang nakasandal sa kanya.

"Oh 'yang mga mata mo, sa 'kin na naman nakatingin," nagulat ako sa sinabi ni Jack. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero paano niya nalaman?

Iniwas ko na lang ang aking tingin at tumingin rin sa kanina pang pinagmamasdan ni Jack, ang kalangitan.

"Ano bang meron diyan, at palagi kang nakatingin sa taas?" Tanong ko rito at saka bumaling sa kanya.

"Naghihintay ng shooting star," sambit niya na hindi pa rin nagbibigay ng tingin sa akin.

"Na naman?" Inis na usal ko. "'Di ba meron na kanina?"

"May wish ulit ako eh," nakanguso na namang aniya. Natawa na lang ulit ako.

"Ano na naman 'yon?" Pigil kong inis na sabi habang hinihintay ko ang sagot niya.

"Gustong kong mapasaakin ka," nakangising sambit niya.

Inirapan ko siya, matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam pero nakornihan ako sa sinabi niya.

"Naks naman, hindi ka kinilig ah," sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko kaya agad ko siyang hinampas sa braso. "Aray!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nang akma na naman siyang sasandal sa braso ko ay inalayo ko ang aking sarili dahilan para mapahiga siya sa inuupuan naming kahon.

"Aray!" Rinig kong angil niya kaya natawa ako.

"Ano bang ginagawa mo? Hinahalikan mo ba 'yung kahon?" Pagbibiro ko pa at saka marahang natawa.

"'E di nagselos ka?"

"Hah?"

"Hahlabyu!"

Hinampas ko ulit siya. "Ikaw ha," dinuro ko pa siya. "Nakakailan ka na!" Napasimangot ako kaya siya naman ang natawa.

"Sabihin mo kaseng mahal mo ako," natatawa niya pang sabi habang hinihintay ang sagot ko.

Iniiwas ko na ang aking tingin sa kanya. Sumimoy na naman malakas na bugso ng hangin. Wala namang bagyo, ganito lang daw talaga dito kapag gabi.

Saglit akong sumulyap kay Jack. Nakahiga siya sa kahon, nakakrus ang mga braso at nakapikit, hindi naman siya tulog. Parang dinadama niya lang ang hangin.

"Jack," tawag ko sa kanya pero hindi man lang niya iminulat ang kanyang mata.

"Oh?" Ungot niya.

"ILW."

Bigla siyang bumangon sa pagkakahiga.

"Ano kamo?"

"ILW." Pag-uulit ko, bigla na lamang tumaas ang isang kilay niya.

"ILW?" Napakunot ang noo niya. "Ano'ng ibig sabihin no'n?" Baling niyang tanong sa akin.

Nagkibit balikat ako kahit alam ko naman talaga. Saglit siyang napahawak sa kanyang baba na para bang pinag-iisipan niya ang ibig sabihin ng sinabi ko.

Remember Me, Alghea (ME Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon