"Ate Cheng! Ate Cheng!"
Napatingin sa akin si Ate Cheng dahil sa sigaw ko. Dali dali siyang lumapit sa gawi ko.
"Ano'ng nangyari?" Tanong niya, may bahid na pagtataka ang boses niya.
Nagulantang din siguro ang kambal dahil nakita ko na silang gising.
"Si Alghea... Nakita ko siyang gumalaw!"
Naglipat ng tingin si Ate Cheng kay Alghea. Hinawakan niya ang kamay nito. "Alghea, Alghea! Gising!"
Tumigil siya sa kanyang ginagawa, at saka kunot noong tumingin sa akin.
"Hindi naman ah," may halong pagkadismayang sabi niya.
"Ate Cheng, nakita ko ho talaga, hindi ako maaaring magkamali, nakita ko ng dalawa kong mata!"
Pero natawa lang siya at saka hinawakan ako sa ulo at ginulo ang aking buhok.
"Hay, baka naman namamalik mata ka lang, o kaya dala siguro 'yan ng pagod mo," natatawang aniya. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Ate Cheng," nagbaba ako ng boses at saka napasimangot.
"Sir Jack, tara na kumain na lang tayo, baka gutom lang iyan."
Napatingin muna ako kay Alghea. Alam kong tunay iyong nakita ko at hindi 'yon imahinasyon.
Napabuntong hininga na lang ako at saka nagtungo sa lamesa. Handa na ang almusal kaya tinawag ko na rin ang kambal para makisabay sa amin.
Sa pagkakataong ito, lumipat ako ng upuan kung saan tanaw ko si Alghea. Baka kasi makita ko siyang gumalaw at mapatunayan ko kay Ate Cheng na hindi ako nagsisinungaling.
Pero natapos ang aming pagkain pero hindi ko nakitang gumalaw si Alghea.
"Oh see? Hindi siya gumalaw?" Saad ni Ate Cheng at saka bumuntong hininga "Hintayin na lang natin ang tamang panahon kung saan magigising na siya," dagdag pa ni Ate Cheng at saka tumayo.
"Tama!" Sigaw naman ng kambal. Hindi ko iyon pinansin at saka tumayo. Naghugas lang ako saglit ng kamay at saka bumalik sa puwesto ko kung saan nasa tabi ako ni Alghea.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka hinaplos haplos iyon.
"Alghea," pilit akong ngumiti. "Nakita kitang gumalaw kanina." Pinigilan kong mapaluha. Ayaw kong makita niyang naiiyak ako, baka kasi magising siya.
"Alghea, kailan ka ba gigising? Sabik na sabik na kasi akong maka-usap ka ulit," ibinaba ko ang kanyang kamay at saka ko inayos ang buhok niyang halos takpan na ang kanyang noo.
Napabuntong hininga ako. Ramdam ko ang malamig niyang katawan dulot ng malamig na aircon. Naririnig ko rin ang mahina niyang hininga na nanggagaling sa ilong niya.
"Gising na, at ipagluluto ka namin ng Lomi." naramdaman kong namasa masa na ang mata ko. "Favorite mo 'yun 'di ba?"
Sana naman sumagot siya at sabihing Oo favorite ko 'yon. Gusto kong marinig ang boses niyang ilang araw ko ng hindi naririnig.
Nagawi ang atensyon ko sa pintuan ng biglang bumukas iyon. Pumasok si Mr Robles at Mrs Robles. May dala dala silang basket na may kamang pagkain.
"Oh Nurse Cheng, nagdala ako ng pagkain," inaabot niya iyon kay Ate Cheng.
"Naku, nag-abala pa kayo, sayang kumain kami," napasimangot naman si Ate Cheng.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Mrs Robles.
Tumango naman si Ate Cheng.
"I see, itabi niyo na lang muna Ate Cheng, pwede niyo 'yan makain mamaya." Nakangiting sambit ni Mrs Robles at saka tumungo sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Genç Kurgu"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...