When I wake up, I was surprised, I am Normal, mukhang tama ang sinabi sa 'kin ni Doc Siven.
Bumungad sa aking mata si Ate Cheng na nag-aayos sa lamesa, nang makita niya ako ay tinawag niya ako.
"Alghea?" Walang emosyon na aniya, parang pinag-aaralan niya ako kung normal ba ako o hindi.
Ngumiti ako sa kanya. "Ate Cheng," binati ko siya.
Dahil sa gulat niya ay yinakap niya ako. "Diyos mio, buti normal ka."
Nang matanggal ang yakap niya sa akin ay niyaya niya ako sa table para kumain.
"Eto oh, favorite mo," itinuro ni Ate Cheng ang Bowl na naglalaman ng Lomi.
"Wow, tamang tama Ate Cheng, gutom ako," napangiti pa ako kay Ate Cheng.
"Ako ang nagluto niyan," saad pa ni Ate Cheng kaya hindi na ako nagpalipas ni ilang segundo para kumuha at tikman ang niluto niya.
"Wow, ang sarap naman," wala sa sariling bulalas ko.
"Talaga? Mas masarap sa lomi sa bayan?"
Tumango ako.
"Binobola mo lang ako ih," angil ni Ate Cheng.
Natawa na lang ako. "Hindi po ah, masarap talaga."
Nang makatapos kami sa pagkain, nagpaalam ako kay Ate Cheng na lumabas. Okay lang naman akong maggala-gala sa hospital pero 'wag lang daw ako pasaway katulad ng ginawa namin ni Jack noong isang linggo.
Speaking of Jack? Kumusta na kaya siya?
Sa totoo niyan hindi naman ako maggala-gala, gusto kong pumunta sa Room ni Doc Siven para makapagpasalamat.
Saktong pagkabukas ko ng pinto nandoon si Doc Siven, mukhang may kausap siya. Nang tuluyan na akong makapasok, napunta na naman sa akin ang mga nanlilisik niyang mga mata. Walang iba kundi si Mr Collin.
"'Yan Sir Collin, isa 'yan sa binigyan ko ng nga sample naming gamot," itinuro pa ako ni Kuya Siven. "Alghea, kumusta naman 'yung gamot? Ininom mo ba?"
Mabilis akong tumango, sinadya ko talaga 'yon para makita iyon ni Mr Collin. Narinig ko pa nga siyang suminghal.
Nang makaupo ako sa vacant seat, magkaharap kami ni Mr Collin. Ramdam ko pa rin ang mga nata niyang nakamasid sa akin. May maya'y bigla siyang tumayo.
"Mukhang may bisita ka," walang emosyong sambit ni Mr Collin. "Kailangan ko ng umalis."
Nang tuluyan na siyang nawala sa mata ko. Naglipat na ako ng tingin kay Doc Siven. Bakas sa kanyang mukha na may napapansin siya sa amin.
"May problema ba sa pagitan niyong dalawa?" Tanong niya? Napakamot pa soya sa kanyang ulo.
Umiling ako, ayaw kong malaman niya na may galit kami sa isa't isa.
"Maiba tayo, kumusta ka naman? Mukhang effective 'yung gamot 'no?"
"Oo nga po Kuya Siven eh, ininom ko po siya kagabi and then ngayon normal akong gumising."
Napangiti si Kuya Siven. "Mukhang wala ka ng poproblemahin."
Tumango tango na lang ako.
"'Yung sinabi ko, 'wag mong kakalimutan."
"Oo naman po, 'yun bang kapag iisa na 'yong gamot?"
Tumango si Kuya Siven. "Hmm, sa'n ba ang room mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/180886636-288-k280178.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Fiksi Remaja"If sleeping makes my memories fade, I'd stay awake to make them stay." Alghea suffers from a rare condition where she loses all her memories every time she wakes up, and it takes hours for them to come back. What will happen if she have a lover? wi...