"Tulungan na kita Alghea."
"Hindi na," pagmamatigas ko.
Kinukuha kase niya ang mga dala ko para tulungan akong bitbitin iyon. Papunta na kase kami sa 3rd floor para lumipat dahil gagawin daw itong kwarto ko.
"So anong gusto mong gawin ko?" Bahagya siyang napahawak sa kanyang baba sa tanong na iyon.
"Umalis ka na lang," tanging nasabi ko, para kasing matatagalan ako pumunta sa 3rd floor kapag kasama ko 'tong lalaking 'to papunta doon.
Naningkit ang kanyang mata, may namuo din sa labi niyang ngisi kaya medyo nagtaka ako.
"Baka nakalimutan mo....." Pabitin niyang sabi. "Ako ang may-ari ng Hospital na ito kaya gagawin ko kung anong gusto ko."
Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina sa 'kin na siya daw ang may-ari ng hospital na ito, no'ng time na 'yon ayaw ko pa ngang maniwala pero nang tinanong ko si Ate Cheng ay siya nga daw ang namamahala nito kasama ang ama niya.
"Oh? Natahimik ka?" wika niya kaya natigil ako sa pag-iisip.
"Ah wala, tara na nga."
Mabilis lang kaming nakarating doon sa room, pagkapasok namin ay bumungad sa aking paningin ang maayos na pagkakalagay ng gamit, mukhang inayos talaga 'to para sa 'kin.
"Oh ano Alghea, nagustuhan mo ba?"
Agad akong tumalikod para tignan ang may sabi no'n, nakita ko si Ate Cheng na nakangiti na animo'y abot hanggang langit dahil sa lawak nito.
"Ah, oo naman po," masigla kong sagot at saka ko binalik ang aking paningin sa paligid.
"Hayaan mo Alghea, pansamantala ka lang naman dito at baka sa isang araw ay bumalik ka na," sabi ni Ate Cheng kaya tumango tango nalang ako.
Napansin ko si Jack na tahimik, naka-upo lang siya sa upuan sa tabi at para bang may sariling siyang mundo dahil sa kanyang pananahimik.
Nagtama ang paningin namin ni Ate Cheng mukhang napansin niya rin ang pananahimik ng kasama ko kaya halos nagkibit balikat na lang kami pareho dahil hindi namin alam kung anong problema ng lalaking 'to.
"Hindi ka pa uuwi Sir, Jack?" Sa wakas, binasag din ni Ate Cheng ang katahimikan, sandaling nag-angat ng tingin si Jack, wala siyang emosyon at bakas ang pagod sa kanyang mukha. "Gabi na Sir, mukhang pagod na kayo, kung gusto niyo tatawagan ko po si Si—"
"Hindi na."
Biglang lumamig ang simoy ng hangin dala ng aircon.
Ano kayang problema nito?
"Ah sige po."
Agad na tumayo si Jack kaya bumaling muli ang tingin ko sa kanya.
"Una na ho ako, Ate Cheng," paalam ni Jack, bago bumaling sa 'kin. "Sa 'yo din Alghea, una na ako, kailangan kong magpahinga para sa 'yo." Tugon niya na sinabayan pa nang ngiti.
Nang makalabas si Jack sa kwarto ko, agad na nagbato ng tingin sa akin si Ate Cheng.
"Teka, anong ibig sabihin no'n?" tanong ni Ate Cheng na may halong pang-aasar pa. Humakbang siya papalapit sa akin. "Aminin mo nga... May namamagitan ba sa inyong dalawa?"
***
"Alghea, gising ka na."
Umikot muna ang aking tingin sa paligid, hinanap ko kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Alghea (ME Series #1)
Teen Fiction"If not sleeping is the only way to remember him, I will do it everyday." Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before it gets back. What will happen if she have a love...